Yonathan Posted August 9 Share Posted August 9 Hi to all KM readers!! Just call me JM. I’ll tell you about myself. I’m a college student taking up BS Info Tech in a known University in Cebu. Im not tall, 5’4’’ lang ako. Mejo chubby, yung tipong masarap I hug hahaha. 21 years old. Sabi ng iba, Chinito daw ako. Ewan ko lang kung totoo hahaha. Chinito ba kapag tumawa nawawala yung mata? Hahaha. Sabihin narin nating, may pumapansin naman sa akin at lumilingon kahit chubby ako. May mga nagsasabi rin na may looks naman daw ako, kunting gym lang daw. Ewan ko kung totoo hahaha. Hindi ko kasi yun nakikita. Isama mo pa na may mga pimple scars sa mukha(dami ng pimples at acne ko nuong high school) kaya hindi ko talaga makita ang sinasabi nilang looks. Simple, serious and silent guy ako. Pero pagnakilala ng mabuti, maingay at jolly talaga ako LOL. Anyways, ito na yung kwento ko. Sana magustuhan nyo, wala pala tong erotic scenes at purely love story lang talaga. Pasensya na sa grammatical errors. Di ako magaling sa tagalog eh. (Most of the names used on this talambuhay are just aliases for the protection of all people involved. THIS IS A CERTIFIED TRUE STORY. ) May 2012… Admin ng Dorm: JM, maypapasukin kaming PNG (Papua New Guinean) sa room nyo sa darating na June. AKO: sige po ate, sasabihan ko yung mga roommates ko. Tatlo lang pala kami sa room. Isa yung bakante. Yung roommates ko pawang working people na, si Judel at si Chris. AKO: kuya may bago tayong roommate this June. PNG daw. Chris: Hala! May plano pa namang akong ipasok yung cousin ko dito. At isa pa, mabaho daw yung mga PNG(which is totoo naman nung dumating kasi sila sa dorm, ay nakow!!! Hind ko ma explain yung baho. Para akong nasusuka nuon. Pero infairness, nahalata siguro nila, abay biglang bumango. =D). AKO: 0_o, talaga? Aba’y ipareserve na natin yung slot sa room. Chris: o’nga no? di bali. Ipapareserve ko nalang ‘to mamaya. Sasabihan ko narin yung cousin ko na mag move na dito ASAP. Makalipas ang isang buwan. June 2012… Nasa harap ako ng computer ko na malapit sa bed ko ng bumukas yung pinto. Na shock ako! Hindi dahil may ginagawa akong masama hahaha, pero dahil sa cousin ni kuya Chris. Chris: JM, si Louie nga pala. Cousin ko. AKO:*Natulala ng 2 seconds haha, at binilang pa talaga.* - JM pala. *sabay abot sa kamay ko at ngumiti* Louie: Louie nga pala bro. *ngumiti rin* At nagkamayan kami. Parang may kuryente na dumaan sa katawan ko ng mahawakan ko yung malambot na kamay nya. Para bang nag stop yung time. Ahaha. Di ko ma explain. Duon ko nakilala si Louie, ang hindi ko inaasahang mamahalin ko ng wagas. Tubong Zambo si Louie. Kasing taas ko, maputi, makinis yung mukha, at nako, gwapo. Di ko inaasahang ganun siya ka gwapo. May pagka ‘Jake Cuenca’ siya lalo na kung naka ngiti. Average yung katawan, dancer kasi. Hint lang, kasama siya sa isang dance crew na sumali sa showtime nuon na umabot ng finals. 23 years old siya. Pero hindi ko siya agad naging close. Ako kasi yung taong inuobserbahan yung taong gusting makipagkaibigan sa akin. Nasa evaluation stage kung baga hahaha. Meticulous lang ang peg? Ayaw ko kasi sa taong smoker at drinker (hindi kasi ako umiinom nuon haha). Kaya umabot pa ng 1 month bago kami naging close. Nagsimula ang pagiging close namin nung may common akong nakita sa aming dalawa. Pareho kaming adik sa online games. Hahahah. July 2012… AKO: naglalaro ka pala dito? (tinutukoy ko yung internet cafe) Louie: *lumingon* ay jay, kaw pala. Oo, naglalaro ako dito. Wala kasing magawa sa dorm. *ngumiti* AKO: *Tango lang*. Pansin ko lang, 4 am ka lumalabas ng room? Louie: oo, 6am kasi yung pasok ko sa work. Mahirap na kung ma late. Haha bawas sweldo yun. *natatawa habang sinasabi yun* AKO: *natawa* haha sipag ha. Louie: *natawa* Simula nun, ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Magkasama kaming naglalaro sa internet café. pagfree time nya at free time ko rin, sabay kaming lumalabas sa dorm para magpunta sa intenet café. Palagi siyang naka akbay sakin habang naglalakad kami. Masayang nag uusap ng kung ano ano. Nang minsay matanong nya sakin. Louie: JM, lalaki parin ba yung naglalagay ng baby powder sa mukha? *lumingon sakin sabay ngiti* AKO: oo naman, merong ibang lalaki na naglalagay ng baby powder sa mukha para mukhang fresh. *ngiti sa kanya* Louie: eh yung favorite ang color violet?*ngiti ulit* AKO: oo naman, wala naman sa favorite color yun eh.*natatawa* Oo nga pala, after nya maligo, naglalagay siya ng kaunting baby powder sa mukha at ang favorite nyang color ay violet. Ewan ko bakit violet favorite nya. Di ko narin na itanong hahaha. August 2012… Nang mga panahong ito, na terminate siya sa kanyang trabaho dahil natapos na yung contract nya. so standby siya. Dahil duon, nakaugalian ko na siyang gisingin sa pamamagitan ng pagpindot sa bukol nya...................................................sa kamay. Hahahahaha kayo ha ang bad nyo hahaha. Ginugulat naman nya ako pag ginagawa ko yun. Tapos tawa kami ng tawa. Hahaha (shweit noh? hihi) nakaugalian ko na rin na hawakan ang ulo nya................................................................kapag naka subrero siya. (Kayo talaga ang lalandi nyo hahahah!) mahilig kasi yung mag sumbrero na parang isang swag. Isang buwan ang lumipas na ganun ang closeness namin nang mapansin ko na unti unti siyang naging busy. Kaya tinanong ko siya ng makita ko siya sa basketball court ng dorm. Takip-silim na nun. AKO: mukhang naging busy kana lately ah. *sabay ngiti sa kanya* Louie: oo nga eh, busy sa bagong GF ko. *sabay ngiti* Parang may malamig na hangin na humagod sa kaloob looban ko ng marinig ko iyon. Kasi napamahal na ako sa kanya. Ang bait kasi, makulit pa. laging naka smile sakin. Kaya yun, na inlove tuloy ako. gusto ko kasi yung taong matamis ang ngiti. Louie: nakilala ko siya sa isang dating website. Pumayag namang makipagkita, kaya yun. Sumakay narin sa trip ng mga barkada nya. Nagkamabutihan. Niligawan ko. sinagot naman ako.*ngiti ulit sakin* AKO:*Tumango* matagal na kayo? *ngiting pilit* Louie: hindi pa naman. Mag 2 months palang. AKO: *tumango ulit* Louie: bored kasi ako nun. Tagal mo kasing nakipagclose sakin. *sabay tawa na mahina* AKO: *tumawa narin ng mahina* oo nga eh, mapili kasi ako. Inoobserbahan ko kasi yung mga taong nakilala ko. Mahirap na, baka Bad Influence yung makilala ko. Louie: wag ka mag-alala, di naman ako Bad Influence. Hahaha*tawa na malakas* At natawa nalang ako sa sinabi nya. Sa isip ko, nanghihinayang ako. Bakit kasi ganito ako kapag may bagong nakilala. It takes time for me to trust someone. Kung nakipagclose lang ako ng maaga., edi sana di na siya naghanap ng atensyon ng iba. Ganun talaga, nasa huli ang pagsisisi. Isang araw galing ako naligo sa common bathroom ng floor CR. Nakatapis ang towel sa katawan ko. Pagpasok ko sa room, nakita ko si Louie na naka ngiti sa akin. Ngumiti lang ako at akmang magbibihis na. tumalikod ako sa kanya at isinuot ang pants ng mapansin ko na pumwesto siya sa aking likuran at nakatutok lang siya sa akin na may pilyong ngiti. Nagpapahid ako ng towel sa mukha ko ng time na yun. Lumingon ako ng kaunti upang Makita ko yung ginagawa nya kaya nalaman ko na nakatitig siya sa akin. Sa isiip ko, “wadapak! Anong gagawin mo Louie.” Hindi ako mapakali. Naisip ko kasi na baka ilalapit niya yung titi nya sa pwet ko at ikikiskis nya. Hay naku, ang sarap kaya nun. May matigas na titi na kumikiskis sa pwet. Iniimagine ko, habang nagpahid ako ng towel sa mukha, ang susunod na mangyayari. Imagination... “lumapit si Louie sa akin at ikiniskis yung titi nya na tigas na tigas na at gustong kumawala sa masikip nyang pants. Tapos i hahug nya ako habang nakatalikod sa kanya at hahalikan ng kanyang malambot na mga labi ang aking batok sabay diin ng kanyang tigas na tigas na titi sa aking pwet. Hinubad niya yung suot nyang shirt at pants at yumakap ulit sa akin habang kinikiskis yung titi nya. At......................” Pinutol ko na ang imahenasyon ko. Dahil sa panic ko ay, dali dali akong umupo sa bed ko. Nakatayo parin siya na nakatutok sa akin at naka ngiti. Hindi ko sya magawang tingnan sa kanyang mga matang nangaakit. Sa isip ko, “JM magpigil ka, baka sinusubkan ka lang ng nilalang na ito. Baka masira pa yung maganda nyong pagkakaibigan kung bibigay ka.” Kaya pilit kung wag lagyan ng malisya ang aming closeness. Takot akong masira ang aming pagkakaibigan. Simula ng araw na yun, palagi ko na siyang napapansin na pasimpleng dumidiskarte sa akin (walang ibang ma describe hahah). Kapag naglalaro kami ay pa simple nyang ididikit yung kamay nya sa kamay ko. Dikit lang ha?! Hindi pisil. LOL. Or kung maglalakad kami, ibinabanga nya yung kamay nya sa kamay ko. Note, may distansya na 6 inches (at sinukat pa talaga hahaha!) more or less, Para bang gusto nyang hawakan. Or minsan aakbay siya sa akin na para bang hihilahin nya ako palapit sa kanya. Yung akbay na yung biceps nya ay nasa batok ko at yung fore arm nya nasa dibdib ko. Tinitingnan ko siya kapag ginagawa nya yun, wala namang reaction kaya di ko nalang linagyan ng malisya, though iniisip ko talaga na baka gusto nya na gumawa ako ng move. One time, tulog na sana ako ng pa simple nya akong ginising sa kalagitnaan ng gabi. Louie: JM.............JM.............JM.............. Napansin ko ang pagyugyog nya sa akin pero hindi muna ako gumalaw, nagtutulugtulugan kumbaga. Napansin ko nalang na naririnig ko na yung hininga niya na para bang bumubulong siya sa akin. Naka upo pala siya sa tabi ko habang yung chest nya ay nasa shoulder ko. Na isip ko tuloy, “wag na wag mo akong hahalikan, kung hindi tuyot ka na pagsapit ng umaga.”(hahahaha! Alam nyo na yun). Tapos kinabahan ulit ako, dahil sa kaba ko ay nag mulat na ako ng mata at nasilayan ko ang kanyang matamis na ngiti. “sarap mong halikan!” sabi ng isip ko. Pero pinigil ko ang aking sarili at baka sapian ako ng kaluluwa ng libog (hahahahaha!). Louie: JM, sorry talaga ah, pwedeng maki text? Hay nako! Akala ko kung ano na. makikitext lang pala itong gwapong hayop na to hahaha! AKO: sige okay lang. *sabay bigay ng phone ko sa kanya* Nakaupo siya sa tabi ko habang busy na nakikitext sakin (-_-). Pinagmamasdan ko siya. “gwapo talaga nitong mokong na’to. Artistahin ang dating. Parang ‘Jake Cuenca’ na pinaliit. Sus kung matangkad lang ‘to, pwede to maging model.” Sigaw ng isip ko. Napansin ko na parang napasarap siya ng text sa GF niya.... AKO: Louie, malapit kong makalimutan, hindi pala naka unli yan, Regular load lang pala yan. Louie: ayy! Sorry. Tama lang rin naman ang timing at last text ko na rin ‘to. *mukhang nag alala. Takot baka pabayaran ko yung load hahaha!* AKO: hindi, okay lang kahit maubos load yan, sinabihan lang kita para hindi ka manghinayang na hindi na send yung text. *ngumiti* (hindi ako nagseselos hahaha!) Tapos ng tagpong iyon ay natulog na kami. Dumaan pa ang ilang linggo na ganun ang mga pangyayari, without the “makitext”. One time lang siya naki text sa’kin. September 2012... Dumating ang panahon na kinakatakot kong mangyari, ang umalis siya sa dorm. Na terminate kasi siya sa kanyang work kaya nag apply siya bilang isang barista sa isang sikat bar dito sa cebu. Natangap naman siya, pero kapalit ng bago nyang trabaho ay ang paglipat nya sa mas malapit na tirahan sa kanyang trabaho. Lubos kong dinamdam ang pag alis nyang iyon. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na may pag ibig akong nararamdaman para sa kanya. Para akong na depress. Walang ganang kumain. Ang masaklap pa eh wala akong cellphone number nya. Facebook lang yung commu namin (kahit papaano ay may magandang naidudulot itong facebook haha!). kinakamusta ko siya via chat sa facebook. Nag rereply naman siya with matching emoticons pa. pa log out na ako nun ng sinabi nya sa akin na,” Take care always, tulog kana, wag ka magpuyat ah.” Nako naman!! Nakakakilig!! Hahaha!! Para akong nasa langit ng time na yun. Reply ko naman, “kaw din, ingat ka lagi.” With matching smiley. Pang gabi siya nakaduty kasi nga bar. LOL, nakikiWi-Fi lang pala siya dun sa pakikipagchat nya sakin. Ginagawa namin yun halos gabi-gabi. Nag kukwentuhan lang kami ng kung ano-ano, eh sa masarap siya kausap eh. Hehe. Isang araw bumisita siya sa dorm upang kunin yung iba nyang gamit. AKO: Louie, pupunta ako ngayon sa SM. Magkacanvass ng prices ng cellphone. Bibilhan daw ako this end of october. Tingnan mo naman tong cp(cellphone) ko. Naghihingalo na. *sabay tawa* Louie: sige sama ako. Magkacanvass narin ako ng bagong smartphone. (social ang peg! Palibhasa may separation fee). AKO: magkano ba budget mo? Louie: 20k. AKO: wow laki ah. Louie: smartphone at tablet kasi gusto ko bilhin. AKO: ah. Tara? Louie: tara. *ngiti* Sa paglabas namin sa dormitory, hindi namin inaasahan na may kaguluhan pala. Kaya naki usyoso muna kami. (curious eh hahaha) yun pala, may Papua New Guinean na lasing na nagwawala. Sinapak ang taxi driver ng bato. Dahil sa laki at lakas ng PNG ay tumawag na ng SWAT ang romespondeng pulis. Di ko namalayan na may kumukuha na pala ng video na isang media. Nabigla ako kasi hinihila ako ni Louie sabay sabi na humarap daw ako sa direksyon na itinuturo nya. Akala ko kung ano, iyon pala, kami yung background ng report ng media. Eh mahiyain ako, kaya tumalikod ako at humahalinghing at namumula ang mukha hahaha. Akala ko local news lang yun ipapalabas, national news pala 0_o. may screen shot ako ng tagpong iyon. =D pagkatapos ng gulong iyon ay nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay patungong SM City Cebu. Nag 2 rides kami. Unang ride papuntang Ayala Center Cebu, pumunta kami sa terminal upang sumakay ng jeep na maghahatid sa amin sa SM ng may makita akong taga amin. Kakilala ko na babae, anak ng aming adviser nuong 4th year high school... Francis: oi jay! AKO: oi fran fran (palayaw nya) Francis: saan punta mo? AKO: sa SM, maghahanap ng ipapalit