August 10, 20187 yr Baka meron po sa inyo ang may alam kung paano maayos yung tablet ko. Bigla nalang parang nahati yung display, tapos duplicate ng top half yung bottom half, then minsan naman po, wala, black lang, or "white" na may colored lines. I'm guessing sa LCD po ang sira? Wala po kayang ibang solution except palitan yung LCD? Thank you po sa sasagot!
August 11, 20187 yr Sa likod yan may wire na disconnect, try mo sa youtube ... kasi marami tutorial dyan
August 11, 20187 yr ayos na po ba ung unit mo sir ? if hnd pa try mo basic reparing try mo baklasin din check mo ung flex ng LCD bka na disAline lang po ....if wala sa talaga palit na po ng LCD yan ...sana makatulong
August 11, 20187 yr Author 18 hours ago, Roger said: Naayos mo na ba? Na try mo na bang fully restore? Baka software error lang yan. Same ba yun sa factory reset? Ayun ni reset ko na pero ganun pa rin
August 11, 20187 yr Author 14 hours ago, Daplash said: Sa likod yan may wire na disconnect, try mo sa youtube ... kasi marami tutorial dyan Ah ok, thank you! Takot lang kasi akong buksan kasi may nabasag na akong lcd din ng Asus Transformer noon kakasunod sa mga youtube tutorials.
August 11, 20187 yr Author 11 hours ago, createurown said: ayos na po ba ung unit mo sir ? if hnd pa try mo basic reparing try mo baklasin din check mo ung flex ng LCD bka na disAline lang po ....if wala sa talaga palit na po ng LCD yan ...sana makatulong Oo salamat sa inyo! So hardware talaga ang problema, ipapagawa ko nalang sa professional.
August 11, 20187 yr Author Baka may mairerecommend po kayong bilihan ng parts like lcd para sa mga gadgets, para pag punta ko sa magrerepair may pamalit nang lcd. Ang sakit kasi sa ulo dun sa authorized service center, 6,000 yung binayaran ko kasi pinapalitan ko ng battery at charging port, tapos makita-kita ko sa shopee, di aabot ng isang libo yung parts. Ano yun, 5,000 yung labor??
August 12, 20187 yr mas okay kung may pwesa kana sir ... pa labor kanalang mahal talaga sa service center ...san ba area mo ba boss ?
August 12, 20187 yr Author 20 minutes ago, createurown said: mas okay kung may pwesa kana sir ... pa labor kanalang mahal talaga sa service center ...san ba area mo ba boss ? Mam po ako ? Yun nga po sir eh. Bulacan po.. layo noh?
August 12, 20187 yr sorry po Mam ...ahmm.. ou nga po ...sa marikina po kasi ako ee...cellphone tech po ako
Create an account or sign in to comment