Suggest ko lang po
Sana magkaroon ng board dito about Homebased jobs like Freelancers, Onlinejobs.ph, Fiverr, Upwork at iba pang legit na online jobs website kadalasan kasi sa ibang forum eh yung mga homebased jobs na fake na puro referral nalang yung binibigay tapos sa huli nagiging scams or nasasayang yung oras ng mga tao kaya hindi narin ako masyado nagbabasa sa ibang forums ng mga make money boards eh puro fake yung nakikita ko kung hindi naman fake eh napakaliit ng kita minsan sa isang buwan makaka 50pesos kalang siguro pag malas pa nga ni piso wala eh.
Yang mga binigay kong websites yan yung mga legit na online jobs websites at sana maliwanagan yung mga baguhan sa homebased jobs kung ano talaga yung legit ng hindi nasasayang ang oras nila yun lang Maraming salamat