GoodBoy Posted August 8 Share Posted August 8 Tabi!!!!! tabi!!!!..tabi!!!!... Gusto ko mang umiwas ngunit huli na ang lahat. Tumilapon ang aking hawak na cellphone at mga libro. Sakit sa kanang binti at pagkahilo ang aking naramdaman. Nahagip ng aking mga mata ang isang lalaking nakabisikleta bago ako tuluyang tumumba. “Ayos ka lang ba pre? Naku, sorry sorry. Di ko sinasadya. Nawalan kasi ako ng kontrol.” Napatitig ako sa lalaking nakabangga sa akin habang patuloy ito sa paghingi ng paumanhin. Medyo matangkad ito sa taas na 5’8”, maputi ang balat nito, halatang mayaman. Nakatawag pansin sa akin ang mga mata nito, sa kulay nitong brown ay maganda pa ang hugis nito. Sa maikling sabi gwapo ito. Sa kalagitnaan ng aking pagsusuri sa kabuuan ng lalaki ay may kung anong kaba at tuwa ang aking naramdaman. “Hey! Are you okay?” (sabay wagayway ng kamay sa harapan ko). Iniabot nito ang kanyang kamay tanda ng pagtulong sa aking pagtayo. Inabot ko naman ito para na rin maalalayan ang katawan ko. “Yeah, I'm ok. “ (sabay pagpag ng pantalon). “May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?.” “Hindi na. You don't have to. I'm ok. Sa susunod mag-ingat ka na lang sa pagmamaneho ng bisikleta mo.” Habang pinupulot ko ang mga gamit kong tumilapon kanina. “Are you sure?” “Yeah. Crystal clear sure.” ang medyo pasuplado kong sagot. “Parang di ok sa’yo eh, gan’to na lang, to make us even, libre na lang kita meryenda diyan sa may bakery. Is that ok with you?” “Taong ‘to, gagawin pa akong patay-gutom.” Ang nasabi ko sa aking sarili Pero dahil sa gutom na rin ako kasi katatapos ko lang sumabak sa mahabang pila ng enrollment ay pumayag na rin ako sa alok nito lalo pa’t sa bakery raw. Makakain ako ng paborito kong Spanish bread.hehe..ayus yun. “Ok, cge” “Oh, by the way I’m Cyrus, just call me Sai” “Mico” ang tipid kong sagot Hinayaan akong mamili ni Cyrus ng tinapay na gusto ko. Syempre pinili ko yung paborito ko, Spanish Bread. Habang nagmemeryenda hindi ko maiwasang sumulyap kay Cyrus. Hindi talaga maitatago ang kagwapuhan nito. Malinis at simple, pero ang lakas ng dating dahil na rin siguro sa kaputian nito. Matanong itong si Cyrus at palakwento. Napag-alaman ko na kalilipat lang nito sa unibersidad na pinapasukan ko. Transferee ito galing sa isang sikat na paaralan sa Maynila. Inabot kami ng mahigit isang oras sa meryenda at sa maikling oras na iyon ay nakapagpalagayan ko ito ng loob at naging tanda ito pagkakaibigan. 2nd year college ako sa kursong Electronics Engineering samantalang si Cyrus ay 2nd year din sa kursong BSHTM-HRM Major in Tourism. Nangungupahan lang ako ng isang kwarto sa bahay ng kakilala ng nanay ko. May kalayuan kasi ang bahay namin sa lugar kung saan ako nag-aaral. Dahil na rin magkakilala at malapit naman ang mga building namin ay lagi kaming sabay sa meryenda o pagkain nitong si Cyrus. Kung subsob ako sa pag-aaral para lamang makakuha ng mataas na marka kabaligtaran ko si Cyrus dahil parang easy go lucky lamang ito. Ang sadyang ipinagtataka ko lang ay matataas ang grado nito sa pagtatapos ng unang semester. Likas ang katalinuhan ni Cyrus, may photographic memory ata ang mokong na to. Naging malapit kami sa isa't isa. At sa pagdaan ng panahon ay mas lumalim ang pagkakaibigan namin. Kapatid kami kong magturingan. Minsan ipinakilala niya