Jump to content

Ano ang opinion nyo sa Philippines Drug War?

BenLotus

Recommended Posts

Yung nag order si Duterte pumatay sa mga drug addict at drug dealer.

ano sa palagay nyo?

Mas nagiging safe ba ang Pilipinas?

Oo maraming namamatay... Pero mas marami pa kaya namamatay or gulu dahil sa mga adik?

Pansin ko bumabawas ang crime sa Pilipinas.

Link to comment
Share on other sites

Ang dapat pong sugpuin ay yung mga nakikinabang sa drugs. Yung mga yumayaman sa paggawa at pagbebenta, yung mga maginhawa ang buhay habang (to use your words) maraming namamatay.

Hati po ang isip ko: bilang isang mamamayan, umaayon ako sa ganitong pamamaraan; ngunit bilang Kristiano at health worker, hindi maalis sa isip ko na puro biktima lang ang mga namamatay.

Alam ko na po ang itatanong sa akin ng mga "pro": paano kung kamag-anak mo ang nabiktima? paano kung ikaw? (Huwag naman po sanang mangyari sa atin). Like I said, hati po ang isip ko.

Link to comment
Share on other sites

5 hours ago, Mackaizer said:

Hindi naman kasi mawawala ang drugs. Kahit saang bansa pa yan. Uunti pero di mawawala.

Exactly. So kahit sino pa papatayin nila d na mawawala yan. Sakin lang mas mabuti cguro kung yung priorities ng governance nya itutok muna sa kumakalam na sikmura. Pag gutom yung tao umiiba na takbo ng pagiisip..

Link to comment
Share on other sites

Di na mawawala talaga yan kahit sa mga malalaking bansa di nila makontrol talaga yan, nababawasan pero di totally mawawala. Dito sa atin cguro para malilimitihan ang paggamit ng droga at pagdami ng mga adik mas maganda cguro na kaysa patayin e mas bigatan na lang ang parusa sa mga mahuhuling pusher at user (malaking multa at mahabang taon ng pagkulong) yung walang piyansa para mas matatakot sila. Kung wala kasing user wala ding pusher.

Link to comment
Share on other sites

6 hours ago, Wined said:

Dito sang ayon ako.. Mas ok sakin na yung mga corrupt na officials na lang pa tegi ni duterts.. Yan wala talagang lunas yan.. Ang pagkasakim at gahaman ewan ko lang kung me gamot na maiimbento para mawala yan..

Andami kong kilalang user na nagbago na pero pinatay pa rin.. Kasi nga may quota yung task force. Pag walang ebidensya para mahuli, lalagyan.. Pag pumalag ka timbugin na lang.. O diba ayos? Bawas sa quota.. Ang galing!!!

Edited by RDZ
  • Love 1
Link to comment
Share on other sites

Personally.. Hindi ako mabuting tao.. Naglalaklak ako.. Nagyoyosi.. Nag doobie din ako.. Hiyang ako sa doobie eh.. Pero ang bottomline is depende pa din yan sa pagcontrol mo. Madaming psychological, psychosocial, at physiological factors na nagtutulak sa isang tao para maging adik. Dpende din yun sa coping mechanisms at support system na nakapalibot sayo..

Nakakalunkot talaga isipin.. Sino ba talaga ang dapat sisihin? Bakit ba ganun na lang ang naging desisyon ng presidente natin tunkol sa pag sugpo sa droga? Mas nakakatulong ba talaga pumatay ng kung sino sino na lang na nasa listahan nila? Ano ba magagawa natin para makatulong? 

Ahahahahahahaha... D ba masarap mag isip ng ganito? 

Link to comment
Share on other sites

Ito po, medyo out there: What if gawin nalang legal ang drugs? Kahit anong klase, kahit yung nakamamatay, basta 21 y/o pataas, nasa hustong katinuan, subsidized pa ng government kung gusto nyo. Pero kelangan sa mga "hospitals" lang sila mag-stay.

Mabawasan kaya ang krimen na naguugat sa drug addiction?

