Jump to content

Tinubos na Pangarap!


BCXR28

Recommended Posts

May isang linya ang dasal ng kapayapaan na karaniwang dinadasal sa mga hakbang na mga pagpupulong na humihingi sa Diyos na tulungan tayo na tanggapin ang “paghihirap bilang daan patungong kapayapaan; tinatanggap, tulad ng pagtanggap ni Jesus, ang makasalanang mundo kung ano ito, at hindi tulad ng nais ko”.
Ang linyang ito ay lagi kong tinatandaan dahil sa sobra-sobrang ginamit kong lakas sa pag-aayos at pagkontrol ng mga pangyayari at mga tao sa aking paligid upang makamit ang buhay na gusto ko... nagsusumikap upang gawing katotohanan ang aking mga pangarap. Malinaw naman na hindi ito umubra.
Pagkatapos ng paghihiwalay namin ng aking asawa noon(maraming taon na ang nakakaraan), nagpalipat lipat ako ng tahanan, nasira ang aking kredito, at naramdaman ko na tila isa-isang nawawala ang aking mga panangga para sa sarili ko, at ang buhay na nais kong makamit ay tuluyan nang nabubuwag.  Ang buhay ko noon ay hindi ang buhay na aking ninais.
Sa isang punto, natagpuan ko na lang ang sarili kong nagdadalamhati dahil dito at iniiiyak ko sa Diyos, “HIndi nangyari ang aking inaasahan”. Nakinig ang Diyos. Pagkatapos, nagsalita Siya sa aking puso.

Sinagip kita.
Ang kawalan ng basehan ng pahayag na ito ay halos nakakatawa. Wala sa aking pinagdadaanan ang may hawig kahit bahagya man lang sa pagsagip.
Babylyn, sinasagip kita mula sa iyong bersyon ng iyong pangarap... Tutubusin ko ang pangarap mo.
Ang pangakong ito, na tutubusin ng Diyos ang aking pangarap, na bibigyan akong muli ng buong pamilya, ay nagbigay sa akin ng pag-asa na ang panahong ito ng paghihirap ay hindi magtatagal. 
Kilala ko ang Diyos bilang isang manunubos. Una, tinubos Niya ang aking kuwento ng sakit at pagsasamantala at ginamit ito upang maabot ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagiging ganap kong Pharmasyutiko. Ngayon, ilang taon ang nakalipas pagkatapos ng aking paulit ulit na kabiguan at pighati, masasabi ko sa iyo na Kanyang tinubos ang pangarap ko na magkaroon ng buong pamilya. Noong Marso ng 2014, kami ay nagkaayos muli ng aking asawa at binuong muli ang aming pamilya. Kamangha-mangha ang kaparaanan ng Panginoon sa noong tila impossible ng maayos na relasyon pinamalas nya na walang impossible sa kanya lahat ay kaya ng ayusin at ituwid.
Nagustuhan ko ang kuwento ni Jose, dahil ito ay isang halimbawa ng taong puno ng pangarap na nanalig sa Diyos, kahit na tila nawasak na lahat ng mga ito. Siya ay itinakwil ng kanyang pamilya, iniwanan, inalipin, ikinulong, at kinalimutan. Ngunit sa lahat ng ito, kasama ni Jose ang Diyos. Sa huli, ang katotohanan niya sa Diyos ang nagbigay ng kakayahan sa kanya upang lampasan ang mga pagsubok at iligtas ang kanyang pamilya at ang Egipto sa pagkagutom. Ginamit ng Diyos ang bawat parte ng buhay at kuwento ni Jose para sa kabutihan! Tinubos ng Diyos ang kanyang pangarap. 
Napaisip ako, natukso kaya si Jose na isuko ang kanyang pangarap? Sa halip, nanatili siyang may pananampalataya sa lahat ng panahon at mga pangyayari, hinayaan ang Diyos na gamitin siya, at nagpatuloy sa pangangarap. Isang bansa ang nailigtas dahil sa kanyang pananampalataya.
Hindi ko alam kung ano ang dinaranas mo. Hindi ko alam kung ano ang mga pagsubok o pag-atake ang ipinagdusa ng pangarap ng Diyos para sa iyong buhay. Ang alam ko ay ito—ang Diyos ay manunubos. Siya ay matapat. Habang ikaw ay nangangarap, magpatuloy kang manalig, at magtiyaga… 
Tutubusin ng Diyos ang iyong pangarap.

FB_IMG_1626185427478.jpg

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...