Jump to content

Batang may problema sa paningin, dinukot sa Cubao


ayarei09
 Share

Recommended Posts

 

Nananawagan ngayon ang isang ina matapos dukutin ng isang babae ang anak niyang may problema sa paningin sa Cubao, Quezon City, ayon sa ulat ni  James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.

Emosyunal na nananawagan ang inang si Herminia Tendaoco ng tulong para makita ang kanyang anak na si Ayheza,  limang-taong gulang.

"Anak, I love you, anak. Anak, mahal kita. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin... Anak, nandito ako para sa iyo handang hanapin kita kung saan ka man naroroon," aniya.

Nakuha ng CCTV ang pagsama ng bata sa isang babae sa nasabing lugar. Kinuha raw ng babae si Ayheza habang abala ang ina sa pagtulong sa canteen ng hipag.

'Wag mo sanang pabayaan ang anak ko. Maawa ka sa kaniya. Siguro isa ka ring ina na katulad ko na nandirito na nagmamakaawa sa iyo. Hinihiling ko sa iyo na ibalik mo ang aking anak. Wala na po siyang tatay," panawagan ni Herminia sa suspek.

Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na sa mga matataong lugar.

"Alam mo naman ang mga bata ngayon. 'Pag niyaya mo 'yan na bumili ng lollipop o candy, siyempre gustong-gusto ng mga bata 'yan kaya madali nilang mahikayat. Dapat ang mga magulang ay nakatutok sa kanilang mga anak," sabi ni Marciano Buena-Agua, barangay chairman.

Hinikayat ang sino mang may impormasyong makatutulong sa paghanap kay Ayheza na makipag-ugnayan sa Quezon City Police District. 

 

Link:

This is the hidden content, please

Courtesy of Jamil Santos/KBK, GMA News

  • Love 1
Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue.