BCXR28 Posted March 28, 2021 Share Posted March 28, 2021 Verse of the day: Mga Hebreo 10:22-23 [22]Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. [23]Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan. Reflection: Sabi po dito lumapit tayo sa ating Diyos ng may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. At may malinis na budhi. Sapagkat nilinis na ang ating mga puso.hinugasan na ang ating katawan ng dalisay na tubig. Sa panahon po ngayon sa mga ngyayari po sa ating buong mundo. Tanging sa ating Diyos nalamang ang ating pagasa. Sakanya nalamang tayo aasa na malalagpasan din natin ang lahat ng ito.dahil siya lang ang talagang nakakaalam kung hangang kaylan ito. Kaya nararapat lang na lumapit tayo sa kanya humingi tayo ng tulong. Na ipakita niya sa atin kung ano po ung gusto niyang makita natin.lagi lang po kasi tayong nanalangin kung ano ang mga gusto nating ipag pray. Para sa sarili natin or kung ano pa man. Pero hindi natin nasasabi or natatanong sa kanya. Na ipakita niya sa atin kung ano ang gusto niya na makita natin or gawin natin. Sa panahon po ngyun wala po tayong kakayanan na gawin ang mga bagay bagay na hindi natin siya kasama at wala ang gabay nya sa atin. Kaya wag mo taung mawalan ng pagasa. Mapagtatagumpayan po natin itong pag subok na ito na kasama natin ang ating Panginoong Jesus. Amen po. Prayer: Lord nagpapasalamat po kami sa inyo sa kabutihan ninyo sa buhay ng bawat isa sa amin. Salapat po sa pag iingat ninyo sa bawat isa sa amin lalong lalo na po sa mga kapatid namin na lumalabas lagi sa bahay,bumibiyahe para pumasok sa kanilang trabaho. Lord patuloy mo po silang gabayan sa kanilang pag pasok. Balutan nyo po sila ng inyong banal na dugo upang ilayo sila sa ano mang karamdaman o sakit sa ating kapaligiran. At patawarin nyo rin po ang bawat isa sa amin sa pag kukulang namin sa inyo Lord. Naway patuloy nyo po bigyan ng pag-asa ang bawat isa sa amin. Lord maraming maraming salamat po. Kaya nararapat lamang po na kayo ay purihin,pasalamatan,sambahin,sa pangalan ng ating Diyos. Amen and Amen. Magandang gabi po sa lahat. 2 Link to comment Share on other sites More sharing options...
Grey Posted March 28, 2021 Share Posted March 28, 2021 Amen 1 Link to comment Share on other sites More sharing options...
zanjoe20 Posted March 28, 2021 Share Posted March 28, 2021 Amen 1 Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now