Madalas po kasi natin isinisisi sa pagiging adik yung isang krimen; murder, rape, etc. Hindi po ba pwedeng halang lang talaga ang kaluluwa nya at nagkataong adik? Sa kabilang banda, mga pagkakataon din naman pong nagnanakaw/nakakapatay ang isang adik dahil kelangan nya ng pambili.. marami pong scenarios

Ano ang opinyon nyo tungkol dito?

Sir @RDZ, sang-ayon po ako, mas productive kung magiisip tayo ng solusyon

Link to comment
Share on other sites

18 hours ago, stars said:

Yes maam  @stars ok yang naisip mo pero d ata kaya ng government natin mag sustento ng ganyan. Dinadaan talaga sa negosyo.. Tsaka if addiction lang hindi lang sa drugs yun pati sa alcohol na din.. Lahat yan may different effects sa atin. Yun lang talaga mahirap pag aralan kasi iba iba yung effects nung substances sa bawat tao.. Me kinalaman talaga yan sa pag iisip ng bawat isa. Health worker dn ako kaya madami akong na witness na substance abuse.. Ang hirap talaga e manage yun lalo na pag walang support system.. 

Tama yung sinasabi mo yung krimen hindi naman talaga nag uugat yan sa drug addiction. Unang una yung kawalan ng pagkain at maipoprovide na pagkain.. Kahirapan ang ugat nun.. Yung iba dinadala na lang sa bisyo. Ginagawa na lang talaga dahilan yan dahil yan ang kadalasang bagsak ng marami.. Pero may factors dn na drugs yun sanhi kasi nga nag aalter yan ng consciousness..

Walang katapusan ang topic na to.. Kaya ako nag aantay dn ng opinyon nung mga kasama natin jan.. Hehehe

Link to comment
Share on other sites

7 hours ago, RDZ said:

Malay natin sir, dito pa sa thread na to sumibol ang pangmatagalang solusyon sa drug addiction. :D Hindi nga uubra yang idea ko dito sa Pilipinas.. siguro sa European/North American countries may konting chance.

Edited by stars
Link to comment
Share on other sites

  • 2 weeks later...
  • 3 weeks later...

Para sakin. Good ako sa Drug on war, kasi sa lugar na pinang galingan ko nung kolehiyo ako halos lahat ng mga kakilala kong gumamit at gumagamit nag bagong buhay na at iyong iba nadedo na. at medyo may takot narin sila sa Government Officials and mga kapulisan dun. saka wala rin naman akong magagawa kong tinig ko lang ang sasabihin ko kaya ang kaya ko lang gawin eh ipag pray ang mga nagpapasatupad ng batas na ito lalo na si Pangulong Du30. 

Link to comment
Share on other sites

  • 3 months later...
  • 2 months later...
  • 8 months later...

no question na totoong natahimik ang paggamit ng droga. datikasiparang proud pa ang mga gumagamit ng mga bawal na gamot na sila ay gumagamit nito. ginawang status symbol na may pera sila kaya nakapagbisyo. talamak na talaga at walang takot. sa ibang banda, darating ang panahon na si pduterte ay papalitan na bilang pangulo, paanu kung ang makapapalit sa kanya ay iba na nama ang istilo. yung bang gaya ng dati na walang patayan at idadaan pa sa proseso gaya ng huli, kulong, kasu, pyansa, and worse abswelto? para sa akin tama nga naman na dapat din dumaan sa proseso, pero ito ay mabagal kaya yung ibang kriminal ay nakakalusot. pero paanu nga kung mapapalitan na si pduts, e di balik sa dati, dahil karamihan sa mga napatay ay mga small time drug lords lang. at imposible namang nag exist yan na walang proteksyon, kaya nga sila nakakaiwas sa batas. sad to say pero ako mismo , personally alam ko na may mga scalawags sa loob ng PNP. pinagmayabang yan dait nung kakila ko na gumagamit na paanu daw sila mahuhuli eh pulis yung kumukuha para sa kanila.  patay na yung kakilala ko dahil sa war on drugs, pero yung pulis na sinasabi nya , ayun nakaduty pa.

  • Love 1
Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...