Jump to content

"Ang Lingkod Mo Ama" pa rate ng tula ko guys 5/5


kingrobert
 Share

Recommended Posts

Ang Lingkod Mo Ama

 

Ang kalakasan ko sa laman
Sa kautusan Mo ilalaan
Mga pagsubok sa aking daraanan
Tulong Mo ang maaasahan

 

Alipin Mo akong walang kabuluhan
Ako Sayo ay naninilbihan
Mga kagustuhan ko ay nilayuan
Upang Ikaw ay mapagsilbihan

 

Ikaw ang nagbibigay ng nasa
Na gumawa akong tama
Pagtulong ko sa aking kapwa
Nawa'y ikalugod Mong tuwina

 

Umaawit Sayo ng mga himno
Upang maluwalhati Kitang todo
Mga biyaya na galing Sayo
Pasasalamat ang ganti ko

 

Daing ko sa aking panalangin
Ako sana'y Iyong dinggin
Oh Dakilang Ama na Mahabagin
Kasalanan ko sana'y patawarin

 

Makikisama ako sa iyong bayan
Upang mapanatili ang kapayapaan
Ako'y susunod sa iyong kautusan
Hanggang sa walang hanggan

  • Love 2
Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
 Share

×
×
  • Create New...

Important Information

We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue.