Showing results for tags 'health is wealth'.
-
NCLEX Pass Rates Don't Lie!Many nursing graduates fail the NCLEX-RN or NCLEX-PN on their first attempt. Too often nursing schools do not assist them in preparing to retake the exam. Unsure of what to do next, these graduates delay or NEVER retake the exam!This is UNACCEPTABLE considering all the personal and financial sacrifices, energy and time nursing graduates invest in nursing school!Let's Help you succeed without going through the regular Exam Prep stress
- 2 replies
-
- nurse
- health is wealth
-
(and 2 more)
Tagged with:
-
Tanong: Binigyan ako ng doktor ng maintenance medicine para sa high blood pressure. Pero itinigil ko na ang pag-inom nito dahil sabi ng iba ay nakasisira ito sa kidneys.Sagot: Huwag po itigil ang gamot. Ang mga gamot sa high blood tulad ng amlodipine, losartan, metoprolol, at iba pa, ay safe para sa iyong kidneys (bato). Sigurado po ako.Sa katunayan, kapag uminom ng ganitong gamot ay mas ma-pro-protektahan mo ang iyong kidneys dahil magiging normal ang iyong blood pressure. Kapag normal ang iyong presyon, hindi mahihirapan ang kidneys.Kung gusto niyong malaman kung anong gamot ang puwedeng makasira sa kidneys. Ito ay ang matagalang pag-inom ng pain relievers tulad ng mefenamic acid at ibuprofen.Tandaan natin na ang pangunahing sanhi ng kidney failure at dialysis sa ating bansa ay ang high blood pressure at diabetes.Kapag inihinto mo ang iyong maintenance na gamot ay posibleng tataas muli ang iyong blood pressure. At kapag laging lampas sa 140 over 90 ang iyong blood pressure, masisira na ang iyong kidneys, puso at utak sa loob ng ilang taon.Kaibigan, huwag na huwag titigilan ang iyong maintenance na gamot. Ang mga gamot na ito ang nag-aalaga sa iyong puso at utak para ikaw ay hindi ma-istrok at atakihin sa puso. Mura na rin ang mga gamot ngayon sa mga generics na botika.Sana ay mapakuha niyo lagi ang iyong blood pressure. At kung mataas ito sa 140 over 90 ay magpatingin na sa doktor para mabigyan ng tamang gamot. Sa tamang dosis at pag-inom, wala kayong dapat ikabahala sa mga maintenance na gamot.