Jump to content

BCXR28

Special Member
  • Posts

    498
  • Joined

  • Last visited

  • BCash

    0 [ Donate ]
  • Country

    Philippines

Everything posted by BCXR28

  1. Get a COVID-19 vaccine as soon as you can. You can take the lead and help stop this pandemic. The virus that causes COVID-19 spreads from person to person. It’s your turn to do your part to help end the pandemic by getting vaccinated. Learn more: [Hidden Content]. VID_1625871177229.mp4
  2. Yes tama po. Glad I am fully vaccinated already! Lets all get vacc to normal! Please do not hesitate to grab any available vaccine in your area especially while its free!
  3. Ang pagkadismaya at sakit ay may paraan upang mapatindi ang tukso. Iniiwan tayo nitong mas madaling matukso sa ating mga kahinaan. Ang pagkahiwalay man, labis na pagkain, pagkakaroon ng kaswal na pakikipagtalik, o sobrang pag-inom ng alak, ang ating hangarin na mamanhid o makatakas sa kirot ang nanghihimok sa atin na magkompromiso. Sinasabi natin sa ating sarili na marapat lang na gumaan ang ating pakiramdam. Kapag nasasaktan tayo, mas gusto nating isakripisyo ang pangarap para sa bagay na pansamantala. Ang ginhawa na hatid ng ating mga bisyo ay panandalian at mababaw sa pinakamahusay na kalagayan nito, malupit na mapanira sa pinakamasama. Mayroong isang eksena sa sikat na opera, ang La Boehme kung saan ang dalawang lalaki ay nagdurusa sa isang brutal na taglamig sa Paris. Ang isa sa kanila, isang manunulat, ay nagbuhos ng hindi mabilang na oras sa isang gawaing pampanitikan. Labis siyang nilalamig at halos hindi na niya mapagtuunan ang kanyang pagsusulat. Dahil sa kawalan ng pera para sa uling o kahoy na panggatong, sa isang sandali ng lubos na pagkadesperado, itinapon ng manunulat ang buong manuskrito sa pugon. Sa ilang segundo, ang isang tambak ng papel kasama ang lahat ng kanyang gawaing pampanitikan ay naging abo. Isinakripisyo ng manunulat na ito ang kanyang pangarap, lahat ng pinaghirapan niya, para sa panandaliang ginhawa. Sumuko siya. Nakikita natin ang kaparehong huwaran na ito sa kuwento ni Esau sa Genesis. Dahil sa pagod at gutom, umuwi siya sa amoy ng mainit na mainit na nilagang lentil. Sa sobrang gutom, isinuko ni Esau ang kanyang karapatan sa pagkapanganay, lahat ng mga pribilehiyo, autoridad at mana na nagmula sa pagiging panganay, para lang sa sopas. Isinakripisyo niya ang kanyang kinabukasan para sa panandaliang kaligayahan ng pagkabusog. Makinig ka, naiintindihan ko. Natutukso akong kumain base sa aking damdamin kapag ako ay nagdadalamhati (Maraming beses na sumuko ako!). Matapos ang aking pagkakahiwalay, natukso ako na ibaba ang aking pamantayan at makipagkompromiso sa pakikipag-date, dahil sa aking kalungkutan. Laking pasasalamat, hindi ako sumuko sa tuksong ito, ngunit tiyak na naroon iyon. Ang pansamantalang kaginhawahan ng katatagang pampinansyal ay hindi sapat upang isuko ang hangarin ng Diyos para sa atin. Minsan ang pangarap na galing sa Diyos ay nangangailangan ng sakripisyo. Sa katunayan, mas mahalaga sa Diyos ang ating pagkatao kaysa sa antas ng ating kaginhawaan. Maaari nating hayaan ang mga mahihirap na bagay na bumuo o sumira sa ating pagkatao. Maaari nating isakripisyo ang pangarap para mga bagay na pansamantala, o maaari tayong magtiyaga at ipahintulot ang pagtitiyaga na palakasin ang ating pagkatao at mabuo sa atin ang pagkahinog. Huwag mong isuko ang pangarap para sa kung ano ang pansamantala. Huwag mong hayaan ang kirot o pagkabigo na magdulot sa iyo ng kawalan ng iyong mga pangarap para sa mabilis na pag-aayos at panandaliang kasiyahan. Huwag sumuko. Maraming nakataya. Mayroong kalayaan sa kabilang dulo ng iyong katapatan. Parehong para sa iyo nang personal, at para sa lahat ng mga tao na maaapektuhan sa pamumuhay mo ayon sa iyong layunin!
