Jump to content

18-anyos na anak ng OFW, tinadtad ng saksak at pinagpapalo pa ng martilyo sa ulo


ayarei09
 Share

Recommended Posts

Patay ang isang dalaga na anak ng isang OFW sa Davao Occidental matapos siyang pagsasaksakin at pinagpapalo pa ng martilyo sa ulo sa loob ng kanilang bahay.  Hinala ng kaanak ng biktima, plano ng suspek na gahasain ang kaniyang anak.

Sa ulat ni RGil Relator ng RTV-One Mindanao sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing nagtamo ng mahigit 20 saksak sa katawan at mga palo ng martilyo sa ulo ang biktimang si Jane Masucol, 18-anyos.

Nakita ang duguang bangkay ng biktima sa kanilang bahay sa Barangay Mamacao, Sta. Maria, Davao Occidental noong Sabado.

Mag-isa lang ang biktima sa kanilang bahay nang mangyari ang krimen.

Naaresto naman kinalaunan ang suspek sa krimen na si Wangyo Tribunal, na kababata pa man ng biktima.

Paniwala ng pamilya biktima, tinangkang gahasain ng suspek ang kanilang kaanak dahil nagtatanong daw ito sa mga kaibigan kung ilan taon ang parusa sa kasong rape.

Pero itinanggi ni Tribunal na balak niyang halayin ang biktima. Giit niya, gusto lang daw niyang takutin ang biktima para makaganti dahil tinutukso umano siyang magnanakaw ng manok.

"Tatakutin ko lang sana pero inagaw niya yung kutsilyo," pahayag ng suspek.

Ayon sa pulisya, walang palatandaan na nagahasa ang biktima.

Dahil sa trahediya, nakatakdang umuwi sa bansa ang ina ng biktima na isang OFW. Dahil sa trahediya, nakatakdang umuwi sa bansa ang ina ng biktima na isang OFW.

 

Link:

This is the hidden content, please

Courtesy of FRJ, GMA News

Edited by ayarei09
Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue.