Jump to content

Eng21 (Part 39) FINALE


Yonathan

Recommended Posts

XXXX. Ang Tuluyang Paghihiwalay at Isang Di Inaasahang Makikilala (When one door closes, another door opens..)

Hi Guys,Sorry sa napakatagal na update.. Ito na ang last chapter ng aking kwento.. May kaunting kwento po ako after ng chapter na ito tungkol sa isang hindi inaasahang pangyayari na siyang magmumulat sa akin sa lahat ng katotohanan.. Sana po ay magustuhan niyo...

--Pagkapasok ng CR ni Van ay nakita ko ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at sinubukang tignan, hindi pa din niya binabago ang password nito kaya nabuksan ko naman agad. Pagtingin ko sa inbox niya ay puro text lamang ng kanyang kapatid ang nandun dahil puro Kuya RJ lang ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nang basahin ko ang isang text ay sinabi ng "Kuya RJ" niya na sasamahan daw siya na makipagkita sa akin dahil baka kung ano daw ang mangyari. Nagulat ako, hindi naman alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa amin kaya nagtaka ako bakit sasamahan pa niya si Van makipagkita sa akin. Nang sinimulan kong tignan ang phone number ng "Kuya RJ" niya ay parang pamilyar sa akin ito. Kinopya ko ang number na ito at inilagay sa cellphone ko para i-dial. Para kong sinaksak sa puso nang magregister ito sa cellphone sa isang pangalan sa contacts ko, ang "Kuya RJ" sa cellphone ni Van... Si Aaron, ang buddy ko..--

Paglabas ng CR ni Van ay hinarap ko siya para tanungin, "Bakit di mo maamin sa akin na si Aaron pala yung dream guy mo?" Nakangiti ako habang itinanong ko yun at nagpapanggap akong OK na talaga ang lahat. "Ayoko na sanang sabihin dahil alam kong kaibigan mo siya at ayoko kayong masira. Kung magagalit ka sa kanya kuya, sa akin na lang at wag na sa kanya please? Ako naman ang may kasalanan ng lahat, mahal na mahal ko siya at ayokong masira ang pagkakaibigan niyo ng dahil sa akin", ang mga sagot ni Van na tila lumalatay pa din sa akin nung gabing iyon habang naririnig ko sa kanya. "Pero tinraydor niyo ko, anong gusto mong gawin ko? Na kunwari walang nangyari at ok lang ang lahat?", sagot ko naman sa kanya. "Kuya hindi naman kami eh, at wala na tayo nun nang may nangyari sa amin, kaya nga wala na kong mukhang maihaharap sayo, at sinabi ko sa sarili ko na handa kitang makalimutan para lang mahalin niya ko." "Pero di ka naman niya mahal diba? Kilala ko si Aaron at ayaw niya ng commitment." "Oo alam ko naman kuya, kaya nga masakit eh, ngayon pa lang alam ko na yung nararamdaman mo, yung mahalin ng sobra yung taong hindi ka naman mahal." Nung gabing iyon ay nagusap na lamang kami ni Van, itinanong ko sa kanya kung anong nagustuhan niya kay Aaron. Sinabi niya na nagustuhan daw niya ito dahil sa pagkaastig nito, na masyadong seryoso at yung hindi daw vulnerable at hindi tulad ko na laging umiiyak sa tuwing may mga nangyayari. Sinabi ko naman sa kanya na kaya lang naman ako nagkakaganito ay sa tuwing nagkakaron kami ng problema at gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Ngunit napagpasyahan na daw niya ang lahat ng ito. Humingi ako ng pabor sa kanya na ihatid siya sa kanilang bahay sa huling pagkakataon at pumayag naman siya. Habang papauwe kami sa kanila ay napapaluha muli ako sa bus na sinasakyan namin. Pilit kong iniisip ang lahat ng mga nangyari sa amin. Kung ano ba talaga ang naging puno't dulo ng lahat at kung bakit sa ganito humantong ang relasyon namin ni Van. Ako nga ba ang may kasalanan ng lahat kaya kami nagkaganito? Nakakasakal ba talaga ang pagmamahal ko at umiikot ang mundo ko sa isang tao lang? Lahat ng ito ay gumugulo sa isip ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nandun na pala kami sa kanto ng baranggay nila at oras na para bumaba ng bus. Inihatid din niya ko sa sakayan ng bus pabalik sa bahay namin at nagpaalam na nga. Pagkasakay ko ulit ay hindi ko na napigilan na itext si Aaron, "Buds, traydor ka, akala ko kaibigan kita pero ganito pa ang ginawa mo sakin. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko pero wag ka na muna makipagusap sa akin." Nagreply naman si Aaron pagkarating ko ng bahay. "Sorry kung nilihim ko buds, pero ang gusto ko talaga sana eh tulungan ka at malaman naman ang side niya." Hindi na ko sumagot muli at hindi ko na tinext si Aaron. Nagtext naman si Van sakin at nagsosorry sa ginawa niya na sa bestfriend ko pa daw siya nainlove. Gusto niya daw talaga ko maging kaibigan at ayaw din naman daw niyang masayang ang pinagsamahan namin kaya pinatawad ko pa din siya. Tinatanong ko sya kung OK na siya at sinabi naman niyang medyo ok na din siya. Umiiyak kasi siya nung gabing nagusap kami nang dahil sa mga nagawa niya sa akin at dahil sa nararamdaman niya na hindi siya mahal ni Aaron. Hindi pa siya nagtatapat dito pero sinabi ko na kailangan niyang ipagtapat ang nararamdaman niya para kay Aaron. "Take a chance bunso."

Haha.. Siguro marami sa mga nagababasa sa inyo ngayon ang magsasabi na napakatanga ko sa lahat ng ginawa ko. Na ako pa ang talagang gustong tumulong sa kanya para magustuhan siya ni Aaron. Kaso isang gabi ng magkatext kami ni Van ay halatang badtrip siya dahil inaaway niya ko at kung ano ano ang gusto niyang sabihin sakin. Hanggang nung mga panahong iyon ay sinusubukan ko pa din naman na makipagbalikan sa kanya at hindi pa ako sumusuko. Nagsorry din siya bago matulog at inamin na niya sa akin na nagtapat siya kay Aaron ng nadarama niya pero tulad ng aking inaasahan ay hindi talaga open sa 'commitment' si Aaron kaya mas lalong nasaktan si Van. Kinabukasan nun ay magisa lang ako sa bahay at sinabi ko ito kay Van at inalok na pumunta siya sa amin kung gusto niya ng kausap. Makalipas ang ilang oras ay nagpunta naman siya sa bahay. Naguusap kami at tinatanong ko kung ok siya, sinabi niyang ok lang pero ramdam ko naman na hindi.

😄 Umamin ka sa akin, ok ka lang ba talaga?
V: Hindi kuya, masakit pala talaga nu? Umamin ako pero di niya naman ako mahal.

Nagsimula nang umiyak si Van sa akin nang yakapin ko siya. Ngunit mas naiiyak ako sa mga nangyayari. Dahil dun napaluha na din ako, "Di kita iningatan ng sobra para lamang masaktan ng ganito, nagagalit ako kay Aaron dahil di man lang niya nakayang ibalik yung pagmamahal na binigay mo sa kanya." Nagulat na naman ako at nasaktan sa mga sinabi niya.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw pa din yung minahal ko kuya nu? Salamat ha, na kahit na ganito ang ginawa ko sayo ay andyan ka pa din para sa akin. Ikaw na yung isa sa pinakamabait na taong nakilala ko." Napangiti ako at umiiyak ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi naman siya umiwas at naglapat muli ang aming mga labi, di maipaliwanag ang saya at lungkot ko nun dahil nahagkan ko uli siya, ngunit ang sakit na hindi na sana nangyari ito kung hindi din sa aking kagagawan, iminulat ko siya sa ganitong mga bagay at bandang huli ay masasaktan din pala siya. May nangyari sa amin nung araw na iyon at di ko naman pinagsisihan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din siya. Alam naman din niya ang intensiyon ko ngunit hindi ko na sinasabi iyon dahil ayoko siyang madaliin uli kung sakaling magkakaroon pa kami ng isa pang pagkakataon.

