May 22, 20205 yr MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ng COVID-19 pandemic ang bansa. Ayon kay Roque, nasa first wave pa lamang ang Pilipinas at nagsimula ito noong dumating ang tatlong Chinese mula Wuhan na positibo sa COVID-19. “Kapag sinabi nating ‘wave’, ano ba iyan sa Tagalog? Iyan po ay alon: Ang alon tumataas, bumababa. Kung titingnan ninyo po ang wave ng graph ng mga kaso dito sa Pilipinas, nagsimula po ang first wave natin nang dumating iyong tatlong Tsino na mayroon na pong kasong COVID-19. Pero hindi po community acquired iyan, ganoon pa man, diyan po nagsimula ang first wave,” sabi ni Roque. Nagpatuloy aniya ang first wave simula Enero at lumobo pa ito hanggang Marso hanggang unti-unting bumaba pero hindi pa ganap na na-flatten ang “curve” kaya wala pa tayo sa “second wave.” Inihayag ni Roque na galing sa mga dalubhasa ang kanyang pahayag na taliwas sa kakaibang interpretasyon ni Sec. Duque..
May 22, 20205 yr Author Just now, rkismyname said: Wrong lang ng interpretation. Nasa 1st wave parin po tayo 4 minutes ago, reginax said: Hindi pa nagfflat yung first wave may surge na agad ng second wave. ? Yup, ang dami ng aberya na nagawa kasama sila Duque na nagiging cause ng panic. Di ko alam kung inaaral ba talaga nila bago sabihin
May 22, 20205 yr misinterpretation. pero that misinterpretation shows na hindi maganda ang coordination ng ibat ibang government agency sa Pilipinas.
May 23, 20205 yr Author On 5/22/2020 at 2:39 PM, olivia said: misinterpretation. pero that misinterpretation shows na hindi maganda ang coordination ng ibat ibang government agency sa Pilipinas. Yup pansin ko rin po
May 23, 20205 yr Author On 5/22/2020 at 9:37 AM, Jhan said: Lalo pang tataas yung cases pag mas niluwagan yung mga tao On 5/22/2020 at 2:11 PM, Eren said: Hindi na ako mag magtataka aabot cases nyan sa 20k or pataas pa. ? Ayaw nila magsagawa mg mass testing, kaso wala raw fund ?
May 25, 20205 yr if mag mass testing po wag na isali yung wala namang covid tama rin sinabe ni gladez gevara.
May 30, 20205 yr Advance kasi mag isip haha.2nd wave agad gusto .hirap na nga bansa natin sa 1st wave .
Archived
This topic is now archived and is closed to further replies.