Welcome to BenLotus Discussion Board

Register now to gain access to all of our features. Once registered and logged in, you will be able to contribute to this site by submitting your own content or replying to existing content. You'll be able to customize your profile, receive reputation points as a reward for submitting content, while also communicating with other members via your own private inbox, plus much more! This message will be removed once you have signed in.

Roger

Ano ang opinion nyo sa Philippines Drug War?

Yung nag order si Duterte pumatay sa mga drug addict at drug dealer.

ano sa palagay nyo?

Mas nagiging safe ba ang Pilipinas?

Oo maraming namamatay... Pero mas marami pa kaya namamatay or gulu dahil sa mga adik?

Pansin ko bumabawas ang crime sa Pilipinas.

Share this post

Link to post
Share on other sites

Ang dapat pong sugpuin ay yung mga nakikinabang sa drugs. Yung mga yumayaman sa paggawa at pagbebenta, yung mga maginhawa ang buhay habang (to use your words) maraming namamatay.

Hati po ang isip ko: bilang isang mamamayan, umaayon ako sa ganitong pamamaraan; ngunit bilang Kristiano at health worker, hindi maalis sa isip ko na puro biktima lang ang mga namamatay.

Alam ko na po ang itatanong sa akin ng mga "pro": paano kung kamag-anak mo ang nabiktima? paano kung ikaw? (Huwag naman po sanang mangyari sa atin). Like I said, hati po ang isip ko.

Share this post

Link to post
Share on other sites

Para sa akin dapat yung mga drug dealer ang papatayin. Gamitin ang mga Adik Para hanapin ang drug dealer

Share this post

Link to post
Share on other sites

Patayin lahat ng adik at drug dealer hanggang sa pinakamataas pati mga gumagawa ng drugs haha! Salot mga yan ih haha. Isama na yang bastos na si Trillanes walang ambag sa Pinas!😆😂

Share this post

Link to post
Share on other sites

Hindi pa din nawawala ang drugs hanggang ngayon.. May namamatay na drug lord, may pumapalit din.. Tsk tsk tsk

Share this post

Link to post
Share on other sites

Mas maraming namamatay na kriminal keysa mga inosenting tao ngayon..Mas safe na nga gumala sa streets ng cebu ngayon kahit gabi..Yung drugs d yan mawawala pero na miminimized..sa province ko at nearby wala na gaano drugs nagbebenta d pareha noun sobrang malala..

Share this post

Link to post
Share on other sites
On 2 September 2018 at 5:34 PM, RDZ said:

Hindi pa din nawawala ang drugs hanggang ngayon.. May namamatay na drug lord, may pumapalit din.. Tsk tsk tsk

Hindi naman kasi mawawala ang drugs. Kahit saang bansa pa yan. Uunti pero di mawawala.

1 person likes this

Share this post

Link to post
Share on other sites
5 hours ago, Mackaizer said:

Hindi naman kasi mawawala ang drugs. Kahit saang bansa pa yan. Uunti pero di mawawala.

Exactly. So kahit sino pa papatayin nila d na mawawala yan. Sakin lang mas mabuti cguro kung yung priorities ng governance nya itutok muna sa kumakalam na sikmura. Pag gutom yung tao umiiba na takbo ng pagiisip..

Share this post

Link to post
Share on other sites

matanong lang mga bossing.. bakit nga ba nauudyok ang isang tao na gumamit ng droga?  Ano sa palagay nyo?

Share this post

Link to post
Share on other sites

Curiousity, Barkada, Party, Trip, Depression. Depende lang talaga sa mga tao kong magpakaadik pero majority ayy naaadik talaga. Ang hirap ng magbago pagnalulong ka sa druga. Dami na akong kakilala na ganito sayang lang ang buhay nila. 

Share this post

Link to post
Share on other sites

Di na mawawala talaga yan kahit sa mga malalaking bansa di nila makontrol talaga yan, nababawasan pero di totally mawawala. Dito sa atin cguro para malilimitihan ang paggamit ng droga at pagdami ng mga adik mas maganda cguro na kaysa patayin e mas bigatan na lang ang parusa sa mga mahuhuling pusher at user (malaking multa at mahabang taon ng pagkulong) yung walang piyansa para mas matatakot sila. Kung wala kasing user wala ding pusher.

Share this post

Link to post
Share on other sites
6 hours ago, Wined said:

Dito sang ayon ako.. Mas ok sakin na yung mga corrupt na officials na lang pa tegi ni duterts.. Yan wala talagang lunas yan.. Ang pagkasakim at gahaman ewan ko lang kung me gamot na maiimbento para mawala yan..

Andami kong kilalang user na nagbago na pero pinatay pa rin.. Kasi nga may quota yung task force. Pag walang ebidensya para mahuli, lalagyan.. Pag pumalag ka timbugin na lang.. O diba ayos? Bawas sa quota.. Ang galing!!!

