Jump to content

Tissues (Part 2)


Yonathan

Recommended Posts

[ANG NAKARAAN: Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ng barista.

"Sir!" Tawag ng barista.

"Mukhang kailangan nyo po e." sabay abot sa akin ng mga tissue.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pero di ko dapat idamay ang nagmamalasakit lang na barista na ito. Wala syang kasalanan. Kinuha ko na lang ang tissue at tsaka nagpasalamat.

"Salamat!" sabay tingin sa name tag

"M......" ]

"Salamat!" sabay tingin sa name tag.

"Mark!"

Wag nyo nang hanapin sa Starbucks sa 6th floor ng Shangri-la dahil unang una ay hindi yan ang real name nya. Pangalawa, matagal na syang lumipat ng branch.

Nagsmile lang sya sa akin, at saka sya bumalik sa counter.

May work ako nun pero hindi na ako pumasok. Sino ba ang makakapagtrabaho ng maayos sa ganung kalagayan ko at estado ng emosyon ko? Maghapon lang ako nagstay sa pwesto ko. Walang kainan. Hindi ko din naman iniinum ang Caramel Macchiato na inorder ko. Tinititigan ko lang. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang uminom. Wala akong ganang makipagusap kahit kanino. Wala akong ganang umuwi sa unit. Actually, wala akong gana na mabuhay pa!

Lumipas ang Christmas at New Year. Mula nang umalis si Aldred ay hindi na sya muling nagparamdam sa akin. Blocked na din ako sa FB nya. Kahit sa FB ni Jayson ay nakablock na din ako. Totally na pinutol na nila ang any form of communication sa akin.

Lumipat na din ako ng apartment sa Mandaluyong. Malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko. Although, kinausap naman ako ng parents ni Aldred at nakiusap na dun na lang daw ako sa unit tumira dahil wala naman daw ibang gagamit dun. Tutal hindi naman daw ako iba sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang alam nila na relasyon namin ni Aldred basta ang alam ko lang ay mas gusto nila ako kaysa kay Jayson.

At some point ay inoffer din nila sa akin ang unit at a reasonable price. Mukha naman daw kasing wala nang balak umuwi si Aldred. Hindi ba kalabisan na iyon. Bibilhin ko ang unit na iyon na naging institusyon ng buhay ko sa pagkuha ko ng Bachelor, Masters at Doctorate Degree sa katangahan? Bibili ako ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko? Gagastos ako para mas lalong pahirapan at gawing miserable ang buhay ko? May tao na bang bumili ng bilangguan na pagkukulungan nya sa sarili nya? May Ph. D na ako sa katangahan di ba? May kailangan pa ba akong patunayan?

I politely refused.... of course! Nagdahilan na lang ako at nag-offer na tutulong sa paghahanap ng buyer. Unfortunately, wala pa ding bumibili kahit bagsak presyo na. Ramdam siguro ng mga buyers na may sumpa ang impyerno sa lupa na unit na yun.

New Year. New life!.

Single ulet.

Bago ang mga damit dahil dinespatsa ko na ang lahat ng mga damit ko na maaaring magpaalala sa akin kay Aldred.

Bagong cellphone.

Bagong number.

Bagong apartment.

Bagong mga gamit.

Dalawa lang naman ang nanatili.

Ang trabaho ko.

Ang MISERABLENG FEELINGS ko.

Kahit ang routine ng buhay ko ay nabago na din.

Kung dati ay trabaho at bahay lang ako, ngayon ay trabaho, then Starbucks sa 6th floor ng Shangri-la, then bahay.

Yup! Araw araw akong dumadaan sa Starbucks sa 6th floor ng Shangri-la pagkalabas ko sa work ko. Oorder ako ng Caramel Macchiato Grande na hindi ko iinumin. Pupwesto sa dulong lamesa ng smoking area. Tititigan ang inorder ko. Lalapitan ako ng baristang si Mark. Mag-aabot ng tissue. Then uuwi kapag pasarado na ang mall.

Araw araw yan. Maliban lang during restdays ko na kung saan nakababad ang katawang lupa ko sa kama.

Dumating na din sa point na hindi na nila ako tinatanong sa kung ano ang order ko. Basta pagdating ko ay tinitimpla na nila ang order ko at saka iaabot na lang nila sa akin pagkatapos kong magbayad.

Alam kong pinagtatawanan na nila ako. Maaaring baliw na ang tingin nila sa akin. Wala naman akong pakialam na. Wala naman na akong nararamdaman eh. Manhid na ang katawan at damdamin ko. Quota na ako sa hinanakit ng buhay para problemahin pa sila.

For almost 6 months ay naging ganun ang routine ng buhay ko.

But Everything changes nang dumating ang unforgettable na Friday na yun.

Pagka-out sa work ay dumeretso ako sa favorite Starbuck branch ko.... as usual. Pumasok ako, dumeretso sa counter, nagbayad, then kinuha ang Caramel Macchiato Grande ko.....as usual! Binuksan ang glass door at pumasok sa smoking area.... as usual!

So eto ang bago! May nakaupo sa favorite seat ko. Nakatalikod sya sa akin kaya di ko nakita ang mukha nya. Normally, makikiusap ako na lumipat ang kung sino man ang nag-o-occupy dun. Pero that time feeling ko I am too tired para makiusap. So I decided na maupo na lang dun sa katabing table. Atleast, mas madali sa akin ang makalipat kapag nagdecide ma umalis ang nag-o-occupy ng favorite spot ko.

Ibinaba ko ang Caramel Macchiato ko sa table at nagsimula itong titigan... as usual! No! Hindi iyon usual! Kasi before, ang mga nangyari sa amin ni Aldred ang nasa isip ko habang tinititigan ko yung drinks ko. Pero nung time na yun ay nagka-countdown ako sa isip ko dahil anytime soon ay lalapit na naman si Mark para abutan ako ng tissue.

And the count down starts!

7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.....

"Here he comes!" Sabi ko sa isip ko!

Pero walang Mark na lumapit.

"Ok! Ok! Baka napa-aga ang countdown ko! Isa pa!" Sabi ko sa isip ko.

7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.....

"Eto na sya....." muling sabi ko sa isip ko.

Wala pa din.

"Huh?" pagtataka ko sa isip ko.

"Last na lang! Eto na...."

7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.....

"Charan!!!!....." sabi ko ulet sa isip ko.

Pero wala pa ding Mark na lumapit para mag-abot ng tissue.

Dun na ako nagtaka. Kaya tumayo ako at pasimpleng sumilip sa counter. Wala si Mark sa counter. Hindi ko napansin na ibang barista pala ang nagtimpla ng drinks ko.

Kaya umupo na lang ako at napaisip. Ano'ng nangyari dun?

Muli sana akong sisilip nang biglang magsalita ang nag-o-occupy ng favorite table ko.

"Wala si Mark sa counter...." ang sabi nung nag-o-occupy ng table.

Nabigla ako kaya agad akong napatingin sa kanya.

Agad naman syang lumingon sa akin na ikinapula mg mukha ko!

"Mark?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hi Sir Kenneth! Hanap mo ako?" sabay ngiti sa akin.

Ilang saglit pa muna akong natulala bago ako nabalik sa realidad.

"Of course not! Why should I?" umiiling kong sabi sa kanya.

"Oh e bakit ang haba ang leeg mo sa pagsilip sa counter kanina?" Naka smile na tanong nya sa akin.

"Hindi ah!" pagtanggi ko.

"I... saw... you....! Hehehe." pang-aasar nya

"You saw me?! Oh come on! How could that even be possible e nakatalikod ka lang dyan kani..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng ituro ni Mark ang glass wall sa farthest side ng smoking area. Kita ang reflection.

Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik at muling tumingin sa Caramel Macchiato na nasa harap ko habang namumula ang mukha.

"Tatanggi pa?" sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ok! Ok! I was looking sa counter kasi I thought I saw someone I knew..... and definitely not because of you! So wag ka pong mag-assume!" sabay taas ng kilay.

"Ok!" ang tanging sagot nya sabay ismid.

"What the....? Anong Ok? I mean.... what's that make face for?" sabay taas ulit ng kilay?

"Wala naman akong ginagawa ah?" sabi nya sa akin.

"Well, obviously hindi ka na niniwala sa akin....."

"Urghhhhhhh..... why am I even defending myself to you?"

"No!.... I am mot talking to you anymore!" inis na sabi ko.

"Ok! Hihihi!" sabay talikod sa akin.

Napanganga na lang ako sa pagkagulat dahil sa inasal ni Mark.

"You know what?! You are so rude!"

"You are so annoying!"

"I will talk to your Manager at isusumbong kita. Treat me right because I am a paying customer here...." inis na sabi ko kay Mark.

"And.... so am I!...." sabay pakita ng Caramel Macchiato nya sa akin.

"Naka-leave po ako ngayon at ineenjoy ko ang Caramel Macchiato na binayaran ko po kanina..." sabay ngiti sa akin.

Wala na ako nasabi. Naupo na lang ako. Tinanggap ko na ang pagkatalo ko.

"Ok! Hindi na ako makikipag-argue! Makiki-usap na lang ako."

"Alam mo naman siguro na favorite spot ko yan di ba? So baka naman pwede na palit na lang tayo ng table?" pakiusap ko sa kanya.

Saglit na nag-isip.....

"No! Sorry!" pagmamatigas nya

"What!? Why not?" halos pasigaw ko na tanong sa kanya.

"Unang una... favorite spot ko din ito..."

"Pangalawa.... mukhang effective ang mga plano ko..." sagot nya.

"Plano????? Anong plano?" tanong ko sa kanya.

"Na i-alter ang super boring na daily routine mo..." ang seryosong sagot nya.

"And who gave you the right para makialam sa buhay ko?" sabay taas ng kilay.

"Oh come on! I am trying to help you and this is what I get?" sabi nya.

"Then stop! I don't need your help!" pagtanggi ko.

"Yes you do!" pagkulit nya.

"I don't!" kontra ko sa kanya.

"You do!" Pangungulit nya.

"No! I don't need your help nor everyone's.... so stop acting like a hero.... or... a day saver or something!" pagtataray ko sa kanya.

"Well,Β  I've been observing you since day one and believe me... you need help!" pagkumbinsi nya sa akin.

"Tsk! You know what?.... you are sick!"

"Why don't you just live your own life, instead of watching others live their own?..." tugon ko sa kanya.

"I am!.... and I am happy!" sabay smile.

"Urghhhhhh...."

"Unbelievable!" sabay taas ng dalawang kamay.

"Ok! Kung hindi ka din naman makikipagpalit sa akin ng table.... aalis na lang ako." sabay dampot ng bag.

Akma na akong aalis nang hawakan nya ako sa kamay para pigilan.

"Share?!....." tanong nya sa akin.

Agad ako napaisip. Pwede na din siguro. Kahit sirang sira na ang araw ko dahil kagagawan ni Mark. Kailangan ko pa din makumpleto ang routine ko.

Humarap ako.

"Ok!"

"Share!" sabay upo sa favorite seat at table ko.

Tumahimik kami saglit. Ako naman ay bumalik sa dati kong gawain. Ang titigan ang Caramel Macchiato ko. Pero bakit ganun? Instead na si Aldred ang iniisip ko? Bakit parang nag-aanticipate ako na masasalita si Mark anytime soon? Ang weird!

Hindi nga ako nagkamali! Muli na namang nagsalita si mokong!

"You can start whenever you are ready?" Sabi nya sa akin.

"Huh?... ready for what?" Nagtatakang tanong ko.

"When you're ready to vent out! Tell me your problem!"

"Makikinig ako!" sagot nya.

"Well, it's none of your business!" sabay irap.

"Well, it is now since we are sharing our favorite table!" pagkontra nya.

Hindi na ako nagsalita pa.

"Ok! Let me find... it... out!" sabi ni Mark.

"Work?" Hula nya.

Deadma ako.

"Nope! Financial?" Hula nya.

Deadma pa din ako.

"Hindi pa din. Hmmm! Friends?" Hula ulit nya.

Deadma pa din.

"Family?"

No comment pa din.

"Health, maybe?!"

I yawned.

"Ok! How about Love?" Sabay tingin sa mukha ko.

Ding! Ding! Ding!

Ouch! May pumiga na naman sa puso ko. Agad na nagrush ang dugo sa ulo ko na naging dahilan ng pamumula ko.

"I knew it! Sabi ko na e! Nagbago ang complexion ng mukha mo! So, tama ako!Β  Broken hearted ka! Tama?" Sabay sundot sa bewang ko.

Hindi ako sumagot.

Muli nyang sinundot ang bewang ko. Annoying na! Pero hindi pa din ako nagcomment. Inulit ulit nya ang pagsundot sa bewang ko. Hanggang marating nya ang boiling point ko.

"Oo na! Ok!? Broken hearted ako!" sagot ko sa kanya.

"Happy!?" Sarkastikong tanong ko.

"Hindi pa. Gusto kong malaman ang story mo." ang sabi nya.

"Gusto ko intindihin ang wierd na trip mo."

"I have all the time in the world!"

Napairap na lang ako. Napabuntong hininga!

"Come on! Spill it! You have my ears!" pagkumbinsi nya

"Huy!" sabay sundot ulit sa bewang ko.

"OK! Ok!"

"Ako lang naman ang world record holder pagdating sa katangahan sa pag-ibig!" sagot ko sa kanya.

"World Record Holder?" nakakunot ang noo nyang tanong sa akin.

"Oo! Pinaka-tangang tao sa mundo." sagot ko sa kanya.

"Paano mo naman nasabi?" Muling tanong nya.

"Oh! Gosh! You wouldn't want to know! Believe me!" Sabay iling.

Isang seryosong mukha ang isinagot nya sa akin. Sabay hawak sa kamay ko.

"Seriously, I do!"

Agad ako napatingin sa mga mata nya. Kitang kita ko ang sincerity sa mga matang iyon. Tumagos sa puso ko ang mga tingin na iyon. Para bang sinasabi sa puso ko to let it out! I am all ears!

"You need someone na makikinig sa iyo. That's why I am here. Just let me." sabay hawak sa isa ko pang kamay.

Tuluyan na akong napalambot ng sincere na mga tingin at mapagkalingang mga hawak na iyon. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Walang anu ano ay nagbukas ang pinto ng emosyon ko at nagsimulang lumabas ang mga salita sa bibig ko.

"His name is Aldred! I met him sa isang party...... " pagsisimula ko.

Nagtuloy tuloy ako sa pagkukwento ko. Almost two hours yata ako naglilitanya. Never nya ako ininterrupt. Hindi nya inalis ang mga mata nya sa mga mata ko. Kitang kita ko ang facial expressions nya habang ikinukwento ko ang lahat sa kanya. Magsmile sya kapag masaya ang nasa kwento. Sobrang serious kapag malungkot na. Pero hindi ko sya nakitaan ng expression na parang nauumay o kaya ay natatangahan na sya sa akin.

"Worst! Ako pa ang naghatid sa kanya sa airport!"

"Pagdating namin sa airport.... no goodbyes! No hugging!"

"Kahit tapik lang para ipaalam sa akin na papasok na sya ay wala!"

"Ako pa nagbayad ng taxi namin!"

"Hindi na nga ako nakapagwork.... nagastusan pa!"

"Pero ok lang naman yun! Maliit na bagay lang yun compared sa mga pinagdaanan ko sa kanya!" pagtatapos ko sa kwento ko.

Hindi ko na magawang maipagpatuloy pa ang kwento dahil nagsimula na namang gumulong ang mga luha mula sa mga mata ko.

Agad na tumayo si Mark at nagtungo ng counter. Pagkabalik nya ay agad nyang inabot ang tissue sa akin.

"Oh! Akala ko ba i-a-alter mo ang boring routine ko?" naiiyak kong tanong sa kanya.

Hindi na sya umimik. At muling inalok sa akin ang tissue na hawak nya.

Kinuha ko ang tissue at nagpasalamat.

Akmang ipapahid ko na sa mga luha ko ang tissue na ibinigay ni Mark sa akin nang mapansin ko na may nakasulat duon.

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚

Agad ako napatingin kay Mark. Binigyan ko sya ng isang tingin na nagtatanong....

"Finally! Nabasa mo din!" sabay taas ng kamay na para bang nanalo ng gold medal.

Nabasa ni Mark sa mukha ko na hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nya. Agad nyang kinuha ang bag nya at inilabas ang isang bugkos ng mga tissue na nakarubber band.

Pag-abot nya sa akin ay bumungad sa akin ang tissue na nasa ibabaw na may nakasulat na...

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 21)

December 21 ang araw na umalis si Aldred at ang unang araw na nagsimula ang boring na routine ko.

Tinanggal ko ang rubber band at inisa isa ang mga tissue.

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 22)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 23)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 24)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 25)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 29)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(December 30)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(January 3)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(January 4)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(January 6)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(January 7)

Dumerecho ako sa huling apat na tissue.

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(June 13)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(JuneΒ  14)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(June 15)

SMILE KA NAMAN! πŸ™‚
(June 16)

Muli akong napatingin kay Mark na obviuos na excited sa nakikitang reaksyon ko sa mga tissue na hawak ko.

"Yan ang mga tissue na iniabot ko sa iyo sa araw araw na nandito ka. Mula yan nung una kong makita ang pamumugto ng mga mata mo hanggang kahapon." nakangiting sabi sa akin ni Mark.

"Iniiwan mo lang dyan. Hindi mo naman ginagamit. Hindi mo din binabasa. Kaya inipon ko."

"Sabi ko, ibibigay ko na lang sa iyo kapag dumating ang araw na makapag-usap tayo." sabay ngiti ulit sa akin.

Ibang tuwa ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Gumaan ang pakiramdam ko. Buong buhay ko ay wala pang gumawa sa akin nun. Kung tutuusin ay simpleng gesture lang yun e. Pero astig! Tagos sa puso. Effort kung effort.

Lalong nabasa ang mga mata ko dahil da pagkatouch sa ginawa nya.

"Oh! Bakit ka umiiyak na naman? Hindi mo ba nagustuhan?" Pag-aalala ni Mark.

"Gustong gusto. Natouch lang talaga ako."

"Thank you, ha?" ang tangi kong nasabi.

"Wala yun. Simpleng bagay lang yan."

"Sana nga lang ay makatulong para lumuwag ang nararamdaman mo." Sabi nya sa akin.

Hindi na ako sumagot pa. Gusto ko sanang magsmile para makabawi naman sa kanya kaya lang hindi ko magawa. Kakatapos ko lang halos magkwento at basa pa ang mga mata ko.

Ilang minuto din kami natahimik. As usual, nakatitig na naman ako sa drinks ko.

"I hope you don't mind me asking. Bakit araw araw ka nandito?"

"Bakit favorite spot mo ito? Ang lapit sa cigarette bin oh. Nauusukan ka lang. Hindi ka naman nagyoyosi."

"At bakit Caramel Macchiato?" dagdag na tanong pa nya.

"Aba! Isa isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban." Sabi ko sa isip ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka sinagot ang mga tanong.

"Araw araw ako dito kasi memorable sa akin ang place na ito. Dito kami lagi nagpupunta ni Aldred kapag sinusundo nya ako from work. Dito sa spot na ito kami laging pumwepwesto kasi nag-i-smoke sya...." bigla ako huminto.

Muling umasim ang mukha ko nang maalala ko.....

"Dito din nya dinadala ang nga nagiging lalaki nya. Dito sila nagmemeet bago sila dalhin ni Aldred sa unit. Nalaman ko yun mismo sa mga lalaki nya." Dugtong ko.

"E yung Caramel Macchiato?" Tanong nya.

"Favorite nya. Hindi ko nga maintindihan e. Kasi sa totoo lang ayoko naman talaga ng lasa nito. Kaya hindi ko iniinum kasi paramg nasusuka ako." medyo nandidiring sabi ko.

Biglang napangiti si Mark na agad ko namang napansin.

"Huy! Ano'ng nakakatawa?" pagsita ko sa kanya.

"Wala!" agad na sagot nya.

"Ano? Baliw lang?" sabay taas ng kilay.

"Wala nga. May naalala lang ako." sagot nya ulit sabay tawa.

"Ano nga yun?" pangungulit.

"Kalolohan ko!" sabay ngiti ulet.

"Anong kalokohan nga?" medyo inis na tanong ko.

"Wag na! Baka magalit ka at isumbong mo ako." Sabay kamot sa ulo.

"Bakit naman ako magagalit? Ano ba ginawa mo?" Pagtataka ko.

Β "Ipangako mo muna na hindi ka magagalit at magsusumbong?" pakiusap nya.

"Depende!" sagot ko.

"Hala! E wag na lang!"Β  Agad na sagot nya.

"Ok! Promise hindi ako magagalit!" sabay taas ng kanang kamay.

"Ok! One time kasi na pumunta ka dito.... hindi Caramel Macchiato ang tinimpla ko para sa iyo...." nangingiting kwento ni Mark.

"Ha? Ano?" Agad na tanong ko.

Luminga linga muna bago sinagot ni Mark ang tanong ko.

"3 in 1 coffee." Pabulong na sabi ni Mark

"3 in 1?!" medyo malakas na sabi ko.

"Shhhh! Wag kang maingay!"

"Oo. 3 in 1. Hehehe." Natatawang sabi ni Mokong.

"Sira ulo ka! Di ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?" Pag-aalala ko.

"Syempre takot!" Sagot nya.

"Oh! E bakit mo ginawa yun?" tanong ko.

"Para magalit ka at lumapit ka sa akin para magreklamo." rebelasyon nya.

Kumunot lang ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan.

"Honestly, nagpapapansin lang ako sa iyo nun."

"Para kasing wala kang pakialam nun. Para bang mga bato lang ang mga tao sa paligid mo."

"Parang diamante ang mga ngiti mo. Ang mahal!" Sabi nya.

Kakaibang saya ang naidulot nun sa dibdib ko. Ang gaan. Kaya sa unang pagkakataon loob ng mahigit na anim na buwan ay isang matamis na ngiti ang lumabas sa mukha ko.

Nagliwanag ang mga mukha ni Mark. Walang mapagsidlan ang tuwa ni Mark. Kaya wala itong nagawa kundi ang mapalundag at mapasigaw.

"Yes! Woohooo! Tagumpay!" Sigaw nito habang nakataas ang mga kamay.

Agad na nakapukaw ito ng pansin ng mga tao sa smoking area. Yung iba nagulat. Yung iba natatawa. Yung iba ay napatingin sa pagtataka.

Agad na nawala ang mga ngiti ko at agad na napalitan ng gulat at pagkahiya.

"Huy Mark! Maupo ka nga. Nakakahiya oh!" sabay tingin sa paligid.