  4. Nakikinig ang Diyos nang may pakikiramay sa ating mga kabiguan sa buhay, batay sa kanyang obserbasyon sinasabi nya sa atin “Anak, sa tingin ko ay nagpinta ka na ng larawan kung ano ang nais mong hitsura ng buhay mo. Alam kong mahirap, pero panahon na siguro para isuko mo ang kuwadro at manalig sa Diyos para magpinta ng bago. ”. Tama siya. Hindi lamang ako nagdadalamhati sa buhay na nakikilala ko, pero pati na rin sa iniisip kong buhay na gusto ko. Kalungkutan sa tuktok ng kalungkutan. Karamihan sa atin ay gumugugol ng oras sa pag-iisip kung ano ang magiging itsura ng ating mga buhay. Tayo ay nagpipinta ng larawan sa ating isipan ng ating mga kasal, mga anak, mga trabaho, mga kaibigan at pati na rin ang mga oras kung kailan natin makakamit ang mga ito. Mabuti ang pagkakaroon ng pananaw, pero anong mangyayari kung ang ating mga pangarap at mga inaasahan mangyari ay dinurog ng pagkabigo ng buhay? Ng pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkasira ng relasyon sa asawa, o pagkawala ng trabaho? Paano tayo tutugon? Magagalit ba tayo sa Diyos at tutugon nang may kapaitan? Mangangako ba tayo na hindi na mangangarap muli, dahil masyadong masakit ang umasa? O, handa ba tayo buksan ang ating mga kamay at isuko ang kuwadro ng ating buhay sa Diyos? Ako rin ay nagpinta ng kuwadro kung ano sana ang magiging buhay ko, pero natuklasan ko na ang kuwadro ko ay hindi tulad sa kuwadro na ipinipinta ng Diyos para sa akin. Ang pantasya ay pwede ring maging idolatriya. Ito ay nangyayari tuwing nilalagay natin ang ating pananalig sa imaheng sariling gawa natin. Mas madaling manalig sa bagay na ating nakikita at nakokontrol, kaysa sa Diyos na hindi natin nakikita at wala sa ating kontrol. Ang tunay na relasyon at kalapitan ay maaaring nakakatakot. Ang paghilom ng sugat ay nakakatakot. Ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng pananalig at tapang upang maglakad kasama ang Diyos sa mga daanang hindi natin kilala at hindi maiisip dumaan. Pero ang Diyos, ang ating Diyos, ay nais tayong dalhin sa isang paglalakbay. Gagawin Niyang maayos ang magagaspang na mga lugar at magbibigay ng ilaw kung saan wala. Kung tatanggapin natin ang liwanag ng Diyos na tumagos sa ating mga puso, kaya Niyang ilantad ang tunay na pinagmulan ng ating sakit, upang mangyari ang pagpapagaling. Sa ganoong paraan lamang natin makikita nang malinaw kung ano ang nagtulak sa atin na tumakas sa pantasya. Sa ganoong paraan lamang natin maisusuko ang kuwadro ng ating mga buhay sa isang mabuting Diyos, dahil batid nating kaya Niyang gawin ang higit at mas masagana pa sa ating hinihingi o kayang isipin!
  5. Ang pananampalataya ay hindi nangangahulugang hindi na tayo makakaranas ng kahirapan sa buhay. May mga sandali na tayo ay nawalan ng mga trabaho, nasaktan ang mga puso, o may mga mahal sa buhay na kinuha ng hindi pa nila oras. May mga ibang panahon din na tayo ay naghihintay (at naghihintay nang naghihintay) na ang ating mga pangarap ay magbunga. Ang pangarap para sa anak, sa asawa, o para sa isang relasyon na nais maibalik. Para sa isang mahal sa buhay na malampasan ang sakit o pagkagumon. Para umangat sa trabaho. Ang ating mga puso ay kumikirot sa pananabik sa mga bagay na hindi pa natin nakukuha o nakakamtan. Minsan, sa tagal ng kirot na ito ay nawawalan na tayo ng pag-asa at maaaring tuluyan na tayong huminto sa ating mga pangarap upang mabawasan ang sakit. Nagmamalasakit ang Diyos sa ating mga pangarap. Sa katunayan, Siya ay naglagay ng mga “Pangarap ng Diyos” sa mga puso ng bawat isa sa atin. Ngunit kung mas hahangarin ko ang mga pangarap kaysa sa Diyos, Ang Tagapamigay ng mga Pangarap, ang pangarap ko ay nagiging diyus-diyusan. Mula pa noong ako ay dalawang taong gulang, pangarap kong maging tanyag na doktor. Bilang bata, gumugol ako ng oras sa harap ng salamin sa pag imagine ng mga operasyong aking gagawin. Ang ilang pangyayari saking kabataan ay nagtulak sa akin palayo mula sa aking mga pangarap. Nang tinanggap ko si Jesus, nagpasya ako na subukan uli ang pag abot sa pangarap ko Nag aral uli ako at nagtrabaho at