Jump to content

DateX

MovieBox
  • Posts

    48
  • Joined

  • Last visited

  • BCash

    3 [ Donate ]
  • Country

    United States

Posts posted by DateX

  1. Mga ka-lotus, gusto ko mag turo sa inyo gumawa ng website dahil marami naman akong oras. Alam ko naman na madali lang mag research sa internet kung paano gumawa ng website, pero hindi naman lahat ay tagalog diba? Pero dito, ituturo ko sa inyo, in tagalog, kung paano gumawa ng website. Kaysa sa hahayaan ko kayong mag tanong sa akin, tuturuan ko na kayo yung first step palang. Gamitin natin ang thread na ito pang tanong sa lahat ng gusto nyong itanong tungkol sa gawa ng website.

    Ang website ay may dawalang parte:

    1. Host

    2. Domain

    Kailangan nyo itong dalawa para maka gawa ng website.

    Ano ang domain?

    Ang domain ay ang address ng website. For example, benlotus.com, yahoo.com, google.com, ayan ang domain nila.

    Yung domain ay yung shortcut ng IP address. Lahat ng website ay may sariling IP address. Pero dahil mahirap maalala ang IP address, kaya may nag imbento ng DOMAIN, lahat ng DOMAIN ay nag POINT sa IP address.

    Gusto nyo ma try?

    Kung Windows ka, punta ka sa Start-->RUN, tapos type "CMD", pag nakapasok na kayo sa CMD type nyo "ping google.com"

    Ito yung screenshot ng example:

    vmplayer_2018-08-19_00-02-18.png

     

    So yung google.com, naka point sa 216.58.195.238

    google.com --> 216.58.195.238

    Now, kung ilalagay ko ito sa browser, makakapunta tayo sa google.com. look at video.

     

     

     

    Ayan, so alam nyo na yung domain pala ay shortcut lang ng IP address...

    Now next naman yung host..

    Ano naman yung host?

    Yung host ay yung server na nakatago ang mga files para sa website. Yung computer mo pwede din maging host. Pero marami naman pwede gamitin pang host dahil free lang naman. Bakit pa gagamitin ang sariling computer diba? Ayaw mo naman siguro hayaan ang computer mo naka-on 24/27. So maraming free na hoster.

     

    So, ano ngayon? Domain at Host.. Saan tayo kukuha ng FREE na domain?

    Pwede din kayo mag search sa google "FREE DOMAIN"

    pero ito ang alam kong isa napakaganda na free pa...

    Recommended Free Domain:

    This is the hidden content, please

    tapos kung free host naman, hanap kayo sa google search "FREE HOSTING with MySQL" (Sa susunod ko na i-explain sa inyo kung ano yung MySQL)

     

    Ok, marami na akong sinasabi pero hindi ko pa sinabi kung paano mag simula.

    First Step, mag isip ka ng isang DOMAIN name at i-register mo, pag naka-register ka na, balik ka dito sa topic na ito...

    Example, IloveHero.ga (hahahaha)

    Para di kayo maguluhan. Step by step tayo...  Reply nalang pag nakahanap na ng isang Domain name :)

    Ask any question about hosting on this topic ^^

     

     

     

     

    • Love 12
×
×
  • Create New...