Jump to content

7 Bacolod SWAT members nahaharap sa reklamo dahil sa madugong engkuwentro. (Agosto 30,2018)


Yumeko

Recommended Posts

Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang pitong miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Bacolod City Police dahil sa pagkamatay ng dalawang umano'y holdaper at isang sibilyan noong Agosto 10.

Nauwi sa engkuwentro ang paghabol ng pulisya sa riding-in-tandem at nadamay ang apat na sibilyan.

Isa sa mga biktima ang pedicab driver na natamaan ng bala sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Ang isa naman ay menor de edad na anak ng alkalde ng Isabela, Negros Occidental.

Nauna nang inimbestigahan ng National Police Commission sa Western Visayas ang insidente.

Ang police Regional Internal Affairs Service 6 ay nagsagawa rin ng kanilang imbestigasyon para alamin kung may pananagutan ang miyembro ng SWAT team sa aspetong administratibo. 

Nananatiling on duty ang 7 miyembro ng SWAT team pero restricted sila sa pagsasagawa ng patrol operations. 

Nagboluntaryo silang sumailalim sa parrafin test. Apat sa kanila ang nagpaputok ng baril, ayon sa pulisya.

Nananatili ang suporta ni Senior Supt. Francisco Ebreo, director ng Bacolod City Police, sa 7 miyembro ng SWAT team.

-Nico Delfin, ABS-CBN News

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...