Skip to content
View in the app

A better way to browse. Learn more.

BenLotus

A full-screen app on your home screen with push notifications, badges and more.

To install this app on iOS and iPadOS
  1. Tap the Share icon in Safari
  2. Scroll the menu and tap Add to Home Screen.
  3. Tap Add in the top-right corner.
To install this app on Android
  1. Tap the 3-dot menu (⋮) in the top-right corner of the browser.
  2. Tap Add to Home screen or Install app.
  3. Confirm by tapping Install.

Preso sa Quezon City, patay sa sepsis (Agosto 31,2018)

Featured Replies

MANILA - Isang presong nakakulong sa custodial facility ng Quezon City Police District Station 4 ang namatay dahil sa sepsis, Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, nakulong ang naturang bilanggo noong ika-3 ng Agosto dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Noong ika-23 ng Agosto nang dalhin sa San Lazaro Hospital ang preso dahil kinailangan itong ma-confine dahil sa sepsis o blood contamination.

Hindi tinukoy ng mga awtoridad kung paano nakuha ng bilanggo ang sakit.

Nakita rin ng mga awtoridad na 65 bilanggong nakapiit sa QCPD Station 4 ang kinailangang ilagay sa hiwalay na kuwarto dahil sa pagkakaroon ng galis at pigsa.

Ang ilang preso naman ay nakumpirmang mayroong tuberculosis at cellulitis.

Ayon sa Human Rights Affairs Office ng Philippine National Police, ang kalagayan ng mga preso na nakakulong sa QCPD Station 4 ay ang pinakamalala sa bansa dahil aabot na sa 650 percent ang congestion rate ng naturang piitan.

Paliwanag ni QCPD Station 4 Commander Supt. Rossel Cejas, naiipon sa naturang kulungan ang mga nahuhuling suspek dahil natatagalan ang paglipat nila sa ibang mas malaking penal facilities.

Nasa 80-90 ang nahuhuli ng QCPD Station 4 linggo-linggo pero 20 lang ang natu-turnover sa Bureau of Jail Management and Penology kada linggo, sabi ni Cejas.

"Hindi naman kami puwedeng huminto sa panghuhuli dahil kailangan naming implement ang batas," dagdag niya.

Sa ngayon ay binibigyan ng QCPD Station 4 ang mga preso ng oras para makapagpahangin at makapagpaaraw upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit sa kulungan.

- Maan Macapagal, ABS-CBN News

Create an account or sign in to comment

Account

Navigation

Search

Search

Configure browser push notifications

Chrome (Android)
  1. Tap the lock icon next to the address bar.
  2. Tap Permissions → Notifications.
  3. Adjust your preference.
Chrome (Desktop)
  1. Click the padlock icon in the address bar.
  2. Select Site settings.
  3. Find Notifications and adjust your preference.