Jump to content

PARA SA MAY MGA HIGHBLOOD BASAHIN PO ITO.


Jmrie_
 Share

Recommended Posts

Tanong: Binigyan ako ng doktor ng maintenance medicine para sa high blood pressure. Pero itinigil ko na ang pag-inom nito dahil sabi ng iba ay nakasisira ito sa kidneys.

Sagot: Huwag po itigil ang gamot. Ang mga gamot sa high blood tulad ng amlodipine, losartan, metoprolol, at iba pa, ay safe para sa iyong kidneys (bato). Sigurado po ako.

Sa katunayan, kapag uminom ng ganitong gamot ay mas ma-pro-protektahan mo ang iyong kidneys dahil magiging normal ang iyong blood pressure. Kapag normal ang iyong presyon, hindi mahihirapan ang kidneys.

Kung gusto niyong malaman kung anong gamot ang puwedeng makasira sa kidneys. Ito ay ang matagalang pag-inom ng pain relievers tulad ng mefenamic acid at ibuprofen.

Tandaan natin na ang pangunahing sanhi ng kidney failure at dialysis sa ating bansa ay ang high blood pressure at diabetes.
Kapag inihinto mo ang iyong maintenance na gamot ay posibleng tataas muli ang iyong blood pressure. At kapag laging lampas sa 140 over 90 ang iyong blood pressure, masisira na ang iyong kidneys, puso at utak sa loob ng ilang taon.

Kaibigan, huwag na huwag titigilan ang iyong maintenance na gamot. Ang mga gamot na ito ang nag-aalaga sa iyong puso at utak para ikaw ay hindi ma-istrok at atakihin sa puso. Mura na rin ang mga gamot ngayon sa mga generics na botika.

Sana ay mapakuha niyo lagi ang iyong blood pressure. At kung mataas ito sa 140 over 90 ay magpatingin na sa doktor para mabigyan ng tamang gamot. Sa tamang dosis at pag-inom, wala kayong dapat ikabahala sa mga maintenance na gamot.

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue.