Skip to content
View in the app

A better way to browse. Learn more.

BenLotus

A full-screen app on your home screen with push notifications, badges and more.

To install this app on iOS and iPadOS
  1. Tap the Share icon in Safari
  2. Scroll the menu and tap Add to Home Screen.
  3. Tap Add in the top-right corner.
To install this app on Android
  1. Tap the 3-dot menu (⋮) in the top-right corner of the browser.
  2. Tap Add to Home screen or Install app.
  3. Confirm by tapping Install.

Surrender the canvas

Featured Replies

Nakikinig ang Diyos nang may pakikiramay sa ating mga kabiguan sa buhay, batay sa kanyang obserbasyon sinasabi nya sa atin “Anak, sa tingin ko ay nagpinta ka na ng larawan kung ano ang nais mong hitsura ng buhay mo. Alam kong mahirap, pero panahon na siguro para isuko mo ang kuwadro at manalig sa Diyos para magpinta ng bago. ”.
Tama siya. Hindi lamang ako nagdadalamhati sa buhay na nakikilala ko, pero pati na rin sa iniisip kong buhay na gusto ko. Kalungkutan sa tuktok ng kalungkutan. Karamihan sa atin ay gumugugol ng oras sa pag-iisip kung ano ang magiging itsura ng ating mga buhay. Tayo ay nagpipinta ng larawan sa ating isipan ng ating mga kasal, mga anak, mga trabaho, mga kaibigan at pati na rin ang mga oras kung kailan natin makakamit ang mga ito. 
Mabuti ang pagkakaroon ng pananaw, pero anong mangyayari kung ang ating mga pangarap at mga inaasahan mangyari ay dinurog ng pagkabigo ng buhay? Ng pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkasira ng relasyon sa asawa, o pagkawala ng trabaho? Paano tayo tutugon? Magagalit ba tayo sa Diyos at tutugon nang may kapaitan? Mangangako ba tayo na hindi na mangangarap muli, dahil masyadong masakit ang umasa? O, handa ba tayo buksan ang ating mga kamay at isuko ang kuwadro ng ating buhay sa Diyos?
Ako rin ay nagpinta ng kuwadro kung ano sana ang magiging buhay ko, pero natuklasan ko na ang kuwadro ko ay hindi tulad sa kuwadro na ipinipinta ng Diyos para sa akin.
Ang pantasya ay pwede ring maging idolatriya. Ito ay nangyayari tuwing nilalagay natin ang ating pananalig sa imaheng sariling gawa natin. Mas madaling manalig sa bagay na ating nakikita at nakokontrol, kaysa sa Diyos na hindi natin nakikita at wala sa ating kontrol.
Ang tunay na relasyon at kalapitan ay maaaring nakakatakot. Ang paghilom ng sugat ay nakakatakot. Ang mga bagay na ito ay nangangailangan ng pananalig at tapang upang maglakad kasama ang Diyos sa mga daanang hindi natin kilala at hindi maiisip dumaan. Pero ang Diyos, ang ating Diyos, ay nais tayong dalhin sa isang paglalakbay. Gagawin Niyang maayos ang magagaspang na mga lugar at magbibigay ng ilaw kung saan wala.
Kung tatanggapin natin ang liwanag ng Diyos na tumagos sa ating mga puso, kaya Niyang ilantad ang tunay na pinagmulan ng ating sakit, upang mangyari ang pagpapagaling. Sa ganoong paraan lamang natin makikita nang malinaw kung ano ang nagtulak sa atin na tumakas sa pantasya. Sa ganoong paraan lamang natin maisusuko ang kuwadro ng ating mga buhay sa isang mabuting Diyos, dahil batid nating kaya Niyang gawin ang higit at mas masagana pa sa ating hinihingi o kayang isipin!

FB_IMG_1625615545885.jpg

Create an account or sign in to comment

Account

Navigation

Search

Search

Configure browser push notifications

Chrome (Android)
  1. Tap the lock icon next to the address bar.
  2. Tap Permissions → Notifications.
  3. Adjust your preference.
Chrome (Desktop)
  1. Click the padlock icon in the address bar.
  2. Select Site settings.
  3. Find Notifications and adjust your preference.