Edited by RDZ

Share this post

Link to post
Share on other sites

Personally.. Hindi ako mabuting tao.. Naglalaklak ako.. Nagyoyosi.. Nag doobie din ako.. Hiyang ako sa doobie eh.. Pero ang bottomline is depende pa din yan sa pagcontrol mo. Madaming psychological, psychosocial, at physiological factors na nagtutulak sa isang tao para maging adik. Dpende din yun sa coping mechanisms at support system na nakapalibot sayo..

Nakakalunkot talaga isipin.. Sino ba talaga ang dapat sisihin? Bakit ba ganun na lang ang naging desisyon ng presidente natin tunkol sa pag sugpo sa droga? Mas nakakatulong ba talaga pumatay ng kung sino sino na lang na nasa listahan nila? Ano ba magagawa natin para makatulong? 

Ahahahahahahaha... D ba masarap mag isip ng ganito? 

Share this post

Link to post
Share on other sites

Ito po, medyo out there: What if gawin nalang legal ang drugs? Kahit anong klase, kahit yung nakamamatay, basta 21 y/o pataas, nasa hustong katinuan, subsidized pa ng government kung gusto nyo. Pero kelangan sa mga "hospitals" lang sila mag-stay.

Mabawasan kaya ang krimen na naguugat sa drug addiction?

Madalas po kasi natin isinisisi sa pagiging adik yung isang krimen; murder, rape, etc. Hindi po ba pwedeng halang lang talaga ang kaluluwa nya at nagkataong adik? Sa kabilang banda, mga pagkakataon din naman pong nagnanakaw/nakakapatay ang isang adik dahil kelangan nya ng pambili.. marami pong scenarios

Ano ang opinyon nyo tungkol dito?

Sir @RDZ, sang-ayon po ako, mas productive kung magiisip tayo ng solusyon

Share this post

Link to post
Share on other sites
18 hours ago, stars said:

Yes maam  @stars ok yang naisip mo pero d ata kaya ng government natin mag sustento ng ganyan. Dinadaan talaga sa negosyo.. Tsaka if addiction lang hindi lang sa drugs yun pati sa alcohol na din.. Lahat yan may different effects sa atin. Yun lang talaga mahirap pag aralan kasi iba iba yung effects nung substances sa bawat tao.. Me kinalaman talaga yan sa pag iisip ng bawat isa. Health worker dn ako kaya madami akong na witness na substance abuse.. Ang hirap talaga e manage yun lalo na pag walang support system.. 

Tama yung sinasabi mo yung krimen hindi naman talaga nag uugat yan sa drug addiction. Unang una yung kawalan ng pagkain at maipoprovide na pagkain.. Kahirapan ang ugat nun.. Yung iba dinadala na lang sa bisyo. Ginagawa na lang talaga dahilan yan dahil yan ang kadalasang bagsak ng marami.. Pero may factors dn na drugs yun sanhi kasi nga nag aalter yan ng consciousness..

Walang katapusan ang topic na to.. Kaya ako nag aantay dn ng opinyon nung mga kasama natin jan.. Hehehe

Share this post

Link to post
Share on other sites
7 hours ago, RDZ said:

Malay natin sir, dito pa sa thread na to sumibol ang pangmatagalang solusyon sa drug addiction. :D Hindi nga uubra yang idea ko dito sa Pilipinas.. siguro sa European/North American countries may konting chance.

Edited by stars

Share this post

Link to post
Share on other sites

Sa akin alam kong maraming tao pa rin ang di sangayon dito. Pero kung iisipin ng mabuti. Mas maraming inosenteng buhay ang mapoprotektahan. At meron ng kinakatakutan ang mga drug dealers/addict kase alam nila na may ginagawa ang gobyerno.

Share this post

Link to post
Share on other sites

Para sakin. Good ako sa Drug on war, kasi sa lugar na pinang galingan ko nung kolehiyo ako halos lahat ng mga kakilala kong gumamit at gumagamit nag bagong buhay na at iyong iba nadedo na. at medyo may takot narin sila sa Government Officials and mga kapulisan dun. saka wala rin naman akong magagawa kong tinig ko lang ang sasabihin ko kaya ang kaya ko lang gawin eh ipag pray ang mga nagpapasatupad ng batas na ito lalo na si Pangulong Du30. 

Share this post

Link to post
Share on other sites

very good ang drug war. tumahimik dito samin kasi nawala yung mga adik

Share this post

Link to post
Share on other sites

Posted (edited)

Sa tingin niyo saan kaya tayo makakakuha ng sagot para sa mga katanungan natin sa buhay?,,at sa mga nangyayari sa sanlibutan?..

Edited by jorge0505

Share this post

Link to post
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now

Please contact us for your DMCA or Abuse Requests via dmca@benlotus.com

All content on forums.benlotus.com is user generated and linked to 3rd party websites. forums.benlotus.com does not host any files on it's servers, it provides an indexing service. forums.benlotus.com; It's owners and it's staff will not be held responsible for any type of content. To remove a link please contact a webmaster via Contact Us or email at dmca@benlotus.com