nalibang sa pagbubuo ng aking pangarap pero natanto ko na iba pala ang pangarap ng Diyos para sa aking buhay kumpara sa hinahabol ko. Kung ako ay magpapakatotoo, ang pangarap kong maging doktor ay bahagyang tungkol sa kagustuhan ko na makaramdam ng importansya. Gusto ng Diyos na hanapin ko ang kahalagahan ko sa Kanya, at hindi sa pagkikilala at pagpansin na matatanggap ko bilang tanyag na doktor. Unti-unti ko ring naunawaan na gusto Niyang gamitin ang sakit na aking dinanas para magbigay pag-asa at kalayaan sa iba. Pinagpasyahan ko na sundin ang Pangarap ng Diyos para sa buhay ko at ilang taon ang nkaraan naipasa ko ang licensure exam para sa mga Pharmacist. Araw-araw, nakikita ko ang mga buhay na nabago bilang resulta ng aking desisyon na sundin ang Pangarap ng Diyos para sa aking buhay! Kung ako ay nagpatuloy sa aking pangarap mas malala, ginawa itong diyus-diyusan ng buhay ko, kindi ko sana maaabot ang pangarap ng Diyos na inihanda Niya para sa akin! Nagmamalasakit ang Diyos sa atin at pati na rin sa ating mga pangarap. Labis Siyang nagmamalasakit sa atin kung kaya tayo ay inilalayo Niya sa mga bagay na sa tingin natin ay gusto natin, patungo sa mga bagay na inihanda Niya na talagang para sa atin. May pangarap ang Diyos para sa iyong buhay. Maaaring ito ay isang bagay kung saan patungo ka na o maaari rin isang bagay na di mo inaasahan. Naniniwala ako na habang hinahawakan mo ang iyong mga plano at mga pangarap nang bukas-kamay, at naniniwala ka sa Kanyang pamamaraan, dadalhin ka Niya sa kapunuan ng Kanyang inihanda para sa iyo.
  6. Magulo ang aking isipan sa aking kabataan, madaming nangyari na wala sa plano. Mga pangarap ko'y naudlot. Nawalan ng pag asa at nalugmok din ako sa lungkot gaya ng karamihan. Pumasok si Jesus. Sa Kanya, natagpuan ko ang grasya, paggaling, at ang daan patungong kalayaan. Nagsimula akong mangarap ulit. Nangarap ako ng araw na magkakaroon ako ng tahanan na may puting kahoy na bakod, at berdeng damuhan kung saan ang mga laruan ng aking mga anak ay nakakalat. Nangarap ako ng isang pamilyang buo kung saan kami lahat ay magkakapareho ng apelyido. Ang pangarap ko kumakatawan sa kaligtasan at katatagan— isang bagay na hindi ko masyadong naranasan sa aking pagkabata. Nagkaroon ako ng maling paniniwala na kapag pumunta ako sa simbahan tuwing Linggo, binasa ang tamang mga libro, at gawin ang tamang mga bagay, ang aking mga pangarap ay maaabot ko at hindi na magkakaroon ng mga gulo at problema sa buhay dahil kay Jesus. Sa loob ng ilang taon, lahat ay ayon sa plano. Ikinasal ako at nagkaroon ng magandang mga sanggol, at may tahanan na may bakuran. Sa ganda ng buhay ko noon, pati ako ay nainggit sa sarili ko! Noong nalaman ko na ang asawa ko ay may karelasyong iba at isinuko ko ang aming relasyon, nagpakalayo layo kami ng aking mga anak, naramdaman ko na lahat ng pag-asang natitira para sa aking buhay ay naglaho. Ang buhay na pinangarap ko ay tuluyang nagkawatak-watak. Sa kanyang tulang, “Harlem”, si Langston Hughes ay may tanong, “Anong mangyayari sa isang pangarap na ipinagpaliban?” “Natutuyo ba ito tulad ng pasas sa ilalim ng araw? O magnanana tulad ng isang sugat— at puputok?” Naniniwala ako na ang anumang nangyayari sa ating mga pangarap kapag ipinagpaliban, hindi naabot, o nawasak ay depende sa taong nangangarap. Ang ating pagtugon ang magpapasiya kung tayo ay mapapalapit patungo sa pangarap ng Diyos para sa atin o lalong mapapalayo. Pagkatapos ng pagtatapat ng aking asawa, naharap ako sa isang pagdedesisyon.… Saan ko ilalagay ang aking pag-asa? Ilalagay ko ba ito sa pangarap ko para sa buhay? O ilalagay ko ba ito sa Diyos? Ayon sa Biblia, ang pag-asa na naipagpaliban ay nagbibigay sakit sa puso, pero ang pag-asa kay Jesus ay isang angkla ng ating kaluluwa. Hindi ko mababago ang nangyari, gustuhin ko man ito, pero kaya kong magpasya kung paano ako tutugon. Inaanyayahan ko kayo na magnilay sa mga sumusunod na mga tanong: Saan ba nakalagay ang pag-asa mo ngayon? Ang pag-asa mo ba ay sa iyong pangarap na buhay? O ang iyong pag-asa ba ay nasa Tagapamigay ng mga Pangarap?
  7. Experience God's Presence Tonight Have you ever noticed that in the quiet darkness of night there seems to be something special about the presence of God? He is always with you, even during the daytime, and you can talk to Him anytime, even when you're busy. But during the day there are many distractions that keep you from focusing on His presence for an extended period of time. And by the end of the day you've often experienced problems and frustration that can cause you to feel lonely and needy. It is then that you can finally give your time and attention to God, the one who is the answer to your needs. When you yearn for God in the night, seek Him earnestly, and you'll find He will minister to you in a special way. He will provide answers to any problems you may have, and He will give you peace and rest.
  8. Do you ever feel abandoned? Do you ever feel like no one is sticking with you? Well, you are wrong, because you have not been abandoned, as seen in today’s verse. A hungry tiger once caught a fox and was about to make a meal out of him when the fox spoke up. “Do not eat me, good tiger, for I am the most feared creature in the jungle.” The tiger did not believe it, so the fox said that in order to prove it, he would walk through the jungle in front of the tiger, and all the animals would flee from him. Sure enough, as the fox strode down the jungle path, animals fled in terror. Of course, they were fleeing from the presence of the tiger, not the lowly fox. If we as believers love the Lord and walk with Him, as we walk, Almighty God is right behind us. Is there an obstacle that seems insurmountable? Has this year gotten off to a bad start? We have a God of all power and might Who is backing us up, and He is not going to hold back anything. We need people who are strong and courageous, who are not afraid and are willing to go forward for our Lord. He has everything for us, all we need to do is trust Him and allow Him to work in our lives. Do you trust God, by faith alone, for your salvation? Jesus died on the cross, was buried, and rose again to pay our sin debt. If we can trust Him for salvation, we can trust Him to help with everyday problems, including the obstacles that look too large. No obstacle is too small or great for God to handle. Will we trust Him today?
  9. When God made His covenant with Israel regarding the Promised Land, He originally promised them 300,000 square miles of land. When Israel finally went in and started conquering, they quit at about 3,000 square miles. They only took possession of around 10% of what God had promised them. Even to this day, they still don’t have all the land that God promised them. One day, they will have all of it. When it comes to the things that God has in store, I think that Christians only take possession of 10%. Sometimes we might think that God wants us to be rich. Do not assume that God’s blessings are going to be financial blessings. God wants us to be rich, but that wealth might not be money. In fact, sometimes money can be the worst thing for us. God will give you something far better than money. He might give us peace, contentment, or the ability to minister to people who are hurting. He’s going to do those things for us, and that is the far greater blessing than any financial thing that God can do for us. God is never going to hold back. He wants to give us a lot – don’t be satisfied with the 10%.
  10. One day, I was putting together a table and chairs set for our dinning area. I had almost finished assembling the table and realized that I was missing one small crucial piece of hardware. I began searching through all of the packing material, certain that it had to be in there somewhere. Sure enough, I found the small washer in a plastic bag that I had discarded. This made me start thinking. I firmly believed that a furniture company could make the parts for a table in a factory, deliver all the pieces in a box, and include everything necessary to put it together. I have enough faith that they are not going to leave me short on table parts and that I will have everything I need to put the table together successfully. If I believe that, then why won’t I believe that the God of all creation would give me everything I need to overcome any obstacle in my life? Isn’t that how it is sometimes? We find ourselves trusting a random company more than we trust God. Don’t do that. Say something like this: “Lord, I know that You would never have allowed this into my life if You didn’t mean it for my good. I’m not going to let fear stop me from moving forward because I know that you are with me, and I know that you will help me.” If God allows an obstacle to be in our path and He wants us to move forward, He will provide everything we need to overcome that obstacle. He is going to give us what we need if we will trust in Him.
  11. A wealthy man from England died and left his nephew the bulk of his estate. In today’s money, it was equivalent to around five million dollars. The only problem was that the young man had traveled to America years before and disappeared. Scotland Yard was called in to investigate. Eventually, they found the young man – lying frozen in the doorway of a cheap hotel. He didn’t have the twenty-five cents for a hotel room, yet he was literally a millionaire. Many Christians live their lives like this. They live like beggars and paupers when they are an heir of the God Who owns the cattle on a thousand hills. They don’t, however, need to live like this because they have the Lord on their side. Joshua and Caleb believed and trusted the Lord. They agreed that it would be a huge undertaking to enter the Promised Land and conquer the mighty inhabitants, but they also knew that with God on their side, they would be victorious. Because of their faith, Joshua and Caleb were able to enter the Promised Land. Even though Joshua was a man of faith, I’m sure he was still afraid. I am sure that many years later, when it was time to cross the Jordan River and start taking the land, he had many doubts and questions. He overcame that fear by trusting that if the Lord was the One Who put the obstacle in his path, then the Lord was going to help him overcome that obstacle. Life is never going to be exempt of things that we fear. The most successful people in the world are the ones who have many insecurities and fears, yet still move forward in spite of those fears. It is the confidence of knowing that we serve a living God Who is powerful and mighty and He wants to help us.
  12. Blessed mornight, Salamat po sa inyong lahat for appreciating todays gospel, to stay updated po sa mga next na ishare ko please pa like and follow nalang po! ??
  13. Our passage today reminds us that we can do all things through Christ Who strengthens us. Now the context of this is contentment – and contentment is one of the big hurdles of life. In these days of smartphones, tablets, super high definition TV’s and other technology that seems to change every month, how can we be content? It certainly is a hard challenge, but with God’s help, and with the proper attitude, we can be content with whatever God has given us. Whether we are abased, or whether we abound, we need to find contentment. I think this translates into the other obstacles that we face in life. With the Lord Jesus Christ’s power and ability working through us, and our willingness to let Him work in our lives, He will strengthen us to do whatever it is that He has called us to do. The Scripture says, I can do all things through Christ… but sometimes we do not believe that or act upon it. In Numbers 13, the people of Israel were paralyzed with fear and did not move forward. They listened to the ten spies with the report that said there was no way to conquer the land. They did not listen to Joshua and Caleb who said, “Yes, it is a challenge, but with God, it is possible.” The sad result was that all those people, except for Joshua and Caleb, died in the wilderness. They had been promised the land by an all-powerful God. They were right there; all they had to do was go in and take what God had given them. Had they believed and moved forward, they would have seen God work, but they were afraid. Christian, we can’t let this be our life story – don’t let fear keep us from the blessings that God has promised.
  14. Salamat din po sa inyo for patronizing my post. God bless.
  15. Following God’s instructions, Moses sent twelve spies to scope out the Promised Land. In our Scripture today, we read the report that the spies brought back to Joshua and the people of Israel. Verse 27 gives an amazing report of a land flowing with milk and honey. If the report had ended there, it would have been great. All they had to do was believe that this God, Who had recently done great miracles in their lives, had also promised this land to them. Unfortunately, the report did not stop there, but continued: “…nevertheless…”. The report that ten of them gave was that because of the size and strength of the people in the land, the land would be impossible to conquer. There was no possible way that God would be able to allow them to accomplish it. They knew they were not mighty warriors. All they could see themselves as were slaves with no training. Now they had a hurdle. They said it looked like the walls of Jericho went all the way up into the heavens. With their eyes, they saw an insurmountable obstacle blocking their path, and it made them fearful. Insecurity, thoughts of failure, and worries about what people will think are very real fears. Fear of failure, fear of losing someone, or fear of making the wrong decision will always paralyze and keep us from moving forward. Fear can also stop us from doing the things that God would want us to do. We can’t let the fears that we are facing paralyze us and keep us from serving the God Who has been faithful to us.
  16. The children of Israel were given this task of spying out the land in order to test their faith. The twelve spies went in and what they found was amazing. The fruit was so large that it took two men and a pole to carry one cluster of grapes. This land was incredible! Sometimes we need to see things for ourselves, and I think that this was part of the exercise of faith that God was sending them. It is like God was trying to tell them, “Look, this is what I told you it would be – an amazing land!” This was the God Who had freed them from the bondage of Egypt, the most powerful nation on the earth, by doing incredible miracles. They could see the awesome power of God with their own eyes. Then they were trapped by the Red Sea with Pharaoh’s army right behind them. They were about to be obliterated when God opened the waters of the Red Sea and provided a dry passage. As soon as they were safely on the other side, the waters closed on the Egyptian army. They had seen God’s power and might on display during their wilderness wanderings. They had seen water come from a rock. When they were in danger of starvation, they had eaten bread that had miraculously appeared on the ground. God had provided over and over. They knew God was powerful and capable of providing food, water, and protection for them. Now they were ready to go into the land that God had promised them. They had seen the bounty that God had given them. The land was theirs for the taking. All they had to do was exercise faith in God Who had proved Himself faithful. Are you struggling with a decision to do right? Maybe you know God is calling you to do something for Him. Look back on His faithfulness in your life and know that you can trust Him with your future.