"Wala ako paki alam."

"Ganito talaga ako kapag nakukuha ang gusto ko. Ahahahaha!" Masayang sabi nya.

"Ano ba? Maupo ka nga!" namumulang sabi ko.

Agad na naupo si Mark. Bakas pa din ang kaligayahan sa mukha nya.

"Bagay sa iyo ang ngumiti kaya dapat huwag mo nang ipagkait sa sarili mo yan. Lalo kang gumwagwapo. Ahahaha!" sabay hawak sa baba ko.

Agad ko tinabig ang kamay nya.

"Bolero! Tse." sabay irap.

Tumahimik kami saglit. Namumula pa din ang mukha ko. Hindi pa din nawawala ang ngiti ni Mark.

"We should celebrate! Tara!" sabay tayo at hatak sa akin.

"Celebrate!?"

"Ng ano?" nagtataka kong tanong.

"I-celebrate natin ang araw na ito."

"Ang pagbabalik ng mga ngiti mo." sabi nya sa akin.

"Isinecelebrate ba yun?" tanong ko.

"Sa iba hindi! Pero sa iyo.... dapat lang!"

"Ang hirap kaya makuha ng mga ngiting nyan! Ahahaha!" Nakangiting sabi nya.

Hindi ako agad tumayo.

"At saka mag-aalas dyes na o. Magsasarado na anytime ang mall."

"Lipat tayo. Inum tayo. May alam ako na malapit."

"Saturday bukas. Walang pasok kaya tara na!" aya nya.

Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas dyes na nga. Magsasarado na ang mall.

"Ok. Saan ba?" tanong ko.

"Akong bahala. Sumama ka na lang!" pilit nya.

Dumeretso kami sa parking area. Bigla akong napahinto.

"O bakit?" nagtatakang tanong ni Mark.

"Wala lang. Para naman akong pokpok. Sasama ako agad sa iyo. Hindi pa naman kita lubos na kakilala." biro ko.

"Kailangan pa ba yun?" Napapailing na tanong nya.

"Ok! Let me formally introduce myself to you."Β  Sabay punas ng kamay sa pantalon nya.

"Hi! I am Mark Reyes." sabay abot ng kamay for a handshake.

"Twenty five. From Quezon City. Barista sa Starbucks." dugtong nya.

"Kenneth Vergara. Turning 23. From Bulacan pero staying sa Mandaluyong." sabay abot sa kamay nya.

"O ayan ha. Magkakilala na tayo. Wag ka nag umarte. Hehehe." Biro nya.

"Ugok!" sabay kalas ng kamay ko sa handshake.

Maya maya ay nasa tapat na kami ng isang 1994 Box type na Mitsubishi Galant na kotse.

"Yan ang kotse mo?" nangigiting tanong ko.

"Oo! Bakit?" tanong nya.

"Wala naman." sabay sakay sa passenger seat. Medyo natatawa ako.

"Oi! Wag mong pagtawanan ang kotse ko ano. Alagang alaga ko ito. Kaya smooth pa din ang andar nito" pagyayabang nya.

"Alam mo mas gagwapo sa ka tingin ng mga chicks mo kapag bago na ang sasakyan mo."

"Tsaka hahabulin ka na ng mga talaba sa dagat. Ang luma na nito oh."

"Palitan mo na." Biro ko.

"Ayoko!"

"May sentimental value sa akin ito."

"Ito kasi ang unang sasakyan na binili ng Papa ko."

"Niregalo nya sa akin bago sila mamatay ni Mama." sabi nya.

Medyo napahiya ako nang malamang wala na syang magulang.

"Oops! Mali yata ang nasabi ko. Sorry!" paghingi ko ng paumanhin.

"Ano ka ba? Don't be! Ok lang ako. Tagal na yun. At nakapag-move on na ako."

"At yun ang kailangan mong gawin! Mag-move on!" sabay paandar ng kotse.

"Kung makapagsalita ka naman parang ganung kadali!" pagkontra ko.

"Madali lang naman talaga. At nasa iyo yun!" pagbara nya sa akin.

"Hindi din!" agad kong sagot sa kanya.

"Alam mo ba may nabasa akong article. One week lang daw ang itinatagal ng pain na dulot ng heartbreak!"

"Yung first daw ang pinaka masakit. Two to three days, umiiyak ka pa din. On the fourth day, magsisimula nang magsubside yan. On the seventh day wala na yan."

"After one week, kapag umiiyak ka pa din hindi na daw broken heart yun...." paliwanag nya.

"Ano?" nakasimangot kong tanong.

"Pag-iinarte!.... Nag-iinarte ka na lang! Hahaha!" natatawang sabi nya habang nagdadrive sya palabas ng parking area.

"Wow naman! Expert?" sabay ngiti.

"Hindi naman!" pagkontra nya.

"Teka nga! Barista ka ba o Love Councelor? Dami mong alam." sabay irap.

"Barista!" Agad na sagot nya.

"Ang dami mong alam eh." kantyaw ko sa kanya.

"Based on experience!" Sabi nya.

"Wow naman!" sagot ko.

"Oo. Akala mo ba ikaw lang ang nabroken hearted? Ako din!"

"Hindi nga lang kasing lala ng nangyari sa iyo pero naranasan ko na din ang nasaktan." sabi nya.

"Ay naman! Wala nang tatalo yata sa katangahan ko no!" sabi ko.

"Hindi naman katangahan ang ginawa mo eh." sabi nya.

"Kung hindi katangahan yun.... ano tawag mo dun?" Agad na tanong ko.

"Pagmamahal. Tunay na pagmamahal. Nagmahal ka kaya mo nagawa yung mga sinasabi mong katangahan mo!" seryosong sagot nya.

Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi nya. Tumagos sa puso ko yun. Yun ang unang pagkakataon na may nagsabi sa akin nun. Unang beses na may sumuporta sa mga ginawa ko.

"Lahat naman yata ng bagay magagawa mo basta nagmahal ka ng tunay. Di ba?" sabay ngiti sa akin.

Napatulala ako. Ninanamnam ko ang mga katagang yon mula kay Mark. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Huy!"

"Natanga ka na dyan?" pagsita nya sa akin.

"Sorry ha? Ngayon ko lang kasi naramdaman na parang may sumusuporta sa mga ginawa ko."

"Puro pangangaral kasi ang inaabot ko sa lahat ng nakalaalam ng kwento ko." Maluha luhang sagot ko.

"Tama naman eh. Ganun din naman siguro ang gagawin ko kung akoΒ  ang nasa sitwasyon mo."

"Nakakainggit ang Aldred na yan dahil may nagmamahal sa kanya ng tulad ng pagmamahal."

"Ang pag-iwan nya sa iyo ang best example ng katangahan!"

"Kung ako sya , ikaw ang pipiliin ko."

"Hinding hindi na kita pakakawalan pa." Ang seryosong sabi nya.

Muling gumulong ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Hala!" nag-aalang sabi nya sa akin.

"Sinasabi mo ba yan sa akin para lang pagaanin ang dibdib ko?" Lumuluha kong tanong sa kanya.

"Hindi!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Kaya tigilan mo na ang pag-inarte mo dyan!" pagbiro nya sa akin.

Sumagot lang ako ng isang ngiti sa kanya.

"Ayan! Ganyan dapat! Smile lang!"

"Ang mga taong tulad nya ay di dapat pinag-aaksayahan ng ng mga luha!"

"You deserve to be happy!"

Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa kambyo.

"Salamat Mark!" ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Tama na yan. Magcecelebrate pa tayo! Remember?"

"Kaya punasan mo na ang mga luha mo dahil nandito na tayo."

Ang sinabi nya sabay abot ng tissue sa akin.

(Itutuloy.....)

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...