September 2, 20187 yr MANILA - Tatlo ang sugatan matapos magsalpukan ang isang cement mixer at kotse sa Taytay, Rizal ngayong Linggo ng umaga. Papunta sana sa Antipolo ang kotse nang bumangga ito sa mas malaking sasakyan sa kabilang panig ng kalsade sa Brgy. Dolores. Sa lakas ng impact, tumagilid ang cement mixer habang nawasak naman ang harapan ng kotse. Nagtamo ng minor injuries ang driver ng cement mixer at kasama nito, habang isinugod naman sa ospital ang driver ng kotse dahil sa iniinda nitong sakit sa leeg at likod. Inaalam pa kung sino ang may kasalanan sa salpukan. Isa sa mga tinitingnan dahilan ng banggaan ay ang pag-counterflow ng isa sa mga sasakyan, ayon sa mga imbestigador. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Create an account or sign in to comment