January 12, 20197 yr Isang transgender woman ang sumuko sa mga awtoridad sa Boracay matapos siyang ituro na sumaksak umano sa ka-date na turista. Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, inamin umano ng suspek ang kasalanan at nasaksak ang biktima matapos silang magtalo. Kuwento ng transgender woman, inimbitahan umano siya ng turista na mag-date at nagkasama sa isang kuwarto at doon na nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak. Nagtamo umano ng sugat sa katawan ang biktima at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Link: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/681121/transgender-woman-sinaksak-ang-ka-date-na-turista-matapos-magtalo/story/ Courtesy of FRJ, GMA News
Create an account or sign in to comment