ayarei09 Posted January 18, 2019 Share Posted January 18, 2019 Naiuwi na sa bansa nitong Biyernes ng umaga ang isang OFW na nagtago umano sa Abu Dhabi, United Arab Emirates matapos na may mapatay umano sa Pilipinas. Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Jessie Cadiang na may warrant of arresr mula sa korte sa Capas, Tarlac para sa kasong pagpatay. Ayon kay Attorney Manuel Dimaano, hepe ng NBI-International Airport Investigation Division, nagpuntang Abu Dhabi si Cadiang noong Setyembre. Nitong Nobyembre, naaresto siya ng Interpol hanggang sa maaprubahan ang kaniyang deportation papers. Dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport si Cadiang at dadalhin siya sa Capas, Tarlac kung saan siya sinampahan ng kaso ng pamilya ng biktima na kaniyang napaslang. Link: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/pinoyabroad/681951/ofw-na-may-kasong-pagpatay-sa-pilipinas-at-nagtago-sa-uae-balik-bansa-matapos-madakip/story/ Courtesy of FRJ, GMA News Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now