sa cellphone ko. Francis: ah. AKO: si Louie pala, roommate ko. Francis:*tumango pero ngumiti na may halong pagdududa* AKO: ma una na kami fran. Francis: sige *naka ngiti parin na may pagdududa* Parang na ilang ako sa tagpong iyon. Pati narin si Louie. Kung nung pumasok kami sa terminal ay naka akbay siya sakin, nang sumakay kami ng jeep at bumaba sa SM ay hindi na siya umakbay. Nahiya yata. LOL! Pero kalaunan nung naglalakad na kami sa loob ng SM, ay umakbay na siya muli sa akin. Pasok kami sa mga botiques at shops na may cellphone. Ang saya namin habang nagkacanvass. Parang tumigil yung oras habang kami ay masayang namamasyal sa loob ng mall. Feel namin isang buong araw kaming nanduon. Hapon na nung lumabas kami, siguro mga 3PM, nagsimula kaming gumala mga 11AM. After ng pagcanvass namin ay umuwi na kami at kumain nag pananghalian. Masaya parin kaming nagkukwentuhan habang kumakain. October 2012... Nagkita kami ulit, pero hindi ko inaakala na yun na pala ang huling buwan na kami ay magkikita. Pumunta siya ulit sa dorm upang kunin yung natitira nyang mga gamit. Bago siya umalis eh nag bonding pa kami. Naglaro sa internet cafe ng ilang oras tapos kumain ng pananghalian. Duon nya sinabi sa akin na... Louie: JM, uuwi na pala ako sa amin sa zambo. *ngiti na halatang pilit* AKO: talaga? Ang bilis naman. 4 months ka palang dito aalis ka agad. *ngiti rin na pilit* Louie: oo eh, kailangan kasi ni daddy ng kasama sa bahay. Kakalabas lang kasi niya ng hospital. Inatake kasi ng puso at nagkamild stroke. *sad look* AKO: okay lang yan Louie, basta ba hindi mo ako kakalimutan. Louie: oo naman, ikaw yata yung best friend ko dito sa Cebu. (naks!) AKO:*ngumiti nalang* Louie: wag ka mag alala, bibisita ako dito pag may time. AKO: talaga lang ha? Louie: oo. *matamis na ngiti* balik na ako sa bahay. (may bahay kasi tito nya dito, kaso malayo sa unang pinagtatrabahuan nya) AKO: paano yung isang bag mo sa dorm? Louie: babalikan ko nalang bukas. AKO: Sige ikaw bahala. Matapos naming kumain ay umuwi na ako sa dorm. Umuwi na rin siya sa bahay ng tito nya. ng sumunod na araw... Louie: Laro muna tayo jay. *ngiti* AKO: sige ba.* Sabik* At pumunta kami sa internet cafe na palagi naming nilalaruan. Ilang oras din kami dun ng magyaya na siyang umuwi. AKO: paano yung bag mo sa dorm? Louie: ikaw nalang muna humawak dun. AKO: okay.*ngumiti sa kanya na sinuklian rin naman nya ng ngiti.* At umalis na siya. Simula nun ay hindi ko na siya nakita. Nabalitaan ko nalang sa Facebook na pumunta pala siya sa Manila upang magtrabaho ulit. Tapos bumalik na naman sa Zambo at nagtayo ng negosyo. Printing press yung pinili nyang negosyo. Aside kasi na magaling siyang sumayaw, may talent rin siya sa graphic arts at computer aided editing and design. BS Info Tech rin pala siya pero hindi tinapos. 2 years lang siya sa BSIT. Kumuha ng TESDA certification sa hardware servicing at yung parang caregiver kaya hindi nahirapan maghanap ng trabaho. Ngayon, may times na nagchachat kami. Pero hindi na gaya nung dati na everyday. Busy na kasi siya sa kanyang negosyo at bumalik rin siya sa pagsasayaw. Ako eh medyo na busy rin sa studies, graduating na kasi. Thesis ang inaatupag. =D. sana dumating ang araw na makikita ko siya ulit. Pag nangyari yun, sasabihin ko na sa kanya na mahal ko siya. Siguro yung bag ang magiging daan para magkita kami ulit. At dito nagtatapos ang aking kwento. Sana magustuhan nyo Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now