Jump to content

Barko nasunog sa karagatan sa Cebu. (September 02,2018)


Yumeko

Recommended Posts

ARGAO, Cebu - Nasunog ang isang passenger-cargo vessel sa karagatan malapit sa Taloot Wharf sa bayan na ito, Linggo ng umaga.

Dadaong na sana ang M/V Lite Ferry nang masunog ito 200 metro mula sa pantalan, ayon sa Cebu Port Authority.

Nailigtas na ang lahat ng pasahero nito sa tulong ng isa pang barkong nakadaong sa pantalan, sabi ni Kent Rizon, hepe ng municipal disaster office. 

Gayunman, patuloy pa aniya ang rescue operations para sa mga tripulante ng Lite Ferry, dakong alas-12 ng tanghali. 

Nagtulungan na ang disaster response teams at mga bumbero ng Argao at kalapit na bayan ng Sibonga para maapula ang sunog. 

Makikitang nababalot ng makapal at maitim na usok ang barko sa video ng Argao disaster office. 

Mula sa pantalan, tanaw naman ang sunog at ang pagtalon ng ilang tripulante mula sa kanilang nasusunog na barko. 

Wala pang opisyal na impormasyon ukol sa bilang ng mga nasagip na pasahero at sanhi ng sunog. 

May ulat nina Angelica Saniel, June Perez at Dennis Datu, ABS-CBN News 

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...