Jump to content

Axcel Sports (Part 4)


Yonathan

Recommended Posts

Hi po haha yan po mas mahaba na. Merry Christmas! 😊

I felt his soft lips touching mine. I didn't knew what to do, it was my first time. Nakamulagat ang mata ko kaya nakikita ko siya. Nakapikit at parang ninanamnam ang labi ko. Nabigla ako ng binuksan niya ang kanyang mga mata at malambing niya kong tinignan. Naramdaman kong kinagat niya ang ilalim na parte ng aking labi, napaawang naman ang bibig ko kaya napasok niya ang dila niya sa bibig ko. Ewan ko pero gustong-gusto ko ang pakiramdam habang hinahalikan niya ko. Pero alam kong mali to. Tinulak ko siya, at tumakbo nako palabas ng room.

Umuwi ako at agad umakyat papunta sa kwarto ko. Binato ko ang sarili ko sa kama at pinanggigilan ang unan ko. Inalala ko ang paghalik niya sakin. Kung gaano kasarap, gaano kapuno ng pagmamahal. Ewan ko pero di ko pinagsisihan ang halikan naming yun. Bigla ay may tumunog sa phone ko. 4 messages received. Ang unang message ay galing kay Brey, tinatanong kung san ako pumunta. Ang pangalawa naman ay galing kay Azrael. “Axcel, sorry, sorry talaga. Di ko sinasadya. Please sana wag kang mailang sakin. Sorry talaga, di naman ako nagkakaganto sa lalaki dati.” May kakaiba akong naramdaman. Ang pangatlong text ay galing din sakanya. Nag sorry parin siya at sabi ay magkita kami bukas sa outing ng grade 8 council. Ang pangapat na text naman ay galing kay coach. “Hi mvp. We all should be at the school by 5:00. Our school bus will bring us to the resort. Don't be late. Congratulations again.” Nireplyan ko si Brey at nagimpake ng gamit na kakailanganin ko para bukas. Humiga nako sa kama upang matulog ng maalala ko yung "halik" namin. “Bakit niya ginawa yun?” tanong ko sa aking sarili. At di ko namalayang mahimbing na akong natutulog.

Friday.
“Kriiiing! Kriiiing!” Sabi ng alarm clock ko. Nagising ako at 4:00 na. Naligo ako at nagbreakfast pagkatapos ay nagpahatid na sa school. Kung nagtataka kayo kung bakit Friday ay dahil holiday kaya wala namang pasok. Pagkababa ko ay nakita ko ang buong team na handa ng umalis. Nagkamustahan kami at nagyaya na silang pumasok sa school bus. Pagkapasok sa school bus ay nabigla ako dahil nandoon ang varsity team. “For your information, napagusapan namin na isabay na ang varsity team sa outing natin dahil nanalo sila sa interhigh.
Para din makapag recruit sila ng ibang players mula sa inyo.” Sabi ni coach. Nakita ko si Greg na nakaupo malapit sa bintana. Nakaheadset at tumitingin sa bintana. Okay lang na tumabi siguro ako sakanya. Kaya umupo ako sa tabi niya. Napalingon naman siya sakin at tinignan ako tapos ay tumingin na ulit siya sa bintana. Ba't ba ganyan siya sakin!? Nakita ko namang tinitignan ako ni Azrael mula sa harap. Tinignan ko siya at naiilang na ngumiti. Pagkatapos ay nagheadset din at ipinikit ang aking mga mata.

“Hoy pangit. Gising na, tuyo pa laway kadiri.” Minulugat ko ang mga mata ko at nanlaki dahil napakalapit ng mukha ni Greg sa mukha ko. Napatayo ako at nagsorry at mabilis na lumabas sa school bus. Kami nalang pala ang di bumababa. Dumeretso kami sa lugar na tutuluyan namin. 2 na grand suite ang kinuha nila coach. Isa sa varsity team at isa sa grade 8 council. Ang isang room ay may 7 na bed. 13 kami lahat kasama si coach. Inayos namin ang aming mga gamit at lumibot sa resort. Maganda, malinis, at maganda talaga haha. Selfie dito, selfie diyan. Napapansin kong parang naiilang si Azrael pag kasama ako kaya di ko na siya pinansin. Nagpapicture kaming team sa iba't ibang mga lugar. Naligo din kami sa beach. Mag gagabi na kaya bumalik na kami sa hotel. 7 ang beds at 13 kami. Ibig sabihin, may isang tao na magsosolo ng higaan. Nagmakaawa ako kay coach na sana ako yun haha. Kaya heto nakahiga na ko sa bed ko na akong magisa. Ayoko kasing may katabi haha. Nakipagkwentuhan ako sa ibang mga kateammate ko tapos ay napagdesisyonan narin naming matulog. Nagbasa muna ako ng wattpad tapos nung dalawin ako ng antok ay natulog na rin.

Nagising ako ng may naramdaman akong may nakayakap sakin. Tinanggal ko ang kamay niya sakin at humarap. Si Gregory!!! “What the hell?!” Mahina kong bulong sakanya. “Walang space samin kaya dito ako pinatuloy ni coach.” Lumayo ako sakanya at pinilit matulog. Pero naiilang ako, ewan ko ano nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Galaw ako ng galaw
para mahanap ang posisyon na gusto ko upang makatulog. Sinubukan ko pero di ako makatulog. Punong-puno ng katanungan ang isip ko at syempre medyo kinikilig din ako. Nagpalit pako ng pwesto pero biglang naramdaman ang mga bisig niya sa akin. Niyayakap niya ko galing sa aking likod. Naramdaman ko pang ipinatong niya ang kanyang paa sa paa ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Pakiramdam ko ay safe ako pagkatabi ko siya. “Just sleep Axcel, Sleep with me.” He said with his husky voice.

Saturday.
Pagbukas ng mga mata ko ay may nararamdaman parin akong may nakayakap sakin. Tulog parin si Greg at ang amo ng mukha niya habang natutulog. Tulog parin ang lahat. Tinignan ko ang phone ko at 5:30 palang. Mamayang 7 pa kami pupunta sa falls. Wala akong magawa, ayoko na ring matulog dahil baka makatulog ako ng husto at madatnan pako ng nga teammates ko na katabi si Greg. Wala akong magawa kung di ang tumitig sa mukha ng lalaking nasa tabi ko. Tinignan ko ang mga mahahaba niyang pilikmata. Bagay na bagay sakanya. Ang mga kilay niyang medyo makapal. Ang ilong niyang matangos. At ang labi niyang pinkish. Manipis at parang masarap halikan. “Lulusawin mo ba ko sa tingin?” Masungit na pambungad niya sakin. “Sorry, Good Morning.” Tumayo nako dahil medyo napahiya ako. Kinuha ko ang twalya ko at ang mga damit ko tapos ay dumiretso sa banyo. Nilagpasan ko siya pero hinila niya ang braso ko. “Nakatulog ka ba ng maayos?” Nagulat ako ng nakangiti na siyang tumingin sakin. “Ah-ah oo.” Namumula pa yatang sabi ko kasi ramdam kong mainit ang pisngi ko. Tapos ay nagpatuloy na ko sa banyo at naligo.

Dapat pala di nako sumama sa punyetang falls na to. 2 hours ba naman kaming maglalakad kasi aakyat kami ng bundok. 1 oras na kaming naglalakad at nananakit na ang paa ko. Di ko naman pinapahalata sa mga kasama ko kasi baka magalala pa sila. “Okay ka lang?” Nagaalalang tanong ni Azrael. Tumango nalang ako bilang sagot. Nang nakita kong paakyat ang lalakarin namin ay bigla akong nanlumo. Napansin ata ni Azrael. Nagulat ako ng tinawag niya ko at lumuhod siya ng kaunti at yumuko. Sabay sabi niya ng “Piggy Back Ride? Alam kong masakit ang paa mo.” Sabi niya habang nakangiti. Kinilig naman ako ng very very light haha. Pagkatapos ay sumakay na rin ako sakanya. Medyo magaan naman ako kaya di naman siya nahirapan. Napansin kong pinagtitignan kami ng mga kasama namin. Lalong-lalo na si Gregory. Parang nandidiring tumitingin siya sakin. Medyo nailang nako kaya nagpababa nako sakanya. “Okay pa naman ako, di ka naman ganun kabigat.” Sabi niya sabay ngiti. “Salamat, Azrael. Medyo ayos na ang paa ko kaya pwede nakong maglakad.” Sabi ko at nagtuloy nako sa paglalakad. Bako-bako, madamo, pataas, pababa. IN SHORT DI MADALI ANG DAAN. Pagkatapos ng medyo matagal-tagal ring paglalakad ay narating din namin ang aming ipinunta. Parang di totoo ang aking nasasaksihan. Walang akong magawa kung di ang mapanganga dahil sa kagandahan ng falls. Maririnig mo ang malakas na pagbagsak ng tubig mula sa tuktok na bato. “Ligo naaa!” Sigaw ng mga kasama namin. “Ganda no?” Sabi ni Azrael habang nakatingin sa falls. “Sobra.” Namamangha kong sabi habang nakatingin din sa falls. “Siguro nga walang madaling daan para maramdaman natin ang kasayahan ng mamuhay sa mundo. Kailangan magpagod at magtiis upang makita ang mga magagandang bagay na naghihintay upang ating masaksihan.” Lumingon ako sakanya at nakatingin na siya ng deretso sakin. Wala akong masabi. Napakalalim ng kanyang pinagsasabi. Siguro nga ay kailangan nating magtiis at magpagod para makita natin at maramdaman ang kakaibang mga bagay sa mundo. “Tara ligo na.” Nakangiti niyang yaya sakin. Di naman na ako nagsayang ng oras kaya sumama nako sakanya. Lumusong kami sa tubig at ramdam na ramdam mo talaga ang kalamigan ng tubig. Naghubad siya ng tshirt niya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Omygosh yung katawan niya pwede ko ng iulam hahaha landi. Sobrang define ng body niya at may kaunti siyang abs. Naglakad pa kami hanggang medyo nakarating na kami malapit dun sa may binabagsakan ng tubig. “Ang tagal ko tong pinagiisipan.” Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. “Axcel what have you done to me? You turned my life up side down.” Medyo natatawang sabi niya pa. “Axcel lumalalim na ang pagtingin ko sayo.” Pagpapatuloy niya. Naramdaman ko ang pag haharumentado ng puso ko. “Axcel I like you. A lot.” Bulong niya Habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I was out of words. Tinignan ko siya at pakiramdam ko ay parang kaming dalawa lang ang nasa lugar na to. “I like you too.” Mahina kong bulong. Medyo nagliwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko. “Re-really?!!!” Di makapaniwalang sigaw niya. Natawa tuloy ako sa ekspresyon niya. “What's funny?” Medyo nakasalubong na kilay na sabi niya. “Please tell me you're not joking.” Nakanguso at parang nagmamakaawang sabi niya. Pagtritripan ko muna siya haha. Tumalikod ako sakanya at nagpatuloy sa paglakad. Alam kong sumusunod siya. “Hey you” “Hoy Paasa” “Hoy please tell me you're kidding me.” Mga sabi niya habang nakatalikod ako sakanya. Nainis na talaga siya kaya hinabol na niya ko at hinila ako at umahon na kami sa tubig. “If you're gonna play with my feelings please stop it!” Galit niyang bulong sakin. “I am not. Honestly, I like you, a lot t--” Bigla niya nalang akong niyakap. Parang bata hahaha. Pagkatapos ay bumaba na kami sa bundok at bumalik sa tinutulugan namin.

Mas naging close pa kami ni Azrael dahil puro kami kwentuhan habang pababa sa bundok at habang nasa sasakyan pauwi. Tumabi narin siyang nahiga sakin. Nakita kong medyo nagulat si Greg ng makitang magkatabi kami sa kama ni Az ngunit wala siyang nagawa. Nahiga siya sa lugar dati ni Greg. Nakita kong nakatingin siya sakin kaya sinulyapan ko siya pero nagiwas lang siya ng tingin. Natulog na kami ni Azrael. Walang yakap yakap o kahit ano.

Sunday. Nagiimpake na kami ng aming mga gamit dahil uuwi na kami. Pumasok nako sa bus at naghahanap ng pwesto. “Hey, can you sit with me?” Walang emosyong sabi ni Greg. Wala namang masama kaya nginitian ko siya at naupo ako sa tabi niya. Gumalaw na ang bus at bumyahe na kami. Nagtext bigla si Az. “Ba't sakanya ka tumabi?“ Nireplyan ko siya na medyo masikip kasi sa likod at nagheadset na rin katulad ni Greg. Napansin kong kanina pa nakabusangot si Greg. “What's with the face? Do you know how to smile? Haha” Pangaasar ko sakanya. “Ofcourse I do, but I don't want to.” Masungit niyang reply sakin. “What is your problem? Why are you so grumpy? Haha.” Pangaasar ko pa sakanya. “Wanna know my problem?” Seryoso niyang sabi sakin. Natigilan ako kaya itinanggal ko ang headset ko at tinanggal niya ang kanya. “I guess.” Reply ko sakanya. “It's because I'm into this person who isn't into me.” Medyo malungkot na sabi niya. Gago ata yung taong yun, ano pang hanap niya sa isang Gregory Guevara. Nacurious tuloy ako. “How sure are you that that person isn't into you?” Tanong ko. “It's because he didn't let me sleep with him last night.” Sabi niya at binalik ang headset sa tenga at humarap sa bintana. Napahinto ako sandali at nabigla sa impormasyon nalaman ko. I can't believe that the person I'm into for 2 years is now into me. Di na niya ko pinansin kaya di ko narin siya pinansin. Naidlip ako ng saglit. Naalimpungatan ako at nakita kong nakasandal ang ulo ni Greg sa balikat ko. I smelled his hair. So damn good. But I know that this is wrong. I'm being with 2 persons at the same time. Nagisip pako ng nagisip. Ang haba ng hair ko ah haha. Nagising si Greg at nabigla siya ng nakasandal siya sakin. “So-sorry.” Nauutal niyang sabi. Sinabi ng driver na malapit na kami sa school kaya naghanda na kami. Nakarating na kami sa school at bumaba na.

Pagkababa ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Natext ko na rin ang driver namin kaya hinihintay ko nalang siya. “Hey. Napagod ka ata?” Nakangising sabi ni Az sakin. “Konte lang naman.” Sabi ko sakanya. Napansin kong nakatingin samin si Greg. “Uwi ka na, hihintayin ko pa driver namin.” Sabi ko sakanya. Tumango naman siya at nagpaalam sakin. “See you sa monday text moko pag nauwi ka na.” Ngumiti naman ako at natango sakanya. Umalis na siya at naghintay lang ako sandali dun. Biglang umulan kaya tumakbo ako sa may gate ng school. Bigla kong nakitang tumatakbo rin si Greg papalapit sa gate ng school. Medyo basa na siya. “Ba't di ka pa umuuwi nagcocommute ka naman diba?” Sabi ko sakanya. Ang lakas ng ulan. “Sino namang tanga ang iiwanan ka.” Natigil ako. Biglang tumaas ang balahibo ko, di ko alam kung dahil sa sinabi niya o malamig lang talaga. “Inabutan ka pa tuloy ng ulan.” Sabi ko sakanya. “I won't go until you leave.” Malamig na sabi niya. Naupo naman siya sa tabi ko. “Gre-Greg, Alam mo ba-bang crush kita gra-grade seven palang a-ako.” Sobrang nahihiyang sabi ko. “I know.” nakangising sabi niya sakin. “What?!” Medyo napalakas kong sabi. “Nahalata ko lang. Everytime may game kasi kami, sakin ka lang nakatingin. Tsaka nung valentines day. Nakita kitang naglagay ng sulat sa locker ko.” Natatawa niyang sabi sakin. Naginit naman ang pisngi ko at di ako makatingin sakanya. Greg is currently a grade 10 student. 2 years ahead lang siya sakin. “There's no need to be shy, Axcel. I told you, I'm into you. Are you into that Azrael?” Medyo nawala na ang ngiting sabi niya sakin. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko. Ramdam na ramdam ko iyon. Ba't ganto ang nararamdaman ko tuwing magkaharap kami? “I a-am not. He's a friend.” Napatigil naman kami sa paguusap ng biglang dumating ang sasakyan namin. “Sorry po sir Axcel, medyo baha na rin kasi sa ibang daan kaya kinailangan ko pang humanap ng daan para di ako dumaan sa baha.” Paguumanhin ng driver namin. Malakas parin ang ulan. “Greg, we'll give you a ride.” Baling ko sakanya. “No thanks, I'm fine. You go home.” Ngiting sabi niya sakin. Ngayon ko lang siya nakitang ganto kasaya. Gumagwapo siya lalo. “Come on. Please?” Pag mamakaawa ko sakanya kunware. Napapayag ko naman siya at sumakay na sa kotse.

“So how did you like me?” Bulong ko sakanya. Napansin kong namula siya at medyo nailang. Tapos medyo basa pa siya, ano to wet look huhu so hot. “I do-don't know. I just felt it.” Sabi niya. “San ka bababa?” Sinabi niya sa driver ko ang address niya. Bumasok kami sa exclusive na village. Napakaganda ng mga bahay. Huminto kami sa sobrang laking bahay. Medyo malaki pa ito ng kaunti sa bahay namin. “Are you into me too?” Bigla niyang tanong sakin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. “Ye-yes. I'm into you.” At nagpaalam nako sakanya.

Sino bet niyo guys haha Azrael o Greg?

Itutuloy...

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...