Jump to content

Nagbago ang Lahat (Part 7)


Yonathan

Recommended Posts

Nung umaga ay maaga akong nagising. Masarap at mahimbing naman ang tulog ko kahit papaano. Si Nick ay tulog na tulog parin. Bumaba ako para umihi at kumuha ng maiinom. Pagbaba ko ay nakita ko ang mama at lola ni Nick sa baba. Binati ko lang sila at pumasok ako sa CR para umihi. Paglabas ko ay nanghingi ako ng tubig sa lola ni Nick. “Gising na ba si Nick?” pagtatanong niya sakin. “Hindi pa po. Bakit po?”. “Ehh maghahain na ako ng almusal para sabay sabay na tayong kumain.”. “Sige po gigisingin ko na lang po siya.”. “Wag mo ng gisingin si Nick. Hayaan mo na lang matulog.” Ang sabi ng mama ni Nick sakin. Tumulong ako sa paghahain at tatlo kameng kumain ng almusal. Habang kumakain ay nagkkwentuhan parin kame ng lola at nanay ni Nick. Marami rin kaming napagusapan at mas lalo ko pang nakilala si Nick dahil kinuwento nila saakin ang mga ginagawa ni Nick simula ng bata pa siya pati ang mga kalokohan niya nung Highschool siya. Mas lalo ko ding nakilala ang mama at lola ni Nick. Pagkatapos naming kumain ay tumulong din ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin ng biglang bumaba si Nick. Binati ko siya ng Good Morning pero dirediretcho lang siya sa CR. Paglabas ay saka niya ako binati. “Ayos naman ba tulog mo?” tanong sakin ni Nick. “Oo, mahimbing naman.”. Nginitian lang niya ako. Lumabas ako ng bahay para makita kung anong itsura ng subdivision nila. Marameng tao sa labas. Kagaya lang din naman pala ng saamin. Merong mga nagbabasketball sa tapat tapos may mga tsimosang nagkukumpulan din sa isang tabi. Hindi ko namalayan ay nasa likod ko na pala si Nick. “Gusto mo lakad lakad tayo dyan sa labas?”. “Hindi na Nick. Next time na lang. kailangan ko ng umuwi kasi magsisimba pa kameng pamilya ehh.” “Promise yan ha. Pupunta ka ulit dito?”. “Oo naman. Wala namang problema don.”. Ngumiti lang siya sakin. Hindi ko alam pero tuwang tuwa siya nung sinabi ko na pupunta ulit ako sa kanila. Inayos ko na mga gamit ko para makauwi. Pagbaba ko ay nagpasalamat na ako kila tita at nanay at nagpaalam na ako sa kanila. “Ma, Ihahatid ko lang si Eric sa sakayan.”. Pumayag naman ang nanay niya at umalis na rin kame. Pagdating namin sa sakayan ay nagpaalam na ako kay Nick. “Nick salamat ha.”. “Sus! Wala yun. Basta yung promise mo ha? Punta ka ulit dito.”. “Wala namang problema dun. Sige Nick, kita na lang sa school bukas.”. “Sige, ingat ka.”. at sumakay na ako ng bus.

    Naglalakad na ako pauwe samin ng biglang magring yung cellphone ko. Pagtingin ko number lang siya. Sinagot ko siya at naghello ako. Pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino yun pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
Pagdating ko sa bahay ay nakahanda naring umalis sila nanay, tatay at marco para magsimba. Nakaugalian na talaga namin na sabay sabay magsimba tuwing linggo. Sinisigurado lagi ng nanay ko na nagsisimba kame tuwing araw ng linggo. Pagkatapos namin magsimba ay namasyal muna kame saglit sa mall at kumain. Paguwe namin ay nagpahinga lang kame saglit at sila nanay at tatay pati narin si Marco ay nagsabing matutulog na sila. Naiwan ako sa sala at ako ang magsasara ng bahay bago ako umakyat sa aking kwarto. Naupo muna ako saglit at tinignan ko yung bag ko kung may naiwan ako kila Nick. Patay! Naiwan ko pala yung pinrint naming project. Ittext ko na sana si Nick na pakidala na lang bukas pagpasok nya yung project namin ng mapansin ko ulit yung papel na binigay sakin ni James. This time, binuksan ko na siya sa pagkakatupi at binasa ko para matapos na. ang nakalagay sa papel:

    “I’m sorry, I didn’t saw you there. I hope I can make it up to you. I hope we can be friends. Here is my number. Text me if you need something. 09*********** -James”.

    Naguluhan ako sa nabasa ko. Ano yun? Bumalik lang sakin lahat ng nangyari nung araw na yun. Yung masakit kong ulo, kahihiyan na inabot ko. Ganoon na lang talaga ata sakanya yun. Sorry sorry na lang. Tinignan ko yung number na nakasulat. Parang pamilyar sakin. Dali dali kong kinuha yung cellphone ko at tinignan ko yung call logs. Parehas ng number na tumawag sakin kanina pero wala namang nasagot. Si James pala yung tumawag sakin. Teka lang? pano niya nakuha number ko? Saan naman niya nakuha number ko? Impossibleng kay Nick kasi hindi naman sila magkakilala. Lalo lang akong naguluhan sa nangyayari kaya sinara ko na lang yung bahay, naglinis ng katawan at natulog na ako.

    Kinabukasan ay pumasok na ako sa klase namin. Nandun na si Nick na binati naman ako. Naisubmit namin yung project namin on time at mataas naman yung grade na binigay samin ng professor namin. As usual magkasama kame ni Nick maghapon sa mga klase namin. Kwentuhan dito tawanan doon. Mas magaan na ang pakikitungo namin sa isa’t isa simula ng pumunta siya saamin at ako sa kanila. Nung uuwe na kame ay tinanong ko si siya, “Nick may kakilala ka ba o nakakasamang ibang kaklase natin dito sa school o sa course natin?”. “Wala, ikaw lang lagi kong kasama dito ehh. Bakit?”. “Wala naman.”. Nagpatuloy na kame sa paglalakad. Paguwe ko ay nakasalubong ko si Jerome kasama si Cathy, yung girlfriend niya. “Huy pre! San kayo pupunta?”. “Punta lang ako kila Cathy.”. Ngumiti lang ako sa kanya ng masama sabay sabing “Sige pare, ingat kayo! Enjoy!” Tapos tumawa lang akong malakas. “Loko to ahh! Pupunta lang ako sa kanila. Kung ano ano iniisip mo ehh!”. Nagpaalam na ako sa kanila at umuwi.

    Bago pa man ulit ako pumasok ng araw na sumunod ay hindi ko nanaman maintidhan pakiramdam ko. Naguguluhan ako na kinakabahan na ninenerbyos. Parang first day ko nanaman sa school. Ngayong araw na to ay magkikita nanaman kasi kame ni James. Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin, hindi ko din alam kung panong approach ang gagawin ko sa kanya. Ni ready ko na lang ang sarili sa kung anong pwedeng mangyari. Pagpasok ko sa klase namin ay wala si Nick. Tinext ko siya hindi naman nagrereply. So technically ay magisa nanaman ako. Buong umaga, ako lang magisa. Mas lalo ko lang naramdaman na parang first ay ko ulit sa school. Pagdating ng hapon, oras na ng klase ko sa Chem. Habang papunta ako ng classroom ay kinakabahan ako. Binabagalan ko talaga lakad ko kasi alam ko magkikita nanaman kame ni James. Malapit na ako sa classroom ng biglang may tumawag sakin sa likod. Paglingon ko, si James yung tumawag sakin. Nakatingin lang ako sakanya at siya din saakin. Gusto ko siyang kausapin at lapitan pero ramdam ko ang nerbyos. Pinagpapawisan ako kaya ang ginawa ko ay pumasok agad ako sa room at naupo sa likuran. Kinuha ko yung headset ko at libro na binabasa ko kapag wala akong ginagawa. Maya maya ay nakita ko si James na palapit sakin. Naupo siya sa tabi ko. Inaantay ko lang na kausapin nya ako. Ni reready ko lang sarili ko para hindi na ako magmukhang kahiya hiya sa kanya. Nagsimula ang klase hanggang sa matapos ito hindi naman din niya ako kinausap. Inayos ko na ulit ang gamit ko at dali dali ulit akong umalis ng room at naglakad. Habang naglalakad, nasa utak ko, araw araw na lang bang ganito? Tuwing klase ko sa chem, problema ko kung pano ko siya kakausapin. Ng malapit na ako sa gate ay biglang ay humila sa braso ko. Alam ko na siya yun. “Excuse me, Eric pwede ba tayong magusap.”. “Ooo.. Okay”. “Kung okay lang dun na lang sa carinderia sa labas ng school kung san ka kumakain. Sumunod lang ako sa kanya. Habang naglalakad kame ay ang lakas ng kabog ng puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at kinakabahan ako sa pwede niyang sabihin. Bago pa man kame makarating sa carinderia ay sinabhan ko siya. “Kung may plano kang bugbugin ako o sapakin ako, gawin mo na! gusto ko ng umuwi.”. Ngumiti lang siya saakin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Pagdating namin doon ay kameng dalawa lang ang estudyanteng nandoon pati yung may ari ng carinderia. Naupo kame dun sa may mataas na upuan. Umorder siya ng dalawang softdrinks. “Eric I know we had a bad start. Im sorry talaga nung nabangga kita nung pinto. I really didn’t mean that to happen and I don’t have any intention to hurt you. In fact I just want to be your friend.”. habang sinasabi niya sakin yun, natulala lang ako sa kanya. Hindi ko naimagine na ganun lang pala yung intention nya. “Kung gusto mo ako maging kaibigan, sana sinabi mo kaagad. Magkatabi tayo lagi sa klase natin. Halos 3 oras yun tapos hindi ka nagsasalita.”. “Pasensya ka na, wala lang talaga akong lakas ng loob makipagusap.”. “Teka lang, pano mo pala nakuha number ko?”. “Naalala mo nung nauntog sa pinto?”. “Sa tingin mo makakalimutan ko yun?”. “Sorry talaga. Hindi ko sinasadya yun. Anyway, after mong umalis nun, kinausap ko yung professor natin at hiniram ko yung class card mo sa klase nating yun. Nakalagay kasi dun yung contact number mo kaya kinuha ko. Nung hinabol kita para ibigay yung papel sayo, that was my back up plan. Kung hindi man kita maabutan tatawagan na lang sana kita.”. “Tatawagan? Ehh bakit kahapon nung tumawag ka sakin hindi ka man lang nagsalita o nagpakilala?”. “Nung sinagot mo kasi yung tawag ko nagtanong ka kung sino to? So alam ko na hindi mo pa nababasa yung nakasulat dun sa papel na binigay ko sayo kasi nandun yung number ko ehh. Kaya after nun nahiya lang ulit akong kausapin ka kaya hindi na ako nakapagsalita”. “aah ganun ba.”. Sa puntong yun unti unti nang nababawasan yung kaba ko kasi kahit papano mahinahon naman siya magsalita at mukhang sincere naman ang pagssorry niya sakin. “Eric since masama yung unang pagkikita at pagkilala natin, gusto ko sanang magpakilala ulit sayo. Ako nga pala si James, CS yung course ko and sana maging magkaibigan tayo.” Pagkasabi niya noon ay inabot niya yung kamay niya. Tinignan ko lang siya nung nagpakilala sakin. Hindi ko inaabot yung kamay niya kaya binaba na niya ito at yumuko siya. “Hi james, Ako naman si Eric, IT naman ang course ko. Wag ka ng makipagkamay. Napakapormal mo naman. Nice to meet you.” Nginitian ko lang siya at ngumiti naman din siya sakin. Nagusap muna kame saglit upang I clear lahat ng tanong ko sakanya. Maya maya pa ay nagsabi na ako sa kanya na kailangan ko ng umuwi. “Sige James, uuwi na ako. Salamat ulit sa softdrinks.”. “Sige Eric ako din. Salamat din at kinausap mo ako.” “Nako wala yun. At least okay na tayo. Hindi na ako ma-awkwardan pag magkatabi tayo sa klase. Hahaha”. “haha, sige salamat din and sorry ulit.” “Sorry naman ng sorry to, okay na yun. Sige, kita na lang ulit tayo sa klase. Bye!”. “Sige! Bye!” at umuwi na ako.