Makalipas ang ilang araw ay naging mabuti na uli ang samahan namin ni Van. Paminsan minsan ay napaguusapan namin si Aaron ngunit ng malaon ay parang natigil din iyon. Nangako siya na magiging matino siya at babaguhin din ang sarili niya para sa akin, ngunit para na din daw lalo kay aaron, susubukan na niya ule na magkagusto sa mga babae at hindi naman ako kumontra sa mga naiisip niya. Masakit man tanggapin ngunit kung magkakagusto siya sa babae ay wala na kong magagawa. Iyon ang reality at kailangan ko na din naman na tanggapin na minsan may mga bagay na hindi talaga para sa isa't isa.

11-11-11
November 11, 2011. Matapos ang isang matinding away 'Magkaibigan' sa pagitan namin ni Van ay nagsorry siya sa akin ng araw na iyan. Nagplano kami sa umuwi sa amin sa Cavite at pumayag naman siya na sumama para makapagpahinga din. Habang papauwe kami for the first time ay hindi matanggal sa akin ang excitement. Magkasama kami sa bus papauwe hanggang sa makarating kami na nakangiti lang at hindi masyadong naguusap. Pagdating namin sa bayan ay bumili muna kami ng pagkain at dumiretso na sa bahay. Pagdating namin ay kumain kami ng mga binili naming pagkain. Gutom na gutom kami dahil sa biyahe. Matapos nun ay nanood ng TV at humiga sa kama. Tulad ng alam naman namin talaga, may nangyari uli sa amin at nagawa ko pang maipasok ang daliri ko sa loob niya, nagulat din ako sa response niya at di ko inasahan na magugustuhan niya iyon dahil sinabi niya na ulitin ko daw. Mainit ang naging pagtatalik namin ni Van nung gabing iyon at tila ginawa niya talaga iyon para makabawi lang sa mga masasakit na salitang ibinigay niya sa akin a week before kaming magpunta sa bahay. Kinabukasan nun ay umuwe na kami, inihatid ko siya tulad ng dati, pagkababa niya ng bus ay nagtext agad siya. "Kuya salamat sa lahat, hindi ko alam kung pano ko makakapagpasalamat sayo, sana sapat na yung mga nangyari kagabi para sa lahat ng mga masamang ginawa ko sayo. Hindi ko man masabi sayo ng personal pero ikaw ang da best na Kuya na nakilala ko. Na kayang isakripisyo ang maraming bagay para lang sa pagmamahal. Salamat at nakilala kita kuya. Salamat sa lahat. Mangiyak ngiyak na naman ako sa mga nabasa kong text. I can never wonder on how does this guy can make me cry over and over. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko na parang may kakaibang mangyayari ngunit hindi ko na lang muna inisip iyon at tuluyan na kong nakauwe ng bahay.

Makalipas ang halos dalawang linggo ay hindi na kami masyadong nagtetext ni Van. Nagulat na lang ako isang gabi ng magtext siya sa akin at nastranded daw siya sa Boni station ng MRT at nawalan siya ng pamasahe. Pauwe na ko nun at sinabi kong antayin nya ko at pupuntahan ko siya. Ngunit sinabi niyang ok na daw at susunduin na siya ng kanyang nanay at wag na daw akong mag abala pa. Naramdaman ko na talaga ang pagiging kakaiba ng turing niya sa akin. Tinanong ko ang problema na naman at sinabi niyang wala. Ngunit di ako napigilan at sinabi kong kailangan naming magusap. Ngunit sa sinabi na naman niyang reply sa akin, "kailangan na nating mag move on at tapusin ang lahat ng ito." Nagulat ako at sinabi kong kakausapin ko siya sa weekend para maayos kung ano man ang problema...

November 26, 2011 - Ang tuluyang pamamaalam..
Sinabi ko kay Van na pupunta ko sa kanila para kausapin siya. Kung ano ano ang sinabi niya sa akin na wala daw siya dun, aalis daw siya at wag ko na daw asahan na makikipagkita ako sa kanya kahit kelan. Di ako nagpatalo at pumunta pa din ako sa kanila mismo. Alas dos ng hapon ng dumating ako sa bahay nila ngunit sinabi ng kanyang nanay na kaalis lang daw at baka gabi na bumalik. Sinabi ko naman na maghihintay ako o pupuntahan ko na lang sa shop na pinaglalaruan nila ng DOTA. Kahit hindi ako pamilyar sa lugar ay hinanap ko siya, tinetext ko siya at kung ano ano nang masasamang salita ang natatanggap ko pero hindi ko pa din inintindi un. Alas sais y medya ng gabi at bumalik ako sa bahay nila para makita ulit ang kanyang nanay na paalis, sinabi ko na aantayin ko na lang siya sa kanila dahil may importante akong sasabihin. "Oh sige iho iwanan na muna kita dito at parating na din siguro iyong batang iyon." Tumungo na ang kanyang nanay sa kanyang pupuntahan at makalipas ang isang oras ay dumating na si Van at kinausap ako. "Oh sabi mo aalis ka na pag nakita mo ko diba?" Maangas niyang sabi. Lumakad siya papalabas ng kanilang compound at sumunod ako, nakiusap akong kausapin niya ako para maayos man ang kung anong problema. Sinusuntok ko na siya sa kalye para lang kausapin ako. "Nasasaktan ako tang ina!", pasigaw niyang sabi sa akin. Nang umakyat na kami sa overpass ay sinabi kong tatalon ako kapag hindi pa din niya ko kinausap. "Pwede ba wag kang gumawa ng eksena dito?!", galit na si Van sa pagsasabi. Naghabulan pa kami at matapos ang ilang pagmamakaawa ay tuluyan na siyang bumigay at pumayag na makipagusap. Sumakay kami ng jeep papunta sa magallanes sa may PNR kung saan kami dating nagusap.

Pagkababa namin ay nang isang lugar kung saan wala masyadong tao na dumadaan. Nang makakita kami nagsimula na kaming magusap. "Kausapin mo naman ako, sorry sa ginawa ko kanina Van. Pero please sana ayusin natin to."

V: Pakawalan mo ko. Kalimutan mo na ko please?
😄 Hindi ko kayang mawala ka Van. Mahal kita.
V: Pero hindi na kita mahal. Kahit kaibigan. I need space para ayusin ang sarili ko.
😄 Pero tinutulungan naman kita diba?

V: Di ka pa ba nagsasawa? Tapusin na natin to. Paulit ulit na lang tayo eh.

😄 Sorry, hindi ko alam kung papano ko makakabawi sayo.
V: Iwanan mo na nga ako! Ayoko na!
😄 Hindi ko nga kaya! Maawa ka naman sakin Van. Wag mo naman akong iwan ngayon.

Sa mga sandaling iyon ay nangingilid na ang luha ko sa usapan namin. Hindi ko na mapigilan na hindi umiyak at iniiwas ko nalang ang sarili ko sa tuwing may magdadaan. Hanggang sa parang nakaisip ako ng isang hindi mabuting paraan.

😄 Sabihin mo, gusto mo na ba talaga na mawala ako?
V: Anong ibig mong sabihin?
😄 Oo o hindi lang! Sumagot ka!
V: Tigilan mo ko! Ayan ka na naman, ipananakot mo na naman yang pagpapakamatay mo!
😄 Oo o hindi? Diba wala ka na namang pakialam?
V: Uuwe na ko.

Tumayo si Van at hinabol ko paakyat ng hagdanan ng bigla akong madulas at nahulog sa hagdan. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang kamay ko.

V: Ano bang ginagawa mo?!
😄 Iiwan mo na talaga ko. Wala ng silbi na mabuhay pa ko.

Bumaba siya at umupo uli kami sa isang tabi.

😄 Bakit ganito? Lahat ng pinagsamahan natin ganito na lang ang magiging ending?
V: Gusto ko ng magbago. Kailangan ko ng space para magisip.
😄 Ok cge, ilang araw bago ko pedeng kausapin ka uli?
V: Hindi araw. Buwan, o baka taon.
😄 Grabe ka naman, parang ayaw mo na talaga kong makita?
V: Oo, hindi pa ba sapat sayo yun?
😄 Sabihin mo na kasi ang totoo, ano bang problema sa akin ha? Ano bang problema?!
V: Gusto na kitang kalimutan. Gusto ko nang tapusin natin ang lahat.
😄 Ano bang ginawa ko?
V: LAHAT! Minulat mo ko sa sex! Ilang buwan pa lang tayo nagkakasama pero tatlo na ang nakasex kong lalaki! Nang dahil lahat sayo! Sa tuwing nakikita kita, naalala ko lahat ng ginawa ko. Nang ginawa natin, na kapag naaalala ko yun at nakikita kita ay puro kasalanan lang ang iniisip ko! PINAGSISISIHAN KO NA NAKILALA KITA!

Humagulgol na ko sa mga narinig ko kay Van. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kahit papaano naman ay alam kong totoo ang sinabi niya. Ako ang nagmulat sa kanya sa mundong ganito. Ako ang nakaimpluwensya sa kanya na gawin ang ganito. Hindi ko alam pero parang nabigla din ako. Na parang sa laht ng sinabi niya ay bumalik ang mga bagay sa akin, ang unang pagkakataon na namolestiya ako. Ang panloloko ko sa isang tao dati na halos nagpakamatay dahil sa ginawa ko. Ang iba pang mga nakasex ko para lang sa sinasabi nilang "Trip" at ang pagkamatay ng aking bestfriend na si KIKO. Naalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin, "Maging matatag ka at kayanin mo ang lahat, minsan may mga pagkakataon na wala kang aasahan na tutulong sayo kundi ang sarili mo lamang." Hindi ko napansin na natahimik na pala ako nung pagkakataon na iyon, narinig ko muling nagwika si Van.

V: Kung mahal mo talaga ako, patunayan mo kuya. Palayain mo na ako.

Puro luha na ang mata ko at wala na kong pakialam sa mga tao sa paligid.
..if you love someone, set them free, if they go back, you were meant to be, if they don't, let them be..
Naalala ko ang sinabing biro sa akin ni Jared nun, naisip ko na pinagtawanan ko pa yun dati pero ngayon ay nandito na ko sa sitwasyon na iyon. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako sa harapan ni Van, huminga ng malalim, at lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Wala na kong pakialam sa mga taong dumadaan pero parang napakatagal ng mga yakap na yun. Mga yakap na hindi ko alam kung mauulit pa. Ang huling yakap sa isang taong MINAHAL ko. Habang yakap ko siya ay inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga at bumulong.

"Kung gusto mo talagang patunayan kong mahal kita, heto na. Sana di mo makalimutan na minahal kita ng buong puso. Kung may pagkakamali man ako ay sana mapatawad mo ko. Di ko naman ninais na sa ganito matapos ang lahat. I really loved you kahit sex ang naging basehan ng relasyon natin. Sana maging masaya ka sa lahat ng gagawin mo bunso. Mahal na mahal kita, heto na ang kalayaan mo. Sana di mo ko makalimutan.."

Napansin ko na walang imik si Van sa aking mga sinabi. Pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon ay hinigpitan ko ang yakap sa kanya at sa huling pagkakataon ay hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya, bumitaw, tinapik ang likuran at naglakad papalayo. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at napatigil maglakad at umupo sa isang tabi sa may magallanes. Hindi ko na napapansin ang mga taong naglalakad at umiyak lang ako ng umiyak. Nang mapigilan ko na ang pagdaloy ng mga luha sa aking mata ay tinignan ko ang puwesto ko saan ko iniwan si Van at wala na siya dun.

Pagsakay ko sa bus ay natanggap ko ang isang text sa kanya.
"Kuya, salamat ha. Alam kong napakasakit para sayo ng ginawa ko. Alam ko na hindi biro ang ginawa mo para sa akin pero salamat dahil minahal mo talaga ko ng totoo. Sana balang araw makita mo din ang taong mamahalin mo ng higit pa sa akin at mamahalin ka pa din at di ka lolokohin. Napatunayan ko na mahal mo talaga ko. Sorry sa mga salitang nabanggit ko kanina. Hangad ko pa din ang tagumpay mo kuya. Hanggang sa muli nating pagkikita."

