BCXR28 Posted June 8, 2021 Share Posted June 8, 2021 Kapag may gumugulo sa iyong pinakamatalik na kaibigan, napakahirap para sa iyong magustuhang ang taong ito, hindi ba? Ganyan din ang Diyos sa atin—ang Kanyang mga anak. Hindi magiging tama ang iyong ugnayan sa Diyos kung may sinasaktan ka sa isa sa Kanyang mga anak. May direktang kaugnayan ang iyong ugnayan sa ibang tao at ang iyong ugnayan sa Diyos. Kaya nga, bago natin ayusin ang ating ugnayan sa Diyos, kailangan nating ayusin ang ugnayan natin sa ibang tao. Sa Lumang Tipan, nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng handog sa altar. Ang mga tao ay maglalakbay ng ilang arawupang ibigay ang kanilang handog. Sa kanilang pagdating dito, malamang na pagod na sila. Habang nasa isip natin ang kontekstong ito, sinabi ni Jesus sa Mateo 5 na kung ikaw ay nagbibigay ng handog sa altar at naalala mong may isang taong hindi mo kasundo. kailangang puntahan mo siya at ayusin mo muna ang inyong ugnayan. Nakuha mo ba ito? Kahit na ilang araw na silang naglakbay, kailangan pa rin nilang bumalik at ayusin ang kanilang salungatan sa taong hindi nila kasundo, at magiging isang kasayangan ang kanilang buong paglalakbay. Maaaring tila sobra naman ito, ngunit hindi nakikipagbiruan si Jesus. Batid Niya ang isang bagay na madalas nating nakakaligtaan: Hindi ka magiging maayos sa Diyos kung hindi ka maayos sa ibang tao. Ngayon ay batid na natin kung gaano kahalaga sa Diyos ang salungatan. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now