Jump to content

Deferred Dreams


BCXR28

Recommended Posts

Magulo ang aking isipan sa aking kabataan, madaming nangyari na wala sa plano. Mga pangarap ko'y naudlot. Nawalan ng pag asa at nalugmok din ako sa lungkot gaya ng karamihan.

Pumasok si Jesus. 
Sa Kanya, natagpuan ko ang grasya, paggaling, at ang daan patungong kalayaan. Nagsimula akong mangarap ulit. Nangarap ako ng araw na magkakaroon ako ng tahanan na may puting kahoy na bakod, at berdeng damuhan kung saan ang mga laruan ng aking mga anak ay nakakalat. Nangarap ako ng isang pamilyang buo kung saan kami lahat ay magkakapareho ng apelyido. Ang pangarap ko kumakatawan sa kaligtasan at katatagan— isang bagay na hindi ko masyadong naranasan sa aking pagkabata.
Nagkaroon ako ng maling paniniwala na kapag pumunta ako sa simbahan tuwing Linggo, binasa ang tamang mga libro, at gawin ang tamang mga bagay, ang aking mga pangarap ay maaabot ko at hindi na magkakaroon ng mga gulo at problema sa buhay dahil kay Jesus. 
Sa loob ng ilang taon, lahat ay ayon sa plano. Ikinasal ako at nagkaroon ng magandang mga sanggol, at may tahanan na may bakuran. Sa ganda ng buhay ko noon, pati ako ay nainggit sa sarili ko! 
Noong nalaman ko na ang asawa ko ay may karelasyong iba at isinuko ko ang aming relasyon, nagpakalayo layo kami ng aking mga anak, naramdaman ko na lahat ng pag-asang natitira para sa aking buhay ay naglaho. Ang buhay na pinangarap ko ay tuluyang nagkawatak-watak. 
Sa kanyang tulang, “Harlem”, si Langston Hughes ay may tanong, “Anong mangyayari sa isang pangarap na ipinagpaliban?”  
 “Natutuyo ba ito
      tulad ng pasas sa ilalim ng araw?
      O magnanana tulad ng isang sugat—
      at puputok?”
Naniniwala ako na ang anumang nangyayari sa ating mga pangarap kapag ipinagpaliban, hindi naabot, o nawasak ay depende sa taong nangangarap.  Ang ating pagtugon ang magpapasiya kung tayo ay mapapalapit patungo sa pangarap ng Diyos para sa atin o lalong mapapalayo.
Pagkatapos ng pagtatapat ng aking asawa, naharap ako sa isang pagdedesisyon.…
Saan ko ilalagay ang aking pag-asa? Ilalagay ko ba ito sa pangarap ko para sa buhay? O ilalagay ko ba ito sa Diyos?
Ayon sa Biblia, ang pag-asa na naipagpaliban ay nagbibigay sakit sa puso, pero ang pag-asa kay Jesus ay isang angkla ng ating kaluluwa.  Hindi ko mababago ang nangyari, gustuhin ko man ito, pero kaya kong magpasya kung paano ako tutugon. 
Inaanyayahan ko kayo na magnilay sa mga sumusunod na mga tanong: Saan ba nakalagay ang pag-asa mo ngayon? Ang pag-asa mo ba ay sa iyong pangarap na buhay? O ang iyong pag-asa ba ay nasa Tagapamigay ng mga Pangarap?

FB_IMG_1625443159295.jpg

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...