-
Posts
493 -
Joined
-
Last visited
-
BCash
0 [ Donate ] -
Country
Philippines
Content Type
Profiles
Forums
Events
Downloads
Blogs
Gallery
Musicbox
Movies
Everything posted by BCXR28
-
Anu po kaya best gawin pag ganito?
BCXR28 replied to BCXR28's topic in Mobile Software Zone Requests
Thankyou po! Nareset ka na po resolved na po ang problema ko sa cp. God bless po??? -
Path When lotto prize got up 6 million, one clerk noted that people were buying millions' worth of hope at a time. But God's Word offers us a better hope: a lasting, eternal, and blessed hope in the glorious appearing of our Lord and Savior, Jesus Christ. Points John Is Commanded to Write (1:17-19) John's vision was sent and signified (Revelation 1:1), that is, it was given in signs and symbols. Why? Preservation: Symbols transcend language, time, and culture. Emotion: Symbols cause an emotional reaction that plain language doesn't. Orientation: These symbols are rooted in the Old Testament: strange to us but familiar to the Jewish audience of John's time. Protection: As Romans persecuted Christians, the symbols of this book would make no sense to their culture and mindset, protecting believers like a code. Jesus gave the outline for this book in Revelation 1:19: the things which you have seen; the things which are; and the things which will take place after this. Probe: Read 1 Peter 1:3-9. What is our living hope, and how do Peter's words encourage us in these difficult times? John Is Called Up to Heaven (4:1) John saw a depiction of the rapture of the church. The language reflects another description found in 1 Thessalonians 4:13-18: the shout like a trumpet and the snatching away� (from the Greek harpazō, Latin raptius or rapture) of the church to meet with Jesus in the lower atmospher�e. What will Jesus shout? Perhaps "Come up here!" (see Revelation 4:1). The church will then be tucked away safely for a seven-year honeymoon while the tribulation happens on earth. Probe: Read 1 Thessalonians 4:13-18, 1 Corinthians 15, and John 14:1-3. List the details of the event described in these passages. John Is Captivated by Glory (4:2-5) When John was caught up to heaven, the first thing that caught his attention was God's throne and appearance--like jasper (clear and brilliant) and sardius stone (reddish, maybe to remind us of the blood of redemption). The twenty-four elders represent the church in heaven during the tribulation. Why? Because only one group, Christians, can sing the lyrics of the song in Revelation 5:8-10. Probe: Only two times in this book do we see a door into heaven opened: in Revelation 4:1 and 19:11. What are the differences between these two events? How do those differences help us distinguish the rapture from the second coming? Practice Connect Up: John saw Jesus differently in heaven than he did on earth. When you think of Jesus, what images come to mind? Contrast His appearance and work during His first visit with what they will be like when He returns. Connect In: Like many today, John faced suffering and uncertainty over the future. How can his vision help encourage and comfort us in hard times? Connect Out: Discuss the symbolism of the lampstand, decoded in Revelation 1:20. What does that symbol mean for believers and our role as the church?
-
Ang pinakamagandang halimbawa na mayroon tayo sa paglutas ng salungatan ay ang Diyos mismo. Paulit-ulit, tayo ay lumayo sa Kanya. Nagkasala tayo laban sa Kanya. At gumawa tayo ng mga bagay na batid nating hindi mabuti para sa atin. Kaya napagpasyahan ng Diyos na magkaroon ng kalutasan sa salungatan—kasama tayo. Paano Niya ginawa ito? Nang may pagpapakumbaba at sa direktang pamamaraan. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak, si Jesus, dito sa mundo upang isilang sa isang aba at maruming kuwadra ng hayop. Pumarito Siyang katulad din natin—bilang isang tao. Nabuhay Siyang tulad ng isang tao. Ngunit hindi katulad natin, si Jesus ay namuhay ng isang buhay na ganap at walang kasalanan. At pagkatapos, namatay Siya sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan na siyang pinakasukdulang kalutasan sa salungatan. Hindi Niya kailangan gawin ito, ngunit pinili Niya ito. Kinuha Niya ang nararapat na para sa atin at inilagay sa Kanya. Namatay Siya upang harapin ang salungatan at mapatawad ang ating mga kasalanan upang makasama natin Siya. Kung tinatawag natin ang ating mga sariling taga-sunod ni Jesus, nararapat na sundin natin ang Kanyang pangunguna. Ang ibig sabihin nito ay maaaring maging masalimuot ang mga bagay-bagay. Hinihingi Niya sa ating harapin ang salungatan sa maayos na paraan sa halip na takbuhan natin ito, sa pamamagitan ng pagharap dito kaagad, sa direktang paraan at may pagpapakumbaba—katulad ng Kanyang ginawa. Kailangan nating tandaan na ang pagharap sa isang salungatan sa maayos na pamamaraan ay hindi laging magbubunga sa kaayusan ng ating mga ugnayan. Kung minsan, maaaring hindi tanggapin ng mga tao ang ating paghingi ng tawad. At kung minsan, ang salungatan ay hindi kaagad mawawala. Ngunit, nakakagamot sa ating mga puso kapag natututunan nating harapin ang ating salungatan, kahit na nga hindi nito magamot ang ating ugnayan. Bakit? Dahil kapag hinaharap natin ang salungatan sa tamang paraan, nagiging katulad tayo ni Jesus. Kaya nga, yakapin natin ang salungatan. Maging katulad tayo ni Jesus—mapagpakumbaba at mapagpatawad. Tandaan: Iniligtas Niya tayo nang hindi tayo karapat-dapat. Kaya't ibigay din natin ang biyayang ito sa ibang tao, kahit na maaaring iniisip nating hindi rin sila karapat-dapat dito. Panalangin: Panginoon, tulungan Mo akong harapin ang salungatan sa paraang magbibigay ng karangalan sa Iyo. Bigyan Mo ako ng karunungan upang maitama ko ang aking mga ugnayan. Tulungan Mo akong magpatawad sa iba tulad ng pagpapatawad Mo sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.?
-
Anu po kaya best gawin pag ganito?
BCXR28 replied to BCXR28's topic in Mobile Software Zone Requests
Salamat po sa inyo? itry ko nlng po ngayon. -
Ang oxymoron o pagtatambis ay kapag ang tila baga magkasalungat na mga salita ay lumilitaw nang magkasama. Katulad ng jumbo shrimp. Magandang pangit. Virtual reality, Random order. Nakuha mo na ba ang kahulugan nito? Sa unang tingin, ang isang maayos na salungatanay tila isang oxymoron din. Subalit, kapag tiningnan natin kung anong sinasabi ng Biblia, ang isang maayos na salungatanang siya mismong nasa isipan ng Diyos. Sa Mateo 18:15, sinabi ni Jesus na kung ang kapatid mong lalaki o kapatid mong babae ay nagkasala sa iyo, nararapat na pumunta ka mismo sa taong iyon at sabihin sa kanya ang kanyang pagkakamali—kayong dalawa lamang. Woah. Okay, Jesus. Ito ay lubos na kabaligtaran sa nais nating gawin kapag may isang taong nagkasala sa atin. At alam mo ba kung anong gustonating gawin? Gusto nating tumakbo o sumigaw. Kapag may isang taong nakapagpapagalit sa atin, gusto nating tumakbong palayo at iwasan ang problema, o kaya naman ay gusto nating isigaw ang tungkol sa taong ito sa lahat malibansa taong ito mismo. Nagmungkahi ng kakaibang pamamaraan si Jesus—isang mas mabutingpamamaraan—na kinapapalooban ng pagharap sa sitwasyon sa mismong ugat ng problema. Kaya't paano mo nga ba kakaharapin ang salungatan? Narito ang tatlong pamamaraan: 1.)Gawin mo ito agad. Sinasabi ng Mga Taga-Efeso 4:26 na huwag mong hayaang lumubog ang araw na galit ka pa rin. Kaharapin mo agad ang salungatan. 2.)Direkta kang pumunta sa kanya. Kapag ikaw at ang iyong kaibigan ay may salungatan, nakakatuksong pumunta sa lahat ng tao maliban sa kaibigan mong iyon! Ngunit sinasabi sa Mga Kawikaan 11:13 na ang taong madaldal ay walang maitatago. Ayaw ng Diyos sa tsismiso at sa pagkakalat ng tsismis. 3.)Pumunta ka nang may kapakumbabaan. Maaaring hindi mo pa naiisip, ngunit baka hindi ka pa labas sa problema. Maging handang aminin na ikaw ay nagkamali, at magpakumbaba. Maganda ang pagiging mapagpakumbaba sa lahat. Sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1 na ang malumanay na sagot ay nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, ang poot ay hindi mawawaglit. Kaya, paano natin haharapin ang salungatan sa magandang pamamaraan? Hinaharap natin ito. Nilulutas natin ang salungatan kaagad, sa direktang pamamaraan at may kapakumbabaan. Kapag ginawa natin ito, napaparangalan ang Diyos at nagsisimula ang paggaling ng ating mga puso.
-
Anu po kaya best gawin pag ganito?
BCXR28 replied to BCXR28's topic in Mobile Software Zone Requests
-
Lagi ng puno ang cp ko lagi nalabas sa notification ang memory full please delete. Tapos lagi din madaming lumalabas sa notification ko na nahack daw phone ko which is possible kasi nalimas laman ng gcash ko tapos nakalagay din sa notification virus is killing your phone. Tapos minsan may nalabas din na bastos sa notification ko yun din ang nakakabahala bakit nalabas yun sa phone ko. Meron din nanalo daw ako ng phone wala nman ako sinasalihan. Patulong naman po please sa mga nakakaalam ng ganito. Salamat in advance po!
-
Kapag may gumugulo sa iyong pinakamatalik na kaibigan, napakahirap para sa iyong magustuhang ang taong ito, hindi ba? Ganyan din ang Diyos sa atin—ang Kanyang mga anak. Hindi magiging tama ang iyong ugnayan sa Diyos kung may sinasaktan ka sa isa sa Kanyang mga anak. May direktang kaugnayan ang iyong ugnayan sa ibang tao at ang iyong ugnayan sa Diyos. Kaya nga, bago natin ayusin ang ating ugnayan sa Diyos, kailangan nating ayusin ang ugnayan natin sa ibang tao. Sa Lumang Tipan, nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng handog sa altar. Ang mga tao ay maglalakbay ng ilang arawupang ibigay ang kanilang handog. Sa kanilang pagdating dito, malamang na pagod na sila. Habang nasa isip natin ang kontekstong ito, sinabi ni Jesus sa Mateo 5 na kung ikaw ay nagbibigay ng handog sa altar at naalala mong may isang taong hindi mo kasundo. kailangang puntahan mo siya at ayusin mo muna ang inyong ugnayan. Nakuha mo ba ito? Kahit na ilang araw na silang naglakbay, kailangan pa rin nilang bumalik at ayusin ang kanilang salungatan sa taong hindi nila kasundo, at magiging isang kasayangan ang kanilang buong paglalakbay. Maaaring tila sobra naman ito, ngunit hindi nakikipagbiruan si Jesus. Batid Niya ang isang bagay na madalas nating nakakaligtaan: Hindi ka magiging maayos sa Diyos kung hindi ka maayos sa ibang tao. Ngayon ay batid na natin kung gaano kahalaga sa Diyos ang salungatan.
-
Katulad ng ating napag-aralan kahapon, ang salungatan ay hindi maiiwasan. Kaya, bakit tayo lubhang natatakot dito? Narito ang ilang mga kadahilanan kung bakit kinatatakutan natin ang salungatan: 1. Nagiging balisa tayo dahil dito.Sa huli, hindi lamang hindi nakakatuwa ang salungatan. Kapag nararamdaman nating mayroong hindi tama, alam nating kailagang may gawin tayo, ngunit kung minsan, sinusubukan nating itago ang ating nararamdaman upang iwasan ang salungatan. 2. Nararamdaman nating wala tayong kontrol dito. Kapag nakakaranas tayo ng salungatan, ang pakiramdam natin ay wala na tayong kontrol sa buhay natin. Ito rin ang dahilan kung bakit mas gusto pa nating magpadala ng mensahe sa text sa halip na makipag-usap sa telepono—ang nais natin ay may kontrol tayo sa ating pakikipag-usap at sa sitwasyon. 3. Hindi natin sinusunod ang Diyos. Kung minsan ay kinatatakutan natin ang salungatan sapagkat hindi natin ginagawa ang nais ng Diyos na gawin natin. Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos, alam nating nais Niyang nasa tamang lugar ang ating mga ugnayan. Kapag pinipili nating iwasan ang salungatan at hinahayaan nating lasunin tayo nito, pinipinsala nating ang mga ugnayang nais ng Diyos na itama natin. Ngayon na batid na natin kung bakit tayo natatakot sa salungatan, maaari na tayong magsimulang pagtagumpayan ito. Mas malaki ang Diyos kaysa sa ating mga takot, at ang takot ay hindi galing sa Diyos. Kung ganoon, kapag ikaw ay nag-aalala tungkol sa isang salungatan, ipanalangin mo ito. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng karunungan at ng tamang mga salita upang malunasan ang isang nasirang ugnayan. Bukas, tutuklasin natin kung paanong ang salungatan ay nakakaapekto sa ating ugnayan sa Diyos.
-
Benlotus Contributors Club (2024 Relaunch)
BCXR28 replied to Cosmic's topic in Announcement and News
Maraming salamat po? -
Napansin mo bang ang iyong pinakamatinding sakit at pagkabigo ay bunga ng isang nasirang ugnayan? Kapag mayroong hindi tama sa ugnayan mo at ng isang tao, tinatawag natin itong salungatan. Alam mo kung paano ito nangyayari. Ito ay tulad noong nagkaroon ka ng matinding pakikipag-away sa iyong mga magulang, o noong nagpakalat ng tsismis tungkol sa iyo ang iyong kaibigan sa paaralan. O kaya naman, para sa iyo, ay noong ang iyong kasintahang babae o kasintahang lalaki ay nakipaghiwalay sa iyo sa Snapchat/facebook messenger. Hindi mahirap maunawaan kung ano ang salungatan dahil nararanasan natin ito araw-araw. Ipagpaumanhin mo kung kailangan kong sabihin ito sa iyo, ngunit hindi rin ito maiiwasan. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang mga tao ay magulo! Wala sa atin ang perpekto, at kapag sinusubukan ng mga taong hindi perpekto na gumawa, madaling magkaroon ng salungatan. Ngunit ang salungatan ay hindi laging isang masamang bagay. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Ngunit kapag hindi natin hinaharap ang salungatan sa isang maayos na paraan, ito ay parang lason. Dahan-dahan itong tatagos sa ating mga ugnayan. at hahawahan ang lahat ng bagay at lahat ng taong nakakasalamuha natin. Sa Biblia, alam na alam ito ng sumulat ng Mga Hebreo. Kaya nga sinasabi sa Mga Hebreo 12:15 RTPV05 ito: ...Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba. Mahalaga para sa ating ayusin ang salungatan, sapagkat ang uri ng ating pamumuhay ay magiging kasing-ayos lamang sa kalidad ng ating ugnayan. Kaya nga, paano natin maaayos ang salungatan sa paraang mapaparangalan ang Diyos? Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit takot tayo sa salungatan, kung paanong nakakaapekto ang salungatan sa ugnayan natin sa Diyos, at paano nating haharapin ang salungatan sa isang maayos na pamamaraan. Ang aming dalangin ay huminto ka sa iyong takot sa salungatan at simulan mong harapin ito upang magkaroon ka ng mas mabuti at mas matibay na ugnayan.
