September 2, 20187 yr MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng baril at NBI badge sa isang checkpoint sa Quezon City. Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nagsasagawa sila ng checkpoint sa Bicol-Leyte St. sa Brgy. Commonwealth nang kanilang parahin ang suspek dahil sa wala itong helmet habang nagmomotorsiklo. Nakapagpakita ng drivers license ang suspek pero napansin ng pulis na may nasasukbit sa likuran ng lalaki. Walang maipakitang lisensya para sa pagdadala ng baril ang suspek pero may nakuhang badge ng National Bureau of Investigation mula dito. Hinala ng pulis na nagpapanggap ito bilang NBI agent dahil wala din itong maipakitang ID mula sa naturang ahensya. Kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition, paglabag sa motorcycle helmet act at usurpation of authority ang nahuli. - Ulat nina Lady Vicencio at Fred Cipres, ABS-CBN News
Create an account or sign in to comment