August 31, 20187 yr Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa isasagawang mga road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Quezon City at Maynila simula gabi ng Biyernes. Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi nitong Biyernes, Agosto 31, 2018, hanggang alas-5 ng madaling araw ng Lunes, Setyembre 3, 2018, sa mga sumusunod na kalsada: SOUTHBOUND • EDSA sa harap ng Francesca Tower lagpas ng Scout Borromeo (ikatlong lane mula center island) NORTHBOUND • EDSA bago mag-North Avenue (ikaanim na lane mula center island) • A.H. Lacson Avenue sa kanto ng Aragon Street at P. Florentino Street • Batasan Road bago mag-Payatas Road (ikalawang lane) -Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Create an account or sign in to comment