Sa muling pagkakataon na iyon ay napaluha na lamang ako habang nakikinig sa shuffle ko. Napatugtog ang kantang Skyscraper ni Demi Levato.


You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper
Like a skyscraper

Naisip ko, kailan kaya ako magiging ok at marerealize ang lahat ng katangahan na ginawa ko? Iyon na ang huling pagkikita namin ni Van at ang huling text na namagitan sa amin. Hindi ko na muli siya nakita hanggang ngayon. Makalipas ang mga tatlong linggo matapos ang gabi gabing pagiyak ay medyo natauhan na din ako. Nasaktan talaga ko sa mga nangyayari at nagpakatanga pero sabi nila ay yun daw ang pagmamahal. Masasaktan ka kapag totoo ang pagmamahal mo. Para sakin ay tapos na ang lahat, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag nagbangga kami ni Van o ni Aaron pero nakapag move on na ko sa mga nangyari. Narealize ko lang ang lahat ng magsimula akong magblog at isang buwan matapos ang huli naming pagkikita ni Van ay mag nagtext sa akin na hindi ko inaasahan.

"Hi, kamusta ka na? Sana ok ka na ngaun."
"Sino ka?"
"Ah nakita ko lang yung blog mo ng hindi inaasahan tapos binigay mo sakin yung number mo"
"Ah ok, wanna meet up?"
"Para saan naman?"
"Wala baka gusto mong magtrip?"
"Ganyan ka ba talaga?"
"Ang ano?"
"Ginagawa mo talaga yan sa lahat ng kameet mo?"

Natauhan ako sa lalaking nagtext sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang naging impact ng mga text niya. Nung una ay sinungitan ko siya pero after nun ay hindi na din kami muling nagkatext nung taong 2011. Natanggap ko ang text niya nung new year habang umiiyak ako.

"Hi, ako uli to, sana makita mo na yung taong magpapaligaya sayo."

Mula nung araw na iyon ay nagsimula na kaming magtext madalas at nagtiwala ako. Ibinigay ko ang tunay kong pangalan, ang iba pang mga bagay hanggang sa makapagpalagayan kami ng loob. Guess what?

"WHEN ONE DOOR CLOSES, ANOTHER DOOR OPENS"

Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako dahil sa nakilala ko siya. Ngayon, masaya kaming dalawa sa isat isa at malapit na ang 3rd monthsary namen. Pero ang kwento sa likod ng lahat? I think that would be a new story... XD

--FIN--


*****************************************************************************
Guys,
June 25, 2013
The end! Salamat po sa lahat ng tumangkilik sa blog ko. Alam ko po na napakatagal ng naging update ko pero sana po ay nagenjoy kayo sa lahat ng nakwento ko. Alam ko pong medyo madrama at di tulad ng iba na puro kalibugan yung naging laman. Pero kaya ko po nakwento sa inyo to ay para magkaroon din ng kaunting inspirasyon o parang aral na rin para di niyo ko gayahin. Kapag may minahal kayo ay siguraduhin niyong aalagaan niyo at di niyo sisirain ang relasyon niyo. Di mo talaga inaasahan pero may isang tao talagang nakatakda para sayo at makikilala mo siya sa isang panahon sa buhay mo na pinakamalungkot ka. At yung sakin, yung story ko dito na puro lungkot, napalitan na ng saya dahil nakilala ko na yung taong yun. Sana po maging masaya tayong lahat. Salamat sa lahat ng readers na nagcomment maging sa ibang site pati sa mga readers na nagtetext. Pasensya na po at naging busy sa work kaya matagal nagupdate. Sorry din po kung di na ko nagrereply kasi pinagbabawalan na po ako ng asawa ko. 😃

Lampas 1 year na kami magkasama at kahit sa kabila ng mga pagaaway namin, at the end of the day ay alam namin na hnd kayang masira ng kahit anong pagaaway ang pagmamahalan namin. Sana kahit papano ay may naidulot na aral sa inyo itong story ko. Sa dinami dami ng pagsubok na pinagdadaanan natin, wag tayong susuko dahil magiging maayos din ang lahat.. Hanggang dito na lang po..
Cedie..

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...