January 3, 20197 yr Pinaghahanap ng pulisya ang suspek sa panghoholdap sa isang remittance center sa Antipolo City nitong hapon ng Huwebes. Bandang ala-1 ng hapon pinasok ng suspek ang LBC branch sa Sumulong Highway, Barangay Mayamot at nagdeklara ng holdap, ayon sa ulat ng pulisya. Nanlaban umano ang lalaking empleyado kaya dalawang beses itong sinaksak ng suspek, sabi ng pulisya. Aabot sa higit P100,000 cash ang natangay ng suspek sa remittance center. Patuloy ang manhunt operation laban sa suspek habang nagpapagaling naman sa ospital ang nasaksak na empleyado. Link: https://news.abs-cbn.com/news/01/03/19/lalaki-nasaksak-p100-k-natangay-sa-pagholdap-sa-remittance-center Courtesy of ABS-CBN News
Create an account or sign in to comment