January 6, 20215 yr Gusto ko lang malaman kung meron mga roleplayers dito. Kung napadpad ka na sa Amino or Reddit /roleplay, then sure ako familiar ka sa concept na to. If familiar ka sa Dungeons and Dragons, roleplay din yan pero may board. Sa roleplaying, random lang ang story tapos mag hahanap ka ng partner(s) na ka-roleplay mo via voice or chat. Kung nagawa nyo na or familiar kayo sa phone s3x then meron na kayong idea kung ano ang roleplay. Ganon na nga yon but may specific rules at "plot/starter" kayo na sinusunod. Na open ko lang to in case may roleplayers dito, na discover ko lang din kasi ang AI Dungeon. May feeling kasi ako ito yung magiging future ng AI gaming. Pwede ka mag single player tapos kalaro mo yung AI or mag host ng multiplayer game tapos si AI yung Dungeon Master. If familiar ka na sa roleplaying pero di mo alam ang Dungeon Master, bale siya yung narrator at the same time mag se-set ng susunod na mangyayari. Check here: https://play.aidungeon.io/main/home Yung AI nila ang pinaka conversationally advanced na na encounter ko. May AI chat app din na Replika, AI Dungeon is like 100x more advanced.
Create an account or sign in to comment