  17. When thinking about big obstacles, I’m reminded of when God instructed Israel to enter the Promised Land. Right before they went in, God told them to choose twelve spies to go in and scope out the land. Many years before, God had promised this land to them. He had told Abraham, Isaac, Jacob, and Moses that this was their land. I believe that this is a promise that is still in place today and will be in place forever. This is a land that God has promised them, a land that He had described as flowing with milk and honey. So then why would God tell them to go spy out the land if He had already promised it to them? Wouldn’t that be a waste of time? God was giving them a test of faith. Yes, He had promised the land, but He wanted them to exercise faith and trust in Him. Often, that is why challenges or obstacles appear in our lives. Sometimes obstacles are things that we put in our own path. God can even use something that happens when we make a bad decision. Now, we shouldn’t do something wrong just because we want to see God get the glory. There are going to be plenty of obstacles that God will allow to enter our lives, so we need to stop putting obstacles in our own path. Maybe there is a cancer diagnosis. Perhaps you are facing the new year alone, as a single parent or a widow. You might have just been laid off from your job. These are obstacles that God has allowed into your life, and God can use them for His glory. Life’s obstacles may seem so massive, so insurmountable, but He is calling us to exercise faith and trust Him.
  18. We serve a God Who will never allow something major in our lives that can’t help us. He won’t allow any tragedy into our lives that can’t be used for our benefit. He can take something that is terrible and work it out to where it is a blessing in the long run. We often cannot see that in the short-term, but it is a truth that we find in Scripture. Life is full of epic challenges and obstacles, and we must find ways to overcome them. Some obstacles in life are small and easy, but some may seem nearly impossible. Life’s obstacles can bring fear. When we come to those obstacles and they look scary, we may wonder how in the world we can possibly conquer them. Often, God will give us things in life to test us. Such testing is designed for us to be strengthened. Every time we do any type of exercise, we are strengthening our bodies. We actually strengthen our muscles by tearing them down. Most exercises are developed in a way that tears down so that our bodies can rebuild stronger. That’s the whole purpose of a test or exercise, and such is the same in our spiritual lives. God will send testing our way. If we can work through it and get over the obstacles, it will strengthen us so that next time we will be able to do something greater. Let’s take a look at the children of Israel, and more specifically, Joshua and Caleb, as they faced obstacles heading to the Promised Land.
  19. Let me share you this qoutation written by Samuel Rutherford, “After winter comes the summer. After night comes the dawn. And after every storm, there come clear, open skies.” The truth behind Samuel Rutherford’s statement is what led Jesus to see beyond His crown of thorns to a crown of majesty; beyond the nails in His hands and feet to an exalted name in Glory; beyond the betrayal and abandonment of His disciples to the love and worship of those who would believe in Him; beyond the visible suffering to the invisible glory. Jesus could endure the suffering because He saw the blessing which would follow. This is the same perspective we should have in our trials. While it is true God can make good come from the worst difficulties, He never asks us to paint a rosy picture of the distress, pain, disappointment, or discomfort we feel, or to pretend it doesn’t exist. Instead, He encourages us to look beyond the present hardships we face to the blessings which will come if we don’t quit. That’s what it means to persevere. That’s what it takes to win. There will be times when the going gets tough. It might be a hard time selling a house. It may be a terrible trial involving a loved one. A company may close. Something will go wrong at some time, and we will have to make a choice: am I going to become a victim of despair and self-pity, or am I going to fight my way through it and be a victor with God’s help? If we want to win, then we need to persevere — but the choice is ours.
  20. Ang isa sa mga pangunahing emosyonal na kuta na nararanasan ng mga tao sa ngayon ay kilala bilang pagsandal sa kapwa. Mayroong iba pang mga tawag dito na nagpapalawak sa kuta na higit pa sa isang relasyon — ang mga katagang iyon ay para lamang masiyahan ang mga tao at mapunan ang adiksyon sa social-media. Ngunit, para sa umpisa, tingnan natin ang pagsandal sa kapwa. Ang pagsandal sa kapwa ay isang mekanismo para makayanan (isang uri ng emosyonal na kuta) ang pakikitungo ng isang tao—kahit na mali—na maaaring may nararamdamang kakulangan. Marahil ay may kakulangan sa pagpapahalaga sa sarili o mababa ang tingin sa sarili o may malakas na damdamin ng pagtanggi sa kanya. Kahit ano pa man, kadalasang nagsasangkot ang pagsandal sa kapwa sa paggamit ng ibang tao upang ayusin ang isang kasiraan. Tinatawag ko ito na pagkakaroon ng kuta sa tao. Ang Diyos lamang ang may kapangyarihan at may kakayahang matugunan ang ating mga pangangailangan. Dumarating ang kaguluhan kapag pinipilit nating lumingon sa iba bago tayo lumingon sa Kanya. Sa kabuuan ng Kanyang Salita, mababasa natin kung paano Gumagamit ang Diyos ng mga tao sa buhay ng iba. Gayunpaman, hindi natin mababasa na nalulugod ang Diyos kapag pinapayagan natin ang mga tao at mga bagay na pumalit sa Kanya. Sa katunayan, ang kabaligtaran ay totoo; lumilikha tayo ng isang emosyonal na idolo. Kahit na ang pagkagumon sa social media ay maaaring maituring na emosyonal na idolatriya. Mayroong malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng pagtamasa ng ilang relasyon o pakikinabang mula sa mga koneksyon sa social media at ang pagkawasak ng mga emosyonal na ugnayan o paghahambing. Ang mga tao at mga relasyon ay isang regalo na dapat nating matamasa. Ngunit nais din nating mag-ingat na hindi natin payagan ang ating emosyon na maging isang kuta ng pagkalumbay, kalungkutan, inggit, pagdududa, o takot. Kailangan mong ipaalala sa iyong sarili na, kay Cristo, nasa Kanya ang lahat ng kailangan mo. Hindi mo kailangang panghawakan ang anuman mula sa ibang tao upang makumpleto ka. Ano o kanino ka umaasa para sa iyong pagpapahalaga sa sarili?