    Pagdating ko sa bahay ay tinext ko ulit si Nick kung bakit hindi siya pumasok sa klase namin ngayon pero hindi parin siya nasagot. Magpapahinga na sana ako ng biglang umilaw yung cellphone ko. May nagtext at dali dali ko itong binuksan. Si James pala yung nagtext. “hi Eric, Nice meeting you again. Thank you ulit.”. Nireplyan ko siya ng “Same to you. Thank you din”. Nagusap pa kame ni james through text, nagkwentuhan kung anong mga hobbies namin. Napagalaman ko ng mahilig din pala siyang mag swimming. Napagusapan din namin na sana daw ay magkaroon kame ng bonding time na magswimming. Sumangayon naman ako kasi alam ko naman na hindi mangyayari yun. Nilapag ko na yung  cellphone ko at matutulog na sana ako ng biglang nagring yung phone ko. “Bakit tumatawag tong si james?”. Pagdampot ko ng cellphone ko para sagutin yung tawag nabasa ko na hindi pala si james yung tumatawag. Si Nick pala. Dali dali kong sinagot yung tawag. “Nick, bakit absent ka kanina?”. “Pasensya ka na Eric kung hindi ako nakapagtext sayo kanina, bigla kasi kameng umuwi dito sa pampangga kasi nagkaproblema yung lupa namin dito kaya sinamahan ko si mama umuwi.”. “Ganun ba? Okay lang. Hanggang kelan kayo dyan?”. “Hanggang bukas, sa Friday na ako papasok ulit.”. “Sige, ingat kayo diyan ni tita ha. Pakisabi na lang kay tita, salamat ulit.”. “Sige pasensya na ha.”. “Okay lang, sige goodnight.”. “Goodnight.”. after ng tawag na yun ay nagpahinga na ako at natulog.

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...