-
Ngayon, nais kong ialok sa inyo ang nakatagong kayamanan. Ito'y nakabaon sa gitna ng kaabalahan ng iyong buhay. Ito'y natatakpan ng sala-salabat na paghuhudyat sa isang abalang mundo, ngunit kung ito'y makikita mong mabuti sa unang pagkakataon, ang kahalagahan nito ay hindi maitatatwa. Ang bawat tao ay puno ng kasalanan at katiwalian. Maging ang mga taong natutunan na ang sining ng pagdidisiplina at pagsasakripisyo ng sarili ay hindi kayang palayain ang kanilang sarili mula sa pagkagapos sa kasalanan. Ito'y bahagi ng ating espirituwal na DNA mula sa ating kapanganakan. Ngunit may kasaysayan nang ginawa ang Diyos para sa iyo. Maaaring ang iyong kasaysayan ay may kasamang maikling kabanata kung saan gumugol ka ng ilang araw sa pagbabasa ng isang debosyonal na nakabase sa Biblia na nasa iyong telepono at dito'y nakatagpo mo ang pagmamahal ng Diyos sa unang pagkakataon. Anuman ang iyong kasaysayan, ikaw man ay nasa una o nasa ika-limampung pangangalap, at ang Diyos ay masugid. Ang anak ng Diyos, si Jesus, ay hindi matitinag sa Kanyang pagpapalaya sa iyo mula sa pagkaalipin sa kasalanan na ang ginawa Niya ay Siya mismo ang naging kasalanan at Siya ang hinatulan upang matugunan ang kaparusahan laban sa iyong buhay. Subalit kailangang ikaw na ang magpatuloy ng kasaysayan simula rito. Nasa iyo na ang pagpili kung ang iyong kasaysayan ay malalathala o iwawaksi. Kailangang isaalang-alang mo ang halaga nito, ngunit kailangang isaalang-alang mo rin ang halaga ng pagpapaplit. Kung handa ka na para sa susunod na hakbang, gawin mong panalangin ito sa Diyos ngayon. Panalangin O Diyos, napagtanto ko na ngayon kung paanong hinahabol mo ako sa buong buhay ko. Malinaw ko na ngayong nakikita kung gaano mo ako kamahal, at handa na akong isuko ang lahat upang ako'y sumunod sa Iyo. Patawarin mo ang aking mga kasalanan. Gawin mo akong bago. Maging tagapagligtas ko Ikaw. Amen.
-
Nakakacurious patingin po baka makatulong medyo mahina signal samin. Salamat po?
-
Sa ika -labintatlong kabanata ng aklat ni Mateo, nagbahagi si Jesus ng maiksing parabula tungkol sa isang taong nakahanap ng lupain na hindi niya matanggihan. Sa isang banda nakahanap siya ng bukirin na naglalaman ng mahalagang kayamanan. Dahil sa kanyang natuklasan, itinago niya sandali ang kayamanan, umuwi sa kanila at ibinenta ang lahat ng ari-arian niya. Binalikan niya ang bukirin at binili nya ito. Ang kayamanan ay mas mahalaga pa kaysa sa dating pinagmamay-ari nung tao, kaya't ganun na lang ang pagpupursigi niyang mapasa kanya ang lupain. Sinundan ito ni Jesus ng isa pang kwento tungkol naman sa isang mangangalakal ng perlas. Isang araw, nakatagpo siya ng isang perlas na walang katulad ang kalidad, kaya ibinenta niya ang lahat ng pag-aari niya para lang makamit ito. Ang dalawang parabulang ito ay mga kwento lamang na ginamit ni Jesus para sa kanyang mga aral, pero meron isang taong lumapit sa kanya at nagtanong, "Ano ang kailangan kong gawin para mailigtas?" Hindi siya handa para sa tugon ni Jesus. "Ibenta mo ang lahat ng ari-arian mo. Ibigay mo ang pera sa mahihirap, at sumunod ka sa akin."Malungkot na lumayo ang lalaki dahil napakayaman niya. Masakit ang pakawalan ang lahat ng iyong ari-arian. Hindi kailangan ni Jesus na pakawalan mo ang iyong materyal na yaman upang sumunod sa Kanya, ngunit kinakailangan natin maintindihan ang gugugulin sa pagsunod sa Kanya. Kapag nagdesisyon kang sumunod kay Cristo, magbabago ang buhay mo. Maaari mong pakawalan ang ibang bagay, o ibang tao, ibang nakaugalian na, at ang ilang oras mo. Ang mga matagumpay na nagbago ng pamumuhay ay kagaya ng mga taong nasa parabula ni Jesus — ang mga taong naintindihan ang halaga ng palitan, at handang pakawalan ang lahat upang makamit ito. Sabi ni Jim Elliot, isang tanyag na misyonero sa Ecuador noong dekada 50, "Sadyang matalino ang taong pakakawalan ang mga bagay na hindi niya maaring ariin upang makamit ang mga hindi niya maaring walain." Nais kang alukin ng Diyos na ampunin ka bilang Kanyang anak, patawarin ang bawat kasalanan na gagawin mo pa lamang, at mabigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa paraiso sa habang panahon. Kahit ano pa ang kinailangan mong pakawalan, napakagandang palitan ito. Panalangin Panginoong Diyos, aking nauunawaan na ang aking pagsunod sa Iyo ay maaaring mang hingi ng aking mga panandaliang kasiyahan. Tulungan po Ninyo akong maintindihan na mas malaki pa ang makukuha ko kapag ipinagkatiwala ko ang aking buhay sa Inyo. Amen.???
