Jump to content

Dalagita pinagbabaril ng kinakasama ng nanay dahil sa cellphone. (Agosto 31,2018)


Yumeko

Recommended Posts

MAASIN, Iloilo - Patay ang isang 16-anyos na dalagita matapos siyang barilin ng kinakasama ng kaniyang ina, Huwebes.

Sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Buntalan pinagbabaril ng 38-anyos na suspek ang biktimang si alyas Faye dahil sa pagtatalo umano sa cellphone.

"Pinipilit ng suspek na basahin ang mga mensahe na laman ng cellphone ng biktima pero dahil may password ay nag-agawan ang dalawa na nauwi sa pagtatalo," sabi ni Joseoswald Gatuslao, hepe ng Maasin Police.

Tinangka ng ina ng biktima na agawin ang baril mula sa suspek at sinabihan si Faye na tumakbo, ngunit nagpumiglas ang suspek at inabutan ang dalagita sa kusina, sabi ni Gatuslao.

Agad ikinamatay ng biktima ang mga natamong tama ng bala sa ulo, dibdib at kamay.

Patuloy na hinahanap ng mga pulis ang nakatakas na suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang ina na 10 taon nang kinakasama ng suspek.

Sasampahan ang suspek ng kasong murder.

-ABS-CBN NEWS

  • Love 1
Link to comment
Share on other sites

  • 2 months later...

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...