ako sa kanyang Mama ng magkasalubong kami sa isang Department Store. Magiliw ang ina ni Cyrus, palangiti, maganda at maputi sa edad na 42. Palagi niya akong niyaya sa bahay nila para doon kumain, kung minsan naglalaro ng video games o kaya ay badminton, palagi din kaming nanunuod ng movies (mahilig kasi ako sa fiction movies), nagrarakrakan kapag bagot at walang ginagawa, nakikitulog din ako minsan pag-inaabot na kami ng gabi sa paglalaro. Masayang kasama si Cyrus, bukod sa magandang itsura nito, maganda rin ang ugali nito, hindi mayabang o brusko. Napag-alaman kong hiwalay ang mga magulang ni Cyrus 5 taon na ang nakalilipas. Ayaw pag-usapan ni Cyrus ang kanyang ama ngunit sa tuwing nababanggit ko ito, di man nito sabihin, ay nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Wala ni isa mang litrato ng kanyang ama sa bahay nila dito sa probinsya at ng kanyang kapatid. Hindi ko man alam ang dahilan ng hiwalayan ng kanyang mga magulang ay alam kong masakit para sa kanilang mag-ina. Hindi na rin ako nag-usisa pa tungkol dito tanda na rin ng respeto ko sa pribadong buhay nila Isang taon ang lumipas na naging masaya at makulay ang buhay ko sa piling nang itinuturing kong pangalawang pamilya. Malayo man sa pamilya ay hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Dahil alam kong merong isang kaibigang nagmamahal sa akin at isang inang handa ring gumabay sa akin. 3rd year…… Mahigit isang buwan ang bakasyon at dalawang linggo na rin ang nakalipas mula ng magsimula ulit ang klase ngunit hindi ko pa nakikita ang aking kaibigan. Hindi ko alam kong bakit hinahanap hanap ko ito at kung bakit nakakadama ako ng takot, takot na mawalay sa taong nakasanayan ko na. Nakatulugan ko ang pagbabasa isang araw sa nakasanayang lugar na puntahan namin ni Cyrus na ginawa na rin naming tambayan. Tahimik dito at bihira lang ang tao sa paligid, maaliwalas ang hangin dahil na rin sa maraming umbrella tree ang nakapalibot sa lugar. Nagising ako sa isa-isang patak ng malamig na likido sa aking noo. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Cyrus na abot tenga ang ngiti habang patuloy na nakatapat sa aking noo ang bote ng mineral water. “Ano ba Sai, natutulog ang tao eh” “Ang guwapo mo pala pag tulog, nakakabading” at bigla itong umupo sa tabi ko “Akala ko deadz ka na, buhay ka pala” ang aking sabi para maiba ang usapan. “Wag kang mag-alala malapit na akong mawala” sabay hagalpak ng tawa. “Ikaw talaga dre, kalokohan mo” sabay bangon sa pagkakahiga. “Saan ka ba talaga nanggaling? Andami mo na kayang absent.” “Inaasikaso ko kasi yung passport ko sa langit, hahahaha” ang pabiro nitong sagot. “Ikaw di ka ba talaga makausap ng matino?” ang aking tugon. “Ito naman di na mabiro, ngayon lang kami nakabalik kasi maraming inasikaso si Mama. Nga pala, may pasalubong ako sa'yo” iniabot nito ang malaking paper bag. “Wow, spanish bread at cheese bread, naks !! alam mo talaga ang gusto ko ah. Salamat dre!” “Ano ka, P200 yan, special kaya yan.” sabay abot ng kanyang kamay. “Ai, o balik ko na, wala akong pera”. Sabay balik nito sa kanya. “Hahaha, joke lang. Imasahe mo na lang ako medyo masakit kasi ulo ko sa byahe.” Bigla itong nahiga at ipinatong ang ulo sa binti ko na siyang ikinagulat ko. “Ano ba Sai.....” di ko na tinapos ang sasabihin ko dahil nakapikit na ito at halatang pagod na pagod. Napatitig ako sa maamong mukha nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kung bakit? Hindi ko alam. Sa kabila nito ay lihim akong napangiti dahil nandito na ulit ang makulit at maingay kong kaibigan. Nakaramdam ako ng ligaya at naibsan na rin ang takot ko. “Titigan mo na lang ba ako?” sa maamong boses ngunit nakapikit pa rin ang mga mata. “Saan ba kita imamasahe?” ang aking tanong. “Dito sa may noo ko, sakit ng ulo ko eh o gusto mo sa isang ulo, pwede rin” ang sambit nito. “Ulol.” ang tangi kong sambit Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago ko tinugunan ang hiling nito baka kasi may makakita at makakilala sa amin ay pagtsismisan pa kami. Bihira naman ang tao ng hapong iyon kaya ayos lang ang wika ko sa aking sarili. Ilang minuto rin ang lumipas at nangawit na rin ang kamay ko kaya itinigil ko na ang pagmamasahe sa ulo ni Sai. Tulog na rin ito dala ng pagod sa byahe. Maaliwas ang panahon, tahimik. Pinagmasdan kong maigi ang mukha ng aking kaibigan, bawat detalye nito ay sinuri kong mabuti. Itanggi ko man sa aking sarili ay hindi ko maitatago ang kakaibang pagmamahal ko kay Sai. Alam kong higit pa sa kaibigan ang pagmamahal ko sa kanya. Pilit kong itinatago ang pagmamahal na iyon. Ayaw kong masira kung ano man ang samahan na meron kami ngayon. Nagpatuloy ang buhay namin bilang isang estudyante at makalipas ng dalawang buwan ay isang linggo na namang naglaho ang aking kaibigan. Pinuntahan ko ang kanilang bahay ngunit sabi ni ate Annie ay nagpunta ang mga ito sa Maynila at hindi din alam ang dahilan (si ate Annie ang kasa-kasama nila sa bahay) Lunes habang papasok sa eskwelahan..... “Mico!!!!!!!!!” si Sai habang lakad takbo. “Oh dre, san ka na naman nanggaling, isang linggo ka na namang di pumasok, pumunta pa ako sa bahay niyo pero sabi ni Ate Annie lumuwas daw kayo” “Naks namiss ako ni Mico…hinahanap ako, uyyyyy….hahahaha” sa tonong nang-aasar sabay gulo ng buhok ko. “Hinanap, oo pero namiss, nek nek mo” “Asus, aminin mo na kasi, namiss mo ko no? ‘no?” pangungulit nito sabay ngiti “Oo na, oo na, yang buhok anu ba yan. Ilang minuto kong inayos yan, ang gulo gulo na oh” “Wag kang mag-alala, kahit magulo yan gwapo ka pa rin” pabiro nito sabay mabilisang halik sa bandang ulo ko. Natigilan ako sa kanyang ginawa, nagulat. Habang si Sai ay patuloy pa rin sa panggugulo sa buhok ko. “Eh san ka ba talaga nanggaling?” ang seryoso kong tanong habang hinahawi ang kamay niya na patuloy pa rin sa panggugulo sa ulo ko. Sadyang may kakulitan itong si Cyrus na kahit seryoso ka na sige parin sa pang-aalaska. Ah, si Mama kasi, nagpacheck-up sa doctor niya sa Maynila, eh nagpasama sa akin” sagot nito. “Tara sabay na tayo pasok” “Aaaaahhhhh!” sabay tango. “sige tara”. Hindi ako na ako nag-usisa pa sa kadahilanang late na kami at medyo malayo layo pa ang lalakarin namin. Isang araw habang nasa tambayan.... “Mico, pamasahe naman ulit ako oh.” “Oh, masakit na naman ang ulo mo?”. “Hindi. Ang sarap mo kasing magmasahe, sarap matulog pag ganun”. “Ah, at talagang ginawa mo akong pampatulog......Kelan pa a......” Di ko pa natatapos ang aking sasabihin ng bigla na naman itong nahiga sa may binti ko sabay pikit. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan ang kaibigan ko. “Alam mo pag nawala ako, ito ang mamimiss ko sa lahat?”si Sai habang nakapikit. “Ang alin?” ang aking tugon. “Ang pagmamasahe mo sa ulo ko”. “Ang drama mo naman dre. Kornik lang?” ang pabiro kong tugon sabay tawa. “Basta pag wala ako, pumunta ka lang dito, isigaw mo ang pangalan ko at kahit saan man ako naroroon, maririnig kita.” ang seryosong sagot nito habang nakapikit pa rin. Natahimik ako sa mga katagang iyon ni Sai. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot at kaba sa mga katagang iyon. Ayokong mawala siya sa akin. Sa pagmumuni muni kong iyon pumailanlang ang malambing na boses ni Sai..... “I always thought you were the best I guess I always will I always felt that we were bless And I feel that we, still Sometimes we took the hard roof But we always saw it through If I had only one friend left, I want it to be YOU” 4th year...... Bakasyon noon at nagkakayaan kami ni Andy na uminom (si Andy ay tibo, anak ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ko). Dahil na rin sa tama ng alak ay naikwento ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Cyrus. Nabigla man si Andy sa kwento ko ay naintindihan naman niya ito at pinayuhan ako na ibinase niya sa pakikipagrelasyon nia sa kapwa niya babae. Dumating ang pasukan at nag-iba ang pakikitungo ni Sai sa akin magmula ng bumisita ito sa aking boarding house. Nahalata ko ring umiiwas ito sa tuwing magkikita kami. Masakit. Dahil sa hindi ko alam kung bakit at masakit dahil iniiwasan ako ng taong mahal ko. Hanggang sa dumating yung time na kung dati sa isang buwan ay isang linggong nawawala itong si Sai, ngaun ay palagi na, nandyan ang dalawang linggo o kung di naman ay umaabot ng isang buwan. Lagi ko siyang tinanong kung bakit at ang laging niyang sagot “Maraming kaming inaasikaso ni Mama”. Dahil dun bihira na rin kami maglaro ng video games, sabay mag-aral sa library, magDota, badminton at higit sa lahat ang tumambay sa aming Tambayan. “Sai, seroyoso, bakit palagi kang wala?” ang aking tanong. “Kasi nga, marami kaming inaasikaso ni Mama” ang sagot nito. “Gaya ng?” “Basta, bat ba ang dami mong tanong?” “Nagtatanong lang dre, masama ba yun.” “Eh, nakakairita nga, lahat ba kelangan mong malaman, lahat ba kelangan kong sabihin sa'yo, lahat ba kelangan kong ipaalam sa'yo?” at daglian itong umails Natahimik na lang ako sa dami ng sinabi ni Sai, napaluha. Naisip ko na lang na baka tungkol ito sa kanyang ama kung kaya di nito masabi sa akin at kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya. Mula noon hindi na ako masyadong nagtanong hanggang isang araw. Tumunog ang aking cellphone. “Hello tita?” “Hello mico, pwede ka bang pumunta dito sa _______ Hospital.” “Ha?!, bakit po tita ano pong nangyari?” “Basta, pumunta ka na lang dito ha.” “Sige po, tita papunta na po ako” Ang lakas ng kaba sa dibdib ko ng mga panahong iyon, halos maluha na ako sa kaba dahil alam kong si Sai ang nasa hospital. Pagkarating ko sa hospital, nadatnan ko si tita sa may pintuan ng kwarto ni Sai. “Tita?” ang mahina at nagtatanong kong sabi. Niyakap ako ni tita. Mahigpit, nanginginig ang mga kamay nito. Ramdam ko ang takot sa yakap na yun. “Pumasok ka na sa loob, hinihintay ka na niya.” ang malambing nitong sabi sa akin. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Nakita ko si Sai, nakahiga at mahimbing ang tulog. Di ko alam kung anong nangyari, walang benda o marka ng sugat sa katawan o mukha nito. Tanging swero lang ang nakakabit sa mga kamay nito. Lumapit ako at dahan dahang hinagip ang kamay nito. Hinawakan ko itong mabuti at sa paghawak na yun ay nagising si Sai. Napangiti habang nakatingin sa kanyang kamay. “Nababading ka naman sa akin, bakit hawak mo ang kamay ko?” sabay ngiti ng matamis Napangiti din ako at biglang binitawan ang kanyang kamay. “Gago ka, pinakaba mo ako. Anong nangyari?” “Wala. Nahilo lang ako. Sabi ng doktor baka dahil daw sa stress” na nakangiti pa rin. Alam ko kung kelan nagsisinungaling ang kaibigan ko. Alam kong may itinatago ito sa akin. Ngunit ang hindi ko alam kung ano yun. “Akala ko naman katapusan na ng mundo mo, haha” pabiro kong sagot. “Huwag kang mag-alala malapit na malapit na” ang mabilis nitong tugon. “Gago, puro ka kalokohan.” Akma akong tatalikod para sana kumuha ng tubig para sa kanya ng bigla nitong hinawakan ang aking kamay na siyang ikinagulat ko. “Mico, salamat” “Saan?” “Dito, dahil di mo parin ako iniwan o iniwasan sa kabila ng hindi magandang pakikitungo ko sa’yo” “Ang drama mo. Bakit nga ba ganun ka na lamang kung umasta nitong mga nakaraan?” “Natatakot kasi ako” “Saan?” “Sa mga pwedeng mangyari” Seryoso si Sai sa bawat katagang binibitawan nito. Pagkalito at katanungan naman ang bumalot sa isipan ko ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung bakit biglang ganun ang mga salitang sinasabi ni Sai. “Huwag kang mag-alala dre, ano man ang mangyari dito parin ako” Napangiti si Sai sa sinabi ko. Napangiti rin ako. “Love you dre!” ang pabiro niyang sabi sa mababa ngunit malaking boses “yuckkssss!!!....Love you more” ang sabi ko, sabay hagikgik nito “iwwwwww!!!!,,,hahahaha” Nakalabas na ng hospital si Sai. Masaya. Halos araw-araw kaming magkasama. Naging mas lumalim ang samahan namin. Tawanan, lambingan (ang landi), harutan (haha,,,sobra naman word na yan). Basta masaya. Hanggang isang araw bigla na naman itong naglaho. Makailang ulit na ako sa kakadial ng number nia sa phone ko “Cannot be reach” pati si tita di ko makontak. Isang linggo, dalawa, tatlo. Isang buwan hanggang umabot ng dalawang buwan na wala akong komunikasyon kay Sai. Wala akong alam kung nasaan na ito at kung babalik pa ba ito. Takot na takot ako ng mga panahong yun. Toot!.....ang aking cellphone TITA M: Mico,_______ hospital…bilisan mo please… Mula sa pagkakahiga, dali dali akong nagbihis at pumunta sa nasabing hospital. Sinalubong ako ni tita ng yakap at hagulgol. Napaiyak na rin ako. Sa pagkakataong ito alam kong hindi simpleng pagkahilo lang ang nangyari kay Sai. Pumasok ako sa loob at nagpaiwan si tita sa labas. Di ko mapigilan ang aking luha habang papalapit sa aking kaibigan. Sinalubong naman ako nito ng ngiti. Ngiting pilit itinatago ang sakit na nararamdaman. Akmang magsasalita sana ako nang...... “Mico.” ang malambing ngunit nanghihinang boses ni sai. Pilit ngumingiti pero halatang nahihirapan. Inabot ko ang kamay nito at humawak ako ng mahigpit. Mahigpit din ang hawak ng kamay ni Sai sa mga kamay ko. “Matagal akong naglihim sa'yo, matagal akong nagtago. Natatakot akong sabihin sayo ang nararamdaman ko dahil ayokong masaktan kita kapag nawala ako. Ngunit bago pa man ako maubusan ng oras, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal, higit