Yumeko Posted August 31, 2018 Share Posted August 31, 2018 Nasamsam ang P5.5 milyong halaga ng droga mula sa 6 na lalaki sa magkakasunod na operasyon sa Valenzuela, Quezon City, at Pandi, Bulacan nitong Biyernes. Mahigit 30 sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa mahigit 800 gramo ang nakuha sa mga suspek, kabilang ang apat na menor de edad. Unang ikinasa ang buy-bust operation laban sa 18 anyos na si Steven Laloy na kilala umanong tulak ng droga sa Valenzuela. Nakuha sa kaniya ang 5 sachet ng shabu. Sunod namang tinarget si Roland Isip, 35, sa Tandang Sora, Quezon City na nakuhanan ng 20 sachet ng shabu. Arestado rin ang dalawang menor de edad na nagbebenta umano nang maramihan sa Pandi, Bulacan. Nakuha sa kanila ang dalawang plastic bag ng shabu na tumitimbang ng 200 gramo. Sa Pandi rin nahuli ang dalawa pang menor de edad na nakuhanan ng 500 gramo ng hinihinalang shabu. Nabahala naman si Metro Manila Police chief Guillermo Eleazar dahil sa mga menor de edad nakuha ang mas maraming droga. Posibleng ginagamit umano sila ng sindikato dahil ligtas sila sa criminal liability at iturn-over lang sila sa Department of Social Welfare and Development. -Jerome Lantin, ABS-CBN News 2 Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now