ayarei09 Posted January 20, 2019 Share Posted January 20, 2019 Bumuhos ang emosyon ng mga kapamilya nina Leomer at Erika Lagradilla—ang mag-asawang nalunod sa Maldives noong nakaraang linggo—nang makita na nila ang labi ng pumanaw na mahal sa buhay. Sabado nang lumapag sa bansa ang bangkay ng dalawa, na agad diniretso sa kanilang bayan sa Laguna. Parehong overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang mga nars sina Erika at Leomar, na noo'y nasa Maldives para sa kanilang honeymoon nang maganap ang malagip na insidente. Ang Ministry of Tourism of Maldives ang sumagot sa P1.2 milyon na gastos para maibalik sa Pilipinas ang mga labi. Pagdating sa Laguna, binuksan na ang mga kahon na naglalaman ng mga katawan ng mag-asawa, at hindi na napigilang bumuhos ang emosyon ng mga kaanak. Itinakda sa darating na Sabado ang libing nina Leomer at Erika. Samantala, para maiwasang maulit ang nangyari sa mag-asawa, sinabi ni Maldives Tourism Minister Ali Waheed na magtatakda na sila ng safe swimming zones sa bawat isla para matiyak ang kaligtasan ng mga turista. Link: This is the hidden content, please Sign In or Sign Up Courtesy of Kevin Manalo, ABS-CBN News Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now