August 30, 20187 yr Yung nag order si Duterte pumatay sa mga drug addict at drug dealer. ano sa palagay nyo? Mas nagiging safe ba ang Pilipinas? Oo maraming namamatay... Pero mas marami pa kaya namamatay or gulu dahil sa mga adik? Pansin ko bumabawas ang crime sa Pilipinas.
August 31, 20187 yr Ang dapat pong sugpuin ay yung mga nakikinabang sa drugs. Yung mga yumayaman sa paggawa at pagbebenta, yung mga maginhawa ang buhay habang (to use your words) maraming namamatay. Hati po ang isip ko: bilang isang mamamayan, umaayon ako sa ganitong pamamaraan; ngunit bilang Kristiano at health worker, hindi maalis sa isip ko na puro biktima lang ang mga namamatay. Alam ko na po ang itatanong sa akin ng mga "pro": paano kung kamag-anak mo ang nabiktima? paano kung ikaw? (Huwag naman po sanang mangyari sa atin). Like I said, hati po ang isip ko.
September 1, 20187 yr Para sa akin dapat yung mga drug dealer ang papatayin. Gamitin ang mga Adik Para hanapin ang drug dealer
September 1, 20187 yr Patayin lahat ng adik at drug dealer hanggang sa pinakamataas pati mga gumagawa ng drugs haha! Salot mga yan ih haha. Isama na yang bastos na si Trillanes walang ambag sa Pinas!??
September 2, 20187 yr Hindi pa din nawawala ang drugs hanggang ngayon.. May namamatay na drug lord, may pumapalit din.. Tsk tsk tsk
September 3, 20187 yr Mas maraming namamatay na kriminal keysa mga inosenting tao ngayon..Mas safe na nga gumala sa streets ng cebu ngayon kahit gabi..Yung drugs d yan mawawala pero na miminimized..sa province ko at nearby wala na gaano drugs nagbebenta d pareha noun sobrang malala..
September 3, 20187 yr On 2 September 2018 at 5:34 PM, RDZ said: Hindi pa din nawawala ang drugs hanggang ngayon.. May namamatay na drug lord, may pumapalit din.. Tsk tsk tsk Hindi naman kasi mawawala ang drugs. Kahit saang bansa pa yan. Uunti pero di mawawala.
September 3, 20187 yr 5 hours ago, Mackaizer said: Hindi naman kasi mawawala ang drugs. Kahit saang bansa pa yan. Uunti pero di mawawala. Exactly. So kahit sino pa papatayin nila d na mawawala yan. Sakin lang mas mabuti cguro kung yung priorities ng governance nya itutok muna sa kumakalam na sikmura. Pag gutom yung tao umiiba na takbo ng pagiisip..
September 3, 20187 yr matanong lang mga bossing.. bakit nga ba nauudyok ang isang tao na gumamit ng droga? Ano sa palagay nyo?
September 4, 20187 yr Curiousity, Barkada, Party, Trip, Depression. Depende lang talaga sa mga tao kong magpakaadik pero majority ayy naaadik talaga. Ang hirap ng magbago pagnalulong ka sa druga. Dami na akong kakilala na ganito sayang lang ang buhay nila.
September 4, 20187 yr Di na mawawala talaga yan kahit sa mga malalaking bansa di nila makontrol talaga yan, nababawasan pero di totally mawawala. Dito sa atin cguro para malilimitihan ang paggamit ng droga at pagdami ng mga adik mas maganda cguro na kaysa patayin e mas bigatan na lang ang parusa sa mga mahuhuling pusher at user (malaking multa at mahabang taon ng pagkulong) yung walang piyansa para mas matatakot sila. Kung wala kasing user wala ding pusher.
