Jump to content

3 sugatan sa bangaan ng cement mixer, kotse sa Taytay. (September 02,2018)


Yumeko

Recommended Posts

MANILA - Tatlo ang sugatan matapos magsalpukan ang isang cement mixer at kotse sa Taytay, Rizal ngayong Linggo ng umaga.

Papunta sana sa Antipolo ang kotse nang bumangga ito sa mas malaking sasakyan sa kabilang panig ng kalsade sa Brgy. Dolores.

Sa lakas ng impact, tumagilid ang cement mixer habang nawasak naman ang harapan ng kotse.

Nagtamo ng minor injuries ang driver ng cement mixer at kasama nito, habang isinugod naman sa ospital ang driver ng kotse dahil sa iniinda nitong sakit sa leeg at likod.

Inaalam pa kung sino ang may kasalanan sa salpukan. Isa sa mga tinitingnan dahilan ng banggaan ay ang pag-counterflow ng isa sa mga sasakyan, ayon sa mga imbestigador.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Link to comment
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
×
×
  • Create New...