Jump to content

Piliin ang Mas Mabuting Buhay


BCXR28

Recommended Posts

Noong bata pa ako, pinakain ako ng nanay ko ng Spaghetti. Akala ko ay iyon na ang pinakamasarap na pagkain! Tapos natuklasan ko ang yum burger. Nabago ang aking buhay mula sa mabuting buhay patungo sa mas mabuting buhay. Masarap ang Spaghetti, ngunit mas masarap ang malinamnam na yum burger.

Maaaring akala mo ay mayroon ka nang mabuting buhay sa ngayon, ngunit kung may pagkakataon para magkaroon ka ng mas mabuting buhay, hindi mo ba nanaising malaman ang tungkol dito?

Sa kasamaang-palad, ang pumipigil sa atin na makamit ang mas mabuting buhay ay ang walang katuwirang pag-iisip ng pagiging sapat sa sarili o self-sufficiency. Tingin natin ay ayos lang tayo sa ating pag-iisa.

Binabanggit ito nang tulad sa Awit 10:4: "Ang sabi ng masasamang tao, 'Diyos ay walang pakialam,' sabi nila'y 'walang Diyos,' dahil sa kanilang kahambugan." (RTPV05).

Katulad ng may-ari ng bahay-panuluyan sa kwento ng unang Pasko (Lucas 2), hindi tayo naniniwalang kailangan natin ng marami pang mga panauhin. Tingin natin ay nasa atin na ang lahat ng kailangan natin.

Mayroon lamang isang problema sa kahambugan na yan: Nakakaligtaan mo ang pinakadahilan ng paglikha ng Diyos sa iyo. Nilikha ka ng Diyos upang magkaroon ka ng pakikipag-ugnayan sa Kanya. Hindi mo maisasakatuparan ang layunin niya sa buhay mo, na higit na engrande at higit na makabuluhan kaysa sa iniisip mo, maliban na lamang kung ikaw ay nakaugnay sa Diyos, ang tunay na pinanggagalingan ng lakas mo.

Ngunit ang magandang balita ay hindi pa huli ang lahat. Maaari kang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanya kahit anupaman ang nangyari sa iyong nakaraan, kahit na ilang beses mo na siyang tinanggihan noon.

Ginawa nang simple ng Diyos upang maintindihan ng sinuman. Tatlong salita lamang: Anyayahan mo Siya.

Sinabi ni Jesus, "Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo." (Pahayag 3:20 RTPV05).

Kumakatok si Jesus sa iyong pintuan. Kamtin mo ang mas mabuting buhay sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa Kanya sa iyong buhay. Gawin mo siyang panginoon ng iyong buhay.

Babaguhin nito ang lahat. 

 

Maligayang pasko sa lahat! 

FB_IMG_1640301852703.jpg

Link to comment
Share on other sites

  • 2 years later...

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...