September 4, 20187 yr 6 hours ago, Wined said: Di na mawawala talaga yan kahit sa mga malalaking bansa di nila makontrol talaga yan, nababawasan pero di totally mawawala. Dito sa atin cguro para malilimitihan ang paggamit ng droga at pagdami ng mga adik mas maganda cguro na kaysa patayin e mas bigatan na lang ang parusa sa mga mahuhuling pusher at user (malaking multa at mahabang taon ng pagkulong) yung walang piyansa para mas matatakot sila. Kung wala kasing user wala ding pusher. Dito sang ayon ako.. Mas ok sakin na yung mga corrupt na officials na lang pa tegi ni duterts.. Yan wala talagang lunas yan.. Ang pagkasakim at gahaman ewan ko lang kung me gamot na maiimbento para mawala yan.. Andami kong kilalang user na nagbago na pero pinatay pa rin.. Kasi nga may quota yung task force. Pag walang ebidensya para mahuli, lalagyan.. Pag pumalag ka timbugin na lang.. O diba ayos? Bawas sa quota.. Ang galing!!! Edited September 4, 20187 yr by RDZ
September 4, 20187 yr Personally.. Hindi ako mabuting tao.. Naglalaklak ako.. Nagyoyosi.. Nag doobie din ako.. Hiyang ako sa doobie eh.. Pero ang bottomline is depende pa din yan sa pagcontrol mo. Madaming psychological, psychosocial, at physiological factors na nagtutulak sa isang tao para maging adik. Dpende din yun sa coping mechanisms at support system na nakapalibot sayo.. Nakakalunkot talaga isipin.. Sino ba talaga ang dapat sisihin? Bakit ba ganun na lang ang naging desisyon ng presidente natin tunkol sa pag sugpo sa droga? Mas nakakatulong ba talaga pumatay ng kung sino sino na lang na nasa listahan nila? Ano ba magagawa natin para makatulong? Ahahahahahahaha... D ba masarap mag isip ng ganito?
September 8, 20187 yr Ito po, medyo out there: What if gawin nalang legal ang drugs? Kahit anong klase, kahit yung nakamamatay, basta 21 y/o pataas, nasa hustong katinuan, subsidized pa ng government kung gusto nyo. Pero kelangan sa mga "hospitals" lang sila mag-stay. Mabawasan kaya ang krimen na naguugat sa drug addiction? Madalas po kasi natin isinisisi sa pagiging adik yung isang krimen; murder, rape, etc. Hindi po ba pwedeng halang lang talaga ang kaluluwa nya at nagkataong adik? Sa kabilang banda, mga pagkakataon din naman pong nagnanakaw/nakakapatay ang isang adik dahil kelangan nya ng pambili.. marami pong scenarios Ano ang opinyon nyo tungkol dito? Sir @RDZ, sang-ayon po ako, mas productive kung magiisip tayo ng solusyon
September 9, 20187 yr 18 hours ago, stars said: Ito po, medyo out there: What if gawin nalang legal ang drugs? Kahit anong klase, kahit yung nakamamatay, basta 21 y/o pataas, nasa hustong katinuan, subsidized pa ng government kung gusto nyo. Pero kelangan sa mga "hospitals" lang sila mag-stay. Mabawasan kaya ang krimen na naguugat sa drug addiction? Madalas po kasi natin isinisisi sa pagiging adik yung isang krimen; murder, rape, etc. Hindi po ba pwedeng halang lang talaga ang kaluluwa nya at nagkataong adik? Sa kabilang banda, mga pagkakataon din naman pong nagnanakaw/nakakapatay ang isang adik dahil kelangan nya ng pambili.. marami pong scenarios Ano ang opinyon nyo tungkol dito? Sir @RDZ, sang-ayon po ako, mas productive kung magiisip tayo ng solusyon Yes maam @stars ok yang naisip mo pero d ata kaya ng government natin mag sustento ng ganyan. Dinadaan talaga sa negosyo.. Tsaka if addiction lang hindi lang sa drugs yun pati sa alcohol na din.. Lahat yan may different effects sa atin. Yun lang talaga mahirap pag aralan kasi iba iba yung effects nung substances sa bawat tao.. Me kinalaman talaga yan sa pag iisip ng bawat isa. Health worker dn ako kaya madami akong na witness na substance abuse.. Ang hirap talaga e manage yun lalo na pag walang support system.. Tama yung sinasabi mo yung krimen hindi naman talaga nag uugat yan sa drug addiction. Unang una yung kawalan ng pagkain at maipoprovide na pagkain.. Kahirapan ang ugat nun.. Yung iba dinadala na lang sa bisyo. Ginagawa na lang talaga dahilan yan dahil yan ang kadalasang bagsak ng marami.. Pero may factors dn na drugs yun sanhi kasi nga nag aalter yan ng consciousness.. Walang katapusan ang topic na to.. Kaya ako nag aantay dn ng opinyon nung mga kasama natin jan.. Hehehe
September 9, 20187 yr 7 hours ago, RDZ said: Yes maam @stars ok yang naisip mo pero d ata kaya ng government natin mag sustento ng ganyan. Dinadaan talaga sa negosyo.. Tsaka if addiction lang hindi lang sa drugs yun pati sa alcohol na din.. Lahat yan may different effects sa atin. Yun lang talaga mahirap pag aralan kasi iba iba yung effects nung substances sa bawat tao.. Me kinalaman talaga yan sa pag iisip ng bawat isa. Health worker dn ako kaya madami akong na witness na substance abuse.. Ang hirap talaga e manage yun lalo na pag walang support system.. Tama yung sinasabi mo yung krimen hindi naman talaga nag uugat yan sa drug addiction. Unang una yung kawalan ng pagkain at maipoprovide na pagkain.. Kahirapan ang ugat nun.. Yung iba dinadala na lang sa bisyo. Ginagawa na lang talaga dahilan yan dahil yan ang kadalasang bagsak ng marami.. Pero may factors dn na drugs yun sanhi kasi nga nag aalter yan ng consciousness.. Walang katapusan ang topic na to.. Kaya ako nag aantay dn ng opinyon nung mga kasama natin jan.. Hehehe Malay natin sir, dito pa sa thread na to sumibol ang pangmatagalang solusyon sa drug addiction. Hindi nga uubra yang idea ko dito sa Pilipinas.. siguro sa European/North American countries may konting chance. Edited September 9, 20187 yr by stars
September 21, 20187 yr Sa akin alam kong maraming tao pa rin ang di sangayon dito. Pero kung iisipin ng mabuti. Mas maraming inosenteng buhay ang mapoprotektahan. At meron ng kinakatakutan ang mga drug dealers/addict kase alam nila na may ginagawa ang gobyerno.
October 10, 20187 yr Para sakin. Good ako sa Drug on war, kasi sa lugar na pinang galingan ko nung kolehiyo ako halos lahat ng mga kakilala kong gumamit at gumagamit nag bagong buhay na at iyong iba nadedo na. at medyo may takot narin sila sa Government Officials and mga kapulisan dun. saka wala rin naman akong magagawa kong tinig ko lang ang sasabihin ko kaya ang kaya ko lang gawin eh ipag pray ang mga nagpapasatupad ng batas na ito lalo na si Pangulong Du30.
April 28, 20197 yr Sa tingin niyo saan kaya tayo makakakuha ng sagot para sa mga katanungan natin sa buhay?,,at sa mga nangyayari sa sanlibutan?.. Edited April 28, 20197 yr by jorge0505
January 17, 20206 yr no question na totoong natahimik ang paggamit ng droga. datikasiparang proud pa ang mga gumagamit ng mga bawal na gamot na sila ay gumagamit nito. ginawang status symbol na may pera sila kaya nakapagbisyo. talamak na talaga at walang takot. sa ibang banda, darating ang panahon na si pduterte ay papalitan na bilang pangulo, paanu kung ang makapapalit sa kanya ay iba na nama ang istilo. yung bang gaya ng dati na walang patayan at idadaan pa sa proseso gaya ng huli, kulong, kasu, pyansa, and worse abswelto? para sa akin tama nga naman na dapat din dumaan sa proseso, pero ito ay mabagal kaya yung ibang kriminal ay nakakalusot. pero paanu nga kung mapapalitan na si pduts, e di balik sa dati, dahil karamihan sa mga napatay ay mga small time drug lords lang. at imposible namang nag exist yan na walang proteksyon, kaya nga sila nakakaiwas sa batas. sad to say pero ako mismo , personally alam ko na may mga scalawags sa loob ng PNP. pinagmayabang yan dait nung kakila ko na gumagamit na paanu daw sila mahuhuli eh pulis yung kumukuha para sa kanila. patay na yung kakilala ko dahil sa war on drugs, pero yung pulis na sinasabi nya , ayun nakaduty pa.
Create an account or sign in to comment