-
Ang sumulat ng aklat ng Mga Hebreo ay nagsasabing si Jesus ang may-akda at tagapagtapos ng ating pananampalataya. Siya lagi ang humahabol, at tayo ang Kanyang hinahabol. Hindi lamang Niya tayo hinabol, kundi isinulat din Niya ang kasaysayan ng ating kaligtasan. Katulad ng mga pira-pirasong papel sa sahig ng isang manunulat ng kathang-isip, ang ibang kuwento rito ay itatapon at hindi na mararanasan. Ngunit si Jesus ay malikhain, at malawak ang saklaw ng Kanyang paghabol sa atin. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kasaysayan ng kaligtasan. Naplano na Niya ang iyong kasaysayan, maging ang mga bahaging hindi pa nangyayari. Higit pa ito sa isang kasaysayan. Maaaring isipin mo itong tulad ng isang blueprint, isang itineraryo, o isang plano -- ang plano ng Diyos -- para sa iyo. Maraming beses ko na itong narinig na parang aakalain mong hindi ito totoo. "Ang Diyos ay may plano para sa iyong buhay." Ngunit talagang may plano Siya para sa iyo. Hindi ko alam ang lahat ng pinaplano Niya para sa iyo, ngunit alam kong kasama rito ang sandali kung saan pipili kang tanggapin ang kapatawaran ng Diyos at maging tagasunod Niya. Kung ang sandaling iyon ay hindi pa nangyayari sa iyo, mayroon kang pagpiling maaaring gawin. Ang mga sumusulat ng mga kathang-isip ay madalas na nakakasulat ng ilang mga kabanata na hindi nakakasama sa huling banghay. Kung minsan, ang isang manunulat ay magbabanghay ng mga bersiyon na maaaring ihalili sa isang kabanata. Isang bersiyon lamang ang makakasama sa aklat na inilimbag. May iba't-ibang bersyon ng iyong kasaysayan na nakalatag sa mesa ng Diyos, at naghihintay Siya sa iyo upang makita kung alin ang makakasama sa "nakalimbag" na bersyon ng iyong buhay. Siya ang may-akda ng iyong pananampalataya, ngunit Siya rin ang magtatapos nito. Nababasa natin sa Biblia na "Siya na nagsimula ng mabuting gawa sa iyo ay Siya ring tatapos nito." Maaaring kakatwa na ang Diyos na nakakaalam ng lahat ay naghihintay sa atin upang magpasya kung aling kasaysayan ang ating pipiliin, ngunit iyan ang marupok na kalikasan ng mundong ating ginagalawan. May mga nakakatakot na bagay na nangyayari araw-araw dahil binigyan ng Diyos ng kapangyarihang pumili ang sangkatauhan. Maaari nating piliin ang kasamaan o kabutihan, kumilos o hindi kumilos. Sa kadulu-duluhan, alam na ng Diyos ang magiging pasya mo, ngunit hindi nito pinapawalang-bisa ang iyong kakayahang pumili. Paano matatapos ang iyong kasaysayan? Magkakaroon kaya ito ng isang kabanata kung saan matutuklasan mo ang kapatawaran, ang kapayapaan at kaligayahang naghihintay sa iyo. O magtatapos kaya ito sa isang malungkot na kabalintunaan ng kaalamang ang kaligtasan ay nariyan lang at kaya mong abutin ngunit nag-aatubili kang abutin ito sa kadiliman at magbakasakali kang magmukhang hangal? Panalangin Aking Diyos, bigyan mo ang ng kalakasan ng loob na abutin Ka. Tulungan mo akong magkaroon ng matalinong pagpili sa kung ano ang inilaan Mo na para sa akin. Nais kong maipamuhay ang pinakamagandang bersyon ng kasaysayan ng buhay ko. Amen.
-
Interesting hope it is still working! Salamat po sa pagshare, keep sharing po!
-
? TOP 10 BEST & PREMIUM CYBER-SECURITY TIPS ?
