Jump to content

Service crew sa Pampanga natagpuang patay. (Agosto 31,2018)


Yumeko

Recommended Posts

20180831-patay_medium_thumbnail.jpg.c558709e72417b1196ca7223710a7bb4.jpg

MEXICO, Pampanga – Patay na nang matagpuan ang isang babae sa labas ng pinagtatrabahuhan niyang burger chain sa Barangay Lagundi dito sa bayan, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Rhima Bertulfo, 30, service crew ng burger chain.

Base sa CCTV na kuha ng barangay, bandang alas-12:00 ng hatinggabi nang may dalawang lalaking pumasok sa puwesto ng service crew. Nagtagal sila doon ng halos isang oras.

Maya-maya pa ay nakitang umalis ang isa sa kanila at tila nagsilbing lookout.

Pasado ala-1 naman ng madaling araw nang mamatay ang ilaw ng signage ng restaurant. Hinihinalang dito na nagsimula ang pagpatay sa biktima.

Nakunan pa sa CCTV ang pagdaan ng mga salarin matapos ang krimen.

May mga saksak sa leeg at hinihinalang ginahasa pa ang biktima dahil wala na itong pang ibaba nang matagpuan.

Pagnanakaw ang isa sa mga tinitingnang anggulo dahil wala na rin ang kita ng burger chain.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa krimen.

-Trisha Mostoles, ABS-CBN News
Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...