pa sa isang kaibigan. Pinipilit kong lumaban para sa ating dalawa. Gusto ko pang makasama ka ng matagal. Gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Gusto kong tuparin yung mga pangarap natin ng magkasama. Matagal na palang alam ni Sai ang nararamdaman ko sa kanya. Sa sobrang kalasingan ay naikwento ni Andy ang mga sinabi ko sa kanya ng minsang dumalaw si Sai sa tinutuluyan ko habang hinihintay ako. “Mahal na mahal din kita, Sai”. Luha ang namayani sa aking mga mata habang pinapakinggan ang mga katagang binibitawan ng aking kaibigan. May brain cancer si Sai dahilan kung bakit laging wala ito sa eskwela. Dahilan din kung bakit laging sumasakit ang ulo nito at laging nagpapamasahe sa akin. Alam ni tita na anumang araw, anumang oras pwedeng mawala ang anak nito kung kaya pinagbigyan nito ang kahilingang dito sa tahimik na probinsiya mag-aral para makaiwas na rin sa magulong buhay sa Maynila. Hiniling din ni Sai na ilihim ito sa akin dahil ayaw daw nitong makaapekto ito sa pag-aaral ko at sa pagkakaibigan namin. Ayaw niyang nakikita siyang kinakaawaan dahil sa sakit nito. Dahil sa tuwa ng mga oras na iyon ay siniil ko ng halik si Sai. Wala akong pakialam kung makita kami ni Tita o ng mga doktor o nurse na papasok sa pintuan. Basta ang alam ko mahal ko si Sai. Napaluha na lamang ako at ganoon din si Sai. Luha ng kasiyahan dahil mahal din pala ako ng taong mahal ko at luha ng kalungkutan dahil alam ko anumang oras ay pwedeng mawala si Sai sa buhay ko. Tatlong araw nang nakaratay si Sai sa hospital. Oras-oras, minu-minutong may luhang pumapatak sa aking mga mata sa tuwing maiisip at makikita ko ang kalagayan ng pinakamamahal ko. Masakit para sa akin na marinig ang mga daing ni Sai dahil na rin sa sakit na nararamdaman nito. Masakit sa tuwing makikita ko si Sai na nahihirapan at wala akong magawa. Lagi akong nasa tabi nito, nagdarasal na sana wag muna siyang kunin. Na sana bigyan pa siya nang pagkakatong mabuhay. Na sana magkaroon pa kami ng mas mahabang panahon…..Sana…….. “Augggghhhhhhhhh!!!!!!!” ang sigaw ni Sai habang sapo ang ulo nito. Halatang nahihirapan. “Mic---mi----co” sa mahinang boses. “Ma ma ma hal na maha mahal kita” “Sai!!!!!” ang aking sigaw “Tita tumawag ka ng doktor!!” Umiling-iling si tita habang parang nakapako sa kinakatayuan nito, tanggap na anumang oras ay bibigay na ang katawan ng kanyang anak. Humahagulgol…… “Sai,,,wag muna, sai,,,wag.....wag...please....Lumaban ka, Di ba mahal mo ako.....magsasama pa tayo ng matagal di ba.....di ba mahal mo ako.....wag mo akong iwan.....please...lumaban ka, Sai!!!!!!!......” ang mga katagang sinabi ko habang walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Mahigpit ang paghawak ko sa mga kamay nito. Ayokong pakawalan si Sai. Nakita ko ang huling patak ng luhang tumulo sa mga mata ng mahal ko habang pinapapalabas ako ng mga dumating na nurse kasama ng doctor ni Sai. Iyak ang tanging naging kasangga ko. Napayakap ako kay tita...ganun din siya sa akin. Kasabay ng pagbuhos ng mga luha sa aming mata ay ang pagbuhos ng malakas na ulan sa kalangitan. Tumakbo ako, mabilis. Iisa lang ang pwede kong puntahan kung saan niya ako maririnig. At alam kong maririnig niya ako. Alam kong saan man siya naroroon ay maririnig ako ng mahal ko. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now