  21. Hayaan mong ipaalala ko sa iyo ang isang napakahalagang katotohanan tungkol sa emosyon: wala silang pag-iisip. Hindi nila nag-iisip. Tumutugon lamang sila. Ang mga emosyon ay dapat manghiram ng mga saloobin upang pasiglahin ang damdamin. Samakatuwid, kung sino o anuman ang kumokontrol sa iyong mga saloobin, kinokontrol ang iyong nararamdaman. Ang iyong emosyon ay naitatag at pinasiyahan ng kung paano mo iniisip ang tungkol sa mga pangyayari sa iyong buhay. Kaya, kung nais mong panghawakan ang iyong emosyon at mapagtagumpayan ang mga emosyonal na kuta sa iyong buhay, kailangan mong panghawakan ang iyong pag-iisip. Kapag maisasaayos mo ang iyong mga saloobin sa katotohanan ng Diyos, mapapalaya ka. Tumingin sa salamin. Ang taong iyong nakikita ay kapwa ipinako sa krus, kapwa inilibing, at kapwa muling nabuhay kasama ni Cristo. Sa mata ng Diyos, nang namatay si Jesus dalawang libong taon na ang nakakalipas, ganoon din ikaw. Nang nailibing Siya, kasama kang humiga sa libingan. Nang Siya ay bumangon, ginawa mo rin. Kahit na tinanggap mo si Cristo sa ilang sandali lamang, kinuha ng Diyos ang nangyari kay Jesus maraming taon na ang nakakalipas at ginawang bahagi ito ng iyong espiritwal na katotohanan. Si Satanas ay isang dalubhasa sa pagtatanim ng mga saloobin sa iyong isipan at pinag-iisip kang ang mga iyon ay sa iyo. Marahil ay naririnig mo siya na nagsasabi ng tulad ng, "Hindi ko mapagtagumpayan ang mababang pagtingin sa sarili at ang bitag ng paghahambing. Hindi ako makalaya mula sa emosyonal na pagkaalipin na ito. Hindi ko mapigilan ang mga dating ugali na humahantong sa pagkalumbay." Maaari niyang sabihin sa iyo ang mga bagay na iyon, o maaari mo ring sabihin sa iyong sarili, ngunit upang mapagtagumpayan ang mga ito, dapat mong ihinto ang paniniwala sa mga kasinungalingan. Ang lahat ng mga pahayag na iyon ay maaaring totoo sa dati mong buhay, ngunit ang taong iyon ay namatay na sa krus kasama ni Cristo. Ikaw ay isa nang ganap na bagong likha (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Ano ang mga kasinungalingan na pinaniniwalaan mo tungkol sa iyong sarili?
  22. Ang mga emosyon ay sa kaluluwa kung ano ang pandama sa katawan. Inihahayag nila ang nararamdaman natin tungkol sa mga kalagayan sa buhay. Ang mga taong napunta sa maling direksyon sa kanilang emosyon ay nahihirapan sa pamumuhay at maaaring makaramdam ng walang magawa, walang pag-asa, at walang halaga. Ang isang emosyonal na kuta ay hindi tumutukoy sa pagkakaroon ng isang masamang araw paminsan-minsan lang. Ito ay tumutukoy sa kung kailan hindi mo maalis ang negatibong pagkakakulong na humahawak sa iyong buhay, na nagreresulta sa walang pigil na panghihina ng loob, pagkalungkot, at dalamhati. Sa halip na gawin kung ano ang ginagawa ng maraming tao (na sinusubukang tanggihan o sugpuin ang mga emosyonal na kuta sa pamamagitan ng mga tabletas, aliwan, pakikipagtalik, o paggastos), nais kong tulungan kang matuklasan ang ugat sa likod ng kung ano ang iyong nararanasan upang malampasan mo ito. Ang totoo ay hindi ka nilikha ng Diyos upang magdala ng mga emosyonal na kuta sa loob ng lima, dalawampu, o apatnapung taon, o kahit kailanman. Sa halip, ipinangako sa iyo ng Diyos, kay Cristo, ang isang masagana at ganap na buhay. Sinabi ni Jesus, “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap” (Juan 10:10b Rtpv05). Hindi ka Niya tinawag upang mabuhay sa bawat araw na talunan. Nais Niyang malaman mo at magtiwala na Siya ang may kontrol sa lahat ng mga bagay, at binabantayan Niya ang buong buhay mo. Kung hindi ka nakakaranas ng masaganang buhay na malayang ibinibigay ni Cristo, oras na para sa isang U-turn. Bumaling sa Diyos, at hilingin sa Kanya na ibunyag kung saan ka nagkukulang ng tiwala at kung saan ka maaaring nagkaroon ng isang emosyonal na kuta. Nais Niyang tulungan kang malaman kung paano mo malalampasan ang iyong kalungkutan — na tingnan ang iyong buhay mula sa Kanyang pananaw. Maaari siyang gumawa ng isang himala mula sa tila kaguluhan. Mayroon bang mga emosyon na tila humahawak sa iyong buhay? Handa ka na bang ibigay ang mga ito sa Diyos?
