April 19Apr 19 Magandang araw sa lahat! Kami ay mga estudyante ng unang taon ng BS Psychology na kasalukuyang nagsasagawa ng isang netnograpikong pag-aaral na pinamagatang: “Paghahanap ng Suporta sa Digital Age: Isang Netnograpiyang Pag-aaral sa Paggamit ng AI Chatbots bilang Kapalit ng Therapy” Bilang bahagi ng aming pag-aaral, nais naming anyayahan kayong ibahagi ang inyong mga saloobin at opinyon tungkol sa paksang ito. Paano mo sa tingin nakakaapekto ang paggamit ng mga tao ng AI chatbots bilang kapalit sa pakikipagusap sa propesyonal na therapist?Hinihikayat din namin ang magalang na talakayan sa seksyon ng mga komento. Huwag mahiyang makipag-ugnayan sa iba, magpalitan ng mga pananaw, at ibahagi ang iyong mga karanasan. Nakikisuyo lang kami na tandaan ninyo na manatiling magalang at iwasan ang paggamit ng nakakasakit o mapanirang wika. Ang iyong pakikilahok ay malaking makakatulong sa aming pananaliksik. Maraming salamat
Create an account or sign in to comment