August 30, 20187 yr MANILA - Arestado ang isang Amerikanong hinihinalang pumatay sa kanyang business partner na Australian sa Pasig City. Sa follow-up operations, natiklo ang 58-anyos na suspek na si Kenneth Darnell Bethea na itinuturong pumatay sa Australian na si Lambros Zervas. Natagpuan ang katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa loob ng carpet cleaning services na kapwa pagmamay-ari nina Bethea at Zervas. Si Bethea ang huling nakitang lumabas mula sa naturang opisina. PANOORIN: Amerikanong itinuturong pumatay sa business partner na Australian sa Pasig, tinangkang magbigti nang aarestuhin na pero bumigay ang lubid kaya siya nahulog at tuluyang naaresto. https://t.co/fbb9oTNb4Q Natunton ng mga awtoridad si Bethea sa basement parking ng kanilang condominium makaraang magpalipas ng gabi sa loob ng van. Nang aarestuhin na, umakyat siya sa hood ng sasakyan at nagtali ng lubid sa tubo. Magpapakamatay na sana ang suspek sa harap ng mga pulis ngunit bumigay ang lubid at nahulog ang Amerikano at nagtamo ng mga sugat sa tuhod. Sinampahan na ng kasong murder ang suspek. -Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Create an account or sign in to comment