Jump to content

Yumeko

BenLotus Member
  • Posts

    203
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1
  • BCash

    0 [ Donate ]
  • Country

    Philippines

Everything posted by Yumeko

  1. Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang pitong miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Bacolod City Police dahil sa pagkamatay ng dalawang umano'y holdaper at isang sibilyan noong Agosto 10. Nauwi sa engkuwentro ang paghabol ng pulisya sa riding-in-tandem at nadamay ang apat na sibilyan. Isa sa mga biktima ang pedicab driver na natamaan ng bala sa dibdib na agad nitong ikinamatay. Ang isa naman ay menor de edad na anak ng alkalde ng Isabela, Negros Occidental. Nauna nang inimbestigahan ng National Police Commission sa Western Visayas ang insidente. Ang police Regional Internal Affairs Service 6 ay nagsagawa rin ng kanilang imbestigasyon para alamin kung may pananagutan ang miyembro ng SWAT team sa aspetong administratibo. Nananatiling on duty ang 7 miyembro ng SWAT team pero restricted sila sa pagsasagawa ng patrol operations. Nagboluntaryo silang sumailalim sa parrafin test. Apat sa kanila ang nagpaputok ng baril, ayon sa pulisya. Nananatili ang suporta ni Senior Supt. Francisco Ebreo, director ng Bacolod City Police, sa 7 miyembro ng SWAT team. -Nico Delfin, ABS-CBN News
  2. Suggest ko lang yung parang sa phcorner.net, maglagay tayo nung option na available for established members and available for all. To avoid hit and run. And para maging established kelangan mameet specified number of reputation points.
  3. Kasunduan patungkol sa pagpapadala ng Filipino caregivers at domestic workers sa Israel at Jordan ang mga pakay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang bansa sa Setyembre 2-8. Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, isa ito sa mga inaasahang lalagdaan sa naturang pagbisita. Nakatakdang magpirmahan sa Israel ng isang memorandum of agreement on employment of Filipino caregivers kung saan mapapaayos pa ang employment procedure at matatanggal ang masyadong mahal na placement fees para sa mga Pinoy. Sa Jordan naman, inaasahan rin ang isang memorandum of agreement para mas gawing ligtas ang recruitment, deployment, at arrival ng Filipino domestic workers sa kanilang bansa. Ayon kay Abella, padadaanin na ang mga Pinoy sa matutukoy na licensed Jordanian recruitment agencies na siyang makikipagtulunagn sa lehitimong agencies dito sa bansa. “The agreement provides that the recruitment and employment of Filipino domestic workers will be governed by standard employment contract and other measures that will ensure protection of the rights and welfare of works,” ani Abella. Ayon pa sa opisyal, nasa higit 28,000 Pilipino ang nasa Israel, habang nasa higit 40,000 naman ang sa Jordan kaya't importante rin kay Duterte na matingnan ang kanilang kundisyon sa mga nasabing bansa. —Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
  4. MANILA - Arestado ang isang Amerikanong hinihinalang pumatay sa kanyang business partner na Australian sa Pasig City. Sa follow-up operations, natiklo ang 58-anyos na suspek na si Kenneth Darnell Bethea na itinuturong pumatay sa Australian na si Lambros Zervas. Natagpuan ang katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa loob ng carpet cleaning services na kapwa pagmamay-ari nina Bethea at Zervas. Si Bethea ang huling nakitang lumabas mula sa naturang opisina. PANOORIN: Amerikanong itinuturong pumatay sa business partner na Australian sa Pasig, tinangkang magbigti nang aarestuhin na pero bumigay ang lubid kaya siya nahulog at tuluyang naaresto. [Hidden Content] Natunton ng mga awtoridad si Bethea sa basement parking ng kanilang condominium makaraang magpalipas ng gabi sa loob ng van. Nang aarestuhin na, umakyat siya sa hood ng sasakyan at nagtali ng lubid sa tubo. Magpapakamatay na sana ang suspek sa harap ng mga pulis ngunit bumigay ang lubid at nahulog ang Amerikano at nagtamo ng mga sugat sa tuhod. Sinampahan na ng kasong murder ang suspek. -Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
  5. SILANG, Cavite - Natagpuang patay si Arnold Corpuz, isang aktor ng teleseryeng "Ang Probinsyano", sa kaniyang bahay sa bayan na ito, Miyerkoles. Nitong Lunes pa hindi ma-contact ng mga kaanak ang 38-anyos na si Corpuz kaya sapilitan nilang pinasok ang kaniyang tahanan sa Barangay Biga 1. Tumambad sa grupo ang bangkay ni Corpuz na tadtad ng saksak sa sala. Nakasuot lamang ng underwear at medyas ang biktima. May nakita namang alak at 3 baso sa balkonahe. Nawawala ang 2 cellphone at ilang alahas ng biktima, ayon sa pulisya. Mag-isa lang na nakatira sa bahay ang aktor, pero madalas itong tumanggap ng mga bisita, kuwento ng kaniyang pamilya. Gumanap si Corpuz bilang alkalde na inambush sa "Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin. Naging bahagi rin si Corpuz ng mga teleseryeng "Bagani" at "Be Careful With My Heart." Bukod sa pagiging aktor, pinagkakaabalahan niya ang networking. Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
  6. Ang Spoliarium ni Juan Luna ang masasabing pinakamahalagang obra ng sining sa ating bansa. Matapos ang halos 140 taon mula nang ito ay likhain, lumutang naman ang maliit na bersiyon nito. Sinasabing ginawa rin ito ni Luna bago siya manalo sa isang kompetisyon noong 1884. At ekslusibo nga itong ipinakita sa ABS-CBN News. Ang pambihirang obra, tunay nga ba o peke? Exclusive - Ces Drilon, Bandila
  7. Sayang effort halos lahat na words sakin hahahahah yawqunah hahahahah
  8. Masisiguro, mapagkakatiwalaan, may kaledad, at sigurado. Bwiset hahahahah
  9. Darating din ang araw na magkasama tayo, mangako ka na buong buhay kitang mamahalin
  10. Darating din ang araw na magkasama tayo, manalig ka na buong buhay kitang mamahalin hahahah
  11. Darating din ang araw na magkasama tayo, maghintay ka na buong buhay kitang mamahalin.
  12. Darating din ang araw na magkasama tayo,maniwala ka na buong buhay kitang mamahalin.
  13. Darating din ang araw na magkasama tayo, malayo ka ngunit buong buhay kitang mamahalin.
  14. Darating din ang araw na magkikita tayo, maniwala ka na buong buo kitang minamahal hahhaha
  15. Darating din ang araw na magkikita tayo, mamahalin kita ng buong buo kahit malayo yieee <3 hahahah
  16. Darating din ang araw na magkikita tayo, mamahalin kita ng buong buo kahit mahirap </3
  17. Darating din ang araw na magkikita tayo, mamahalin kita ng buong buo kahit mamatay chos hahahah
  18. Darating din ang araw na magkikita tayo, mamahalin kita ng buong buo kahit masakit </3
×
×
  • Create New...