Jump to content

Bagong kasal na OFW, nasawi nang malunod sa Maldives habang nasa honeymoon


ayarei09
 Share

Recommended Posts

 

Nauwi sa trahediya ang honeymoon at bakasyon sa Maldives ng bagong kasal na overseas Filipino worker nang malunod sila habang nag-i-snorkel sa isang resort sa Dhiffushi island.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, kinilala ang mga nasawi na sina Erika Joyce at Leomer Lagradilla na ikasal nito lang December 18.

Mahigit 10 taon umanong naging magkasintahan ang high school sweethearts. Nagtrabaho sa Singapore ang 29-anyos na si Leomer, habang sa Saudi Arabia naman si Eka, 30-anyos.

Sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't -isa dahil sa kanilang trabaho, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Nitong Enero 9, lumipad pa-Maldives ang dalawa para sa kanilang dream honeymoon. Pero, ang masaya sanang selebrasyon at bakasyon , nauwi sa trahedya nang malunod sila sa kanilang ikalawang araw nila doon habang nag-i- snorkel.

Kuwento ng ilang nakasaksi, unang nalunod si Leomer na sinubukan pang sagipin ng kaniyang misis.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasaklolohan naman ng mga rescuer ang mag-asawa pero sa kasamaang palad ay idineklara silang dead on arrival sa ospital.

Walang binanggit ang ahensya sa posibleng dahilan ng pagkalunod ng mga biktima pero iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad sa Maldives.

Humihingi naman ng tulong ang pamilya ng mga biktima dahil aabot daw sa P1.2 milyon ang gastos para maiuwi sa bansa ang kanilang mga labi.

Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa naulilang pamilya para maiuwi na sa bansa ang labi ng mag-asawa.

Inaasikaso na raw ito ng embahada ng Pilipinas sa Dhaka na nakasasakop sa Maldives.

Link:

This is the hidden content, please

Courtesy of FRJ, GMA News

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue.