ABS-CBN
Nasa 12,000 residente ang tinatayang apektado ng baha sa Barangay Dela Paz, Biñan City.
Dalawang linggo nang lubog sa baha ang lugar matapos ang sunod-sunod na malalakas na ulan dulot ng habagat.
Ayon sa mga residente, mula dalawa hanggang limang talampakan ang baha sa ilang lugar.
Kuwento pa nila, taon-taon na itong problema at inaabot pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago humupa ang baha.
Problema sa sirang drainage system ang itinuturong dahilan ng mga residente sa kanilang kalbaryo.