BCXR28 replied to bantixforce's topic in General Discussion
Interested mukhang need ko ito., may nagtangkang maghack ng fb ko at mag blackmail sakin pero d sya nagtagumpay! Salamat sa pagshare. God bless po? -
Ang kaaway ng ating kaluluwa ay bumuo ng isang masalimuot na panlilinlang na parang sobra-sobra ang kasalukuyan nating pagkaalipin at tila baga pagpapakasakit ang ating kalayaan. Mahirap palayain ang isang tao kapag hindi nila napapagtantong sila'y inaalipin. Una, ang talukbong sa katotohanan ay kailangang maalis upang maipakita sa kanila ang katotohanan. Iyan din ang hamong kinakaharap ng mga Cristiano sa ngayon. Nabubuhay tayo sa isang mundo kung saan ang ating mga pinaniniwalaan ay tila baga wala na sa panahon at hungkag. Binubulag tayo ng mundong nakapaligid sa atin kaya't hindi natin nakikita kung gaano kaikli na ng ating oras. Bumubuo tayo ng masasalimuot na kastilyo sa lumulubog na barko, habang hinahangaan ang mga naisakatuparan natin na malapit na mahila pailalim sa napakalamig na pag-apaw ng panahon. Maaaring hindi mo nararamdaman na para kang alipin. Maaaring nahihirapan kang maunawaan ang Biblia at napakabigat tanggapin ng relihiyon. Ngunit mayroon sa kaloob-looban mo na nag-uudyok sa iyong basahin ito. Maaaring hindi ka nakakaramdam ng kaginhawaan sa simbahan, ngunit hindi mo mapakawalan ang kaisipang may puwersang mas malakas sa iyo sa kung saan man na namamahala sa lahat ng ito. Kabog. Kabog. Kabog. Tumitibok ang puso mo. Nararamdaman mo ito, ngunit hindi mo ito nakikita. Iyan ang kalagayan mo sa Diyos ngayon. May nararamdaman ka, ngunit may nilalaman ito na hindi mo maipaliwanag. Nang si Jesus ay nagturo sa sinagoga sa kanyang tahanan noong kabataan Niya, inabutan Siya ng isang balumbon ng mga propesiya ni Isaias. Binasa Niya ang isang talata tungkol sa pagpapalaya sa mga bihag at pagbibigkis ng mga sawing puso. Nang matapos Niya itong basahin, sinabi Niya, "Ang Banal na Kasulatan na inyong narinig ay natupad na ngayong araw na ito!" Ang talagang sinasabi lamang Niya sa lahat ay naparito Siya upang palayain ang mga tao. Hindi pa rin nagbabago ang Kanyang pakay ngayon. Kung may iniisip ka man o parang hindi ka mapakali, ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa. Ang inaasahan ko'y mabubuksan ang iyong mga mata sa totoong katotohanan sa paligid mo, at makita mo si Jesus sa kung sino talaga Siya...ang iyong Tagapagligtas. Panalangin Diyos ko, nais kitang makita sa panibagong paraan. Bigyan mo ako ng karunungan upang makita ko ang pandarayang ginawa ukol sa tunay kong katayuan. Anuman ang aking mga nagdaang karanasan sa relihiyon at pananampalataya, gusto kong makilala ang totoong Ikaw. Amen.???
-
How po?? Interested ako, maraming salamat po for sharing!
-
Benlotus Contributors Club (2024 Relaunch)
BCXR28 replied to Cosmic's topic in Announcement and News
Pwede po sumali. Salamat po ng marami! -
Salamat po sa pagshare God bless???
-
Noong una mong mapagtanto na inayos ng Diyos ang buong sangkalikasan para lamang makarating sa iyo ang Kanyang mensahe, maaaring ito'y nakapagtataka -- o di kaya'y nakapagpapasigla pa nga. Pagkatapos ay maaalala mo na may mga kakulangan ka. Ito'y isang likas na reaksyon kapag nagsisimula ka nang mapalapit sa Diyos. Siya'y walang kapintasan. Ang Ebanghelyo ni Jesu-Cristo ay dapat sanang isang "mabuting balita" -- iyan ang ibig sabihin ng salitang ebanghelyo. Ngunit ang masakit na katotohanan ay iyong tayo'y nakahiwalay sa Diyos dahil sa ating di-kasakdalan. Ang ating kasalanan ay parang karamdaman na inilalagay tayo sa kuwarentenas. Dahil sa kasakdalan ng Diyos, hindi Niya kayang hayaan ang kasalanan na hindi napaparusahan. Kapag hindi ito nagamot, ang karamdaman mong kasalanan ay magdadala sa iyo sa isang lugar na nakalaan sa pagpaparusa kay Satanas mismo. Tinatawag itong impiyerno -- isang lugar ng kadiliman, apoy at sakit. Ang mabuting balita ay ang kasakdalan at kabanalan ng Diyos ay kapwa tinumbasan ng Kanyang awa at habag. Ayaw Niya na kahit isang nilalang ay magdusa sa Impiyerno, kaya't nagbigay Siya ng isang panlunas. Upang mapagbayaran ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan, hinayaan niyang kunin ng Kanyang anak na si Jesus ang kaparusahan na dapat ay para sa atin. Bilang kapalit, inaalok tayo ng Diyos ng kapatawaran – isang lubos na kapatawaran. Kung pipillin mong maging tagasunod ni Cristo, kailangang payag ka ring kilalanin ang pinakamatindi mong kasalanan at tanggapin ang Kanyang napakalawak na pagpapatawad. Ang Ebanghelyo ay isang pandaigdigang panawagan sa isang mundong sira. Kung iniisip mo na may maihahandog ka sa Diyos upang ikaw ay mas matanggap Niya, kalimutan mo na iyan. Anumang kaya mong gawin, kahit na ito ang pinakamagaling, ay kakatwa sa kawalang kahalagahan nito, at ito'y hindi rin kinakailangan. Dahil si Jesus lamang ang may kakayanang magbayad para sa ating kaparusahan, Siya ang naging tanging daan upang tayo'y makalapit sa Diyos. Sinabi ni Jesus sa mga pinakamalapit Niyang tagasunod, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makalalapit sa Ama malibang sa pamamagitan Ko." Ang Kanyang natatanging pahayag ay mapangahas, ngunit itinaguyod Niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sariling buhay para sa atin. Ang isa sa mga paborito kong sipi mula sa Biblia na ibinabahagi sa mga tao ay, "Ipinakita ng Diyos ang Kanyang matinding pagmamahal para sa atin sa pamamagitan ng pagpapadala kay Cristo upang mamatay para sa atin bagama't tayo'y mga makasalanan pa." Ito ang isinulat ni Pablo sa kanyang liham para sa iglesia ng mga taga-Roma na napapaligiran ng kultura ng mga pagano na malayo sa Diyos. Ang tunay ngang nakakatakot tungkol sa walang hanggang kapatawaran ng Diyos ay wala na tayong maaari pang gawing dahilan. Binuksan na ng Diyos ang mga pinto ng Kalangitan para sa buong sangkatauhan. Sa ganitong lantarang paanyaya, kapag pinili pa nating hindi ito tanggapin, tinatanggihan natin ang tanging paraan para sa ating kaligtasan. Wala nang ibang mapapamilian. Walang daan sa likod. Ang pintuan sa harap ay nakabukas at ang paanyaya ay ibinigay na nang walang kinikilingan. Ang isang Diyos na walang hanggan ang kapangyarihan ay nais na ituring kang kaibigan. Maaari mong ipagsawalang-bahala ang Kanyang paanyaya, ngunit ang pintuan ay hindi magsasarado hanggang may hininga ka pa. Maaari kang tumutol dito, ngunit wala kang kapangyarihang palitan ang Kayang isipan. Hindi Niya ipawawalang-bisa ang Kanyang paanyaya. Panalangin O Diyos, alam ko na napakalayo ko sa pagiging perpekto. Tulungan Mo akong maunawaan ang Iyong kapatawaran at balak para sa pagpapanumbalik. Jesus, bigyan mo ako ng kalakasan ng loob na tanggapin Ka bilang tanging daan patungo sa Diyos.
-
Nakikita ng Diyos ang kabuuan ng panahon tulad ng mga alon sa kagiliran ng Langit. Nakikita ka Niya -- ang bawat bersyon mo. Nakikita Niya ang makasarili at di-makasariling ikaw, ang matalino at ang mangmang na ikaw. Nakikita Niya ang pinakamadilim na kahihiyan mo at ang ipinagmamalaki mong kagalakan. Nakikita ka Niya sa kasalukuyan at sa nakaraan na singlinaw nang kung paanong nakikita ka Niya sa hinaharap. Sa katotohanan, nakikita Niya ang bawat maaaring bersyon mo sa hinaharap -- ang lahat ng maaaring pagpiliang bersyon ng kung anong kahihinatnan mo sa iba't-ibang mga pagpili at pangyayari. Batid Niya ang pinakamalaki mong potensyal at ang pinakamalaking banta sa iyong kapalaran. Ang Diyos ay naroon sa labas ng panahon at may kahanga-hangang kakayahang makita ang lahat ng bersyon mo agad-agad. Ang mabuti at ang masama -- ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap -- ang lahat ng ito'y magkakaugnay sa Kanyang mga mata. Sanay na tayong makita ang ating sarili sa kung ano tayo ngayon. Iniisip natin na ganito rin tayo nakikita ng Diyos, subalit ang damdamin ng Diyos para sa atin ay katulad ng sinag mula sa mga bituin. Kapag hinahangaan mo ang kagandahan ng isang mabituing gabi, maaari mong maisip na ang sandaling iyon ay iniayos para lamang sa iyo. Ngunit ang sinag mula sa pinakamalayo sa mga bituing iyon ay naglakbay sa loob ng ilang daang libong taon upang makatagpo lamang ng iyong mga mata sa pagsulyap mo sa itaas. Samantala, ang pinakamalapit na mga bituin at kinailangan lamang na pagliwanagin ang kanilang mga sinag sa loob ng ilang taon lamang upang makarating sa iyo sa kaparehong panahon. Lahat sila'y bahagi ng isang sinaunang simponiya na isinaayos ng Diyos upang makarating sa iyo sa tamang panahon. Maaaring isipin mong ito'y tsambahan lamang, ngunit ikinumpas ng Diyos ang Kanyang baton upang simulan ang konsiyerto noong panahong ni hindi pa man lamang ipinagbubuntis ang iyong mga ninuno. Ipagpalagay mong mabubuhay ka pa ng ilang daang taon, at nakahiga ka sa labas habang tinitingnan mo ang kalangitan at pinagmamasdan ang mga konstelasyong nagkakaroon ng mga hugis sa pagsapit ng gabi. Ang makalangit na konsiyertong iyon sa hinaharap ay nakasulat na, at ito ay tumatakbo nang mabilis patungo sa sandaling iyon sa hinaharap kung saan ikaw ay nasa bakuran ng iyong bahay na hindi mo pa man lang pagmamay-ari sa ngayon, sa isang gabing walang kaulap-ulap at sa tamang sandali ay tutungo ka sa labas. Ganito rin isinasaayos ang damdamin ng Diyos para sa iyo. Matagal pa bago ka sumingap ng iyong unang hininga dito sa mundo, at bago mo pa nabasa ang pinakaunang taludtod na nabasa mo mula sa Biblia, at matagal pa bago ka man may ginawang karapat-dapat sa pagsang-ayon o sa kaparusahan mula sa Diyos -- sinusulat na Niya ang simponiya ng Kanyang pag-ibig para sa iyo -- para sa inyong lahat. Kaya nga nang ang anghel ng Diyos ay nagsalita sa isang takot na takot at walang lakas na si Gideon na nagtatago sa pigaan ng ubas, sinabi niya, "ang Panginoon ay sumasaiyo, Magiting na Mandirigma." Hindi ito isang salitang pampasigla lamang. Hindi niya inuudyukan si Gideon upang kumilos nang may katapangan. Nakita na ng Diyos ang bawat bersiyon ni Gideon, kasama na ang kanyang pagiging mandirigma sa hinaharap kung saan kanyang wawasakin ang mga hindi makadiyos na diyus-diyusan ng kanyang ama at magsisimula ng isang matapang na pagsugod kasama ang isang mahinang hukbo upang palayasin ang kasamaang gumagambala sa Israel. Kung binabalak mong magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa Diyos kaysa sa kung anong mayroon ka na ngayon, kailangang matutunan mong tanggapin ang Kanyang pagmamahal na walang pasubali. Huwag mong dalhin ang iyong pag-aakalang ikaw ay may kasalanan. Nakita na ni Jesus ang lahat ng iyong mga kasalanan bago pa man Niya binuhat ang krus, at nagpakasakit Siya sa kabila ng lahat ng iyon dahil ang Kanyang pag-ibig para sa iyo ay naitatag na noon pa man. Panalangin Aking Diyos, tulungan mo akong maunawaan ang lalim at ang pagiging kumplikado ng Iyong pag-ibig. Mas kilala mo ako kaysa sa kaya kong unawain, ngunit mahal mo pa rin ako. Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko ang munting sandaling iniayos mo para lamang sa akin.
-
Sa ngayon, may mga hindi nakikitang alon na umiikot sa iyong isipan. Mga palabas sa telebisyon, mga programa sa radyo, mga pag-uusap sa telepono at GPS coordinates na walang hupang pinauulanan ang mundo sa kapaligiran mo. Marami sa kanila ay naglalaho lamang sa lupa o pumipintig nang hindi napapansin patungo sa hungkag na kadiliman sa kalawakan. Sa gitna ng lahat ng ingay na ito, maaari kang umupo sa labas at malugod sa isang tahimik na gabing walang kamalay-malay sa kaguluhan. Ngunit kapag pinatay mo na ang radyo, ang telebisyon o ang telepono, ang katahimikan ay biglang nagkakaroon ng kahulugan. Isa sa mga hudyat na umiikot sa iyong isipan ngayon ay ang tinig ng Diyos. Hindi siya pinatatakbo ng kuryente. Hindi siya maaaring sukatin ng mga instrumento o matatanggap ng mga aparato. Hanggang sa puntong ito, maaaring hindi mo napapansin ang tinig ng Diyos ngunit nariyan iyan. Ang aklat ni Job ay isang kakaibang kuwento sa kalagitnaan ng Biblia tungkol sa isang lalaki na nagalit sa Diyos nang ang buhay niya ay nagsimulang gumuho. Inakusahan ni Job ang Diyos na hindi nagsasalita, ngunit itinama ng kaibigan ni Job na si Elihu ang pananaw ni Job. "Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintangan na di marunong makinig sa iyong karaingan? Magsalita man Siya sa iba't-ibang paraan, hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan" (Job 33:13-14 RTPV05). Matalinong obserbasyon ang ginawa ni Elihu. Ang Diyos ay laging nangungusap, ngunit tayo ang hindi laging nakikinig. Siya ay nangungusap nang tuwiran at hindi tuwiran. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng mga panaginip at sa pamamagitan ng mga tao. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng kirot at sa pamamagitan ng kagalakan. Nangungusap Siya sa pamamagitan ng buhay at sa pamamagitan ng kamatayan. Lagi Siyang nangungusap, at ngayong araw na ito, Siya ay nangungusap sa iyo. Tunay ngang napakadaling marinig Siya. Ang kailangan mo lamang gawin ay buksan ang nasa sa iyong makakakuha ng Kanyang hudyat -- ang iyong espiritu. Nang si Jesus ay hinarap ng mga pinuno ng relihiyon sa Kanyang panahon dahil sa pagsira Niya sa mga sagradong batas, ito ang isinagot Niya. "Pakatandaan ninyo na darating ang oras, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng anak ng Diyos at ang sinumang makinig sa Kanya ay mabubuhay."(Juan 5:25 RTPV05). Tingnan mo ang iyong buhay. May napapansin ka bang anumang pangyayari sa buhay mo na maaaring ginagamit ng Diyos upang makuha ang iyong pansin? May naiisip ka bang mga tao na maaaring inilagay ng Diyos sa buhay mo upang tulungan kang marinig ang tinig Niya? Basahin ang mga taludtod sa Job at sa Juan, at tingnan mo kung mapapansin mo ang lahat ng mga kaparaanan ng Diyos upang mangusap sa iyo na hindi mo masyadong nabigyang-pansin noong nakaraan. Panalangin Aking Diyos, maaari mo bang gawing mas malinaw ang tinig mo nang higit kaysa sa ingay na naririnig ko sa aking abalang buhay? Tulungan mo akong kilalanin ang mga tao at kaganapan sa buhay ko na ginagamit mo upang makuha ang aking pansin. Buksan mo ang puso at isipan ko upang maunawaan ang mga taludtod na ito mula sa Biblia.