  23. Nakita natin kung paano nilinaw ni Jesus ang ideya ng pahingang tulad nang sa Araw ng Pamamahinga bilang isang kaloob na dapat tamasahin, sa halip na isang batas na dapat sundin. Kaya, kung ang Araw ng Pamamahinga ay, sa mga salita ni Jesus, "itinakda para sa tao," (Marcos 2:27), ang tanong ay, ano ang kailangan ng tao? Kailangan natin ng isang gamot na panlunas sa pagkabalisa, tulad ng pagpapalit ng mga bagay na taga-ubos ng buhay sa mga nagbibigay-buhay, pagsasagawa ng pasasalamat, at pagpapaalaala sa ating sarili kung paano ang ginawa ni Jesus sa krus ay nagpapalaya sa atin mula sa panggigipit na kumilos hanggang sa ating kamatayan. Paano at kung kailan natin gagawin ang mga bagay na ito ay magiging iba sa bawat isa sa atin. Kasama ni Jesus bilang bagong tipan, hindi na tayo nakakulong sa isang partikular na araw ng linggo upang magpahinga mula sa ating pagkabalisa. Maaari kang "mag-Araw ng Pamamahinga" o magpahinga tuwing gabi pagkatapos mong patulugin ang iyong mga anak, o sa isang taunang bakasyon sa tag-init, o, tulad ng sa tradisyon, sa isang itinakdang araw bawat linggo. Ako at ang aking pamilya ay niyayakap ang kaloob ng isang pahingang katulad ng Araw ng Pamamahinga tuwing Linggo, kung kailan sinisikap naming gumawa lamang ng mga bagay na "nagbibigay-buhay" at sinusubukan ang aming makakaya upang itigil ang lahat ng pagsusumikap at pagiging produktibo. Para sa amin, iyon ay ang paglayo o hindi pagbabad sa aming mga telepono, pagkain ng aming mga paboritong pagkain, paggugol ng mas maraming oras sa Salita ng Diyos, at paglaan ng oras sa aming pinakamalapit na pamilya at mga kaibigan. Ngunit ang pinaka-nakakapagbigay ng pahinga para sa akin sa isang araw, ay sinasadya naming suspindihin ang anumang produktibong pag-uusap. Ito ay nangangahulugan na walang pagpaplano para sa aming susunod na bakasyon, at walang pagtalakay sa mga kalendaryo para sa darating na linggo. Sa loob ng isang araw, hangga't makakaya, nagpapahinga lang kami at pinahahalagahan ang mga magagandang bagay, trabaho, at mga taong ibinigay sa atin ng Diyos —hindi nagsisikap para sa kung ano pa man. Tulad ng pagsisimula ko at ng aking asawa na magsanay ng Araw ng Pamamahinga ilang taon na ang nakalilipas, mabilis itong naging malinaw kung bakit sinabi ni Jesus na ang Araw ng Pamamahinga ay para sa tao at hindi sa ibang paraan. Ang Araw ng Pamamahinga ay isang pagkakataon upang magpahinga mula sa walang tigil na panggigipit ng mundo upang patuloy na kumilos, lumutas, mag-aliw, gumastos, mag-post, at gumawa. Ito ay isang araw upang tingnan natin ang ating buhay, ang ating gawain, at ang krus at sabihin nang may kasiyahan, "Tama na!" Ang ganitong uri ng pahinga ay hindi naging madali para sa akin. Hindi man malapit. Ngunit habang patuloy kong ginagawa ang mga regular na kapahingahan na ito, madalang na akong mabalisa at mabahala. Kung ikaw ay hindi mapalagay tulad ko, hinihikayat kita na pakinggan mo si Jesus na nagsasabi sa iyo na ang kapahingahan nang katulad ng sa Araw ng Pamamahinga ay parasa iyo. Hindi na ito isang kautusang legalista. Ito ay isang kaloob na may mas kabuluhan ngayon kaysa noon. Dasal ko na yakapin mo